NEW
Font size
WorksheetsTAGIS TALINO 2021
Total questions: 40
Worksheet time: 22mins
Ano ang pangunahing gamit ng isip?
A. Lumikha
B. Mag-isip
C. Mangatwiran
D. Umunawa
Ano ang tunguhin ng kilos-loob?
Kabutihan
Katotohanan
Kamalayan
Pagmamahal
Ano ang nagtutulak sa isang tao na maglingkod at tumulong sa kapwa?
Espiritu
Kamalayan sa Sarili
Pagmamahal
Reyalidad
Ito ang nagbibigay direksiyon sa pamumuhay ng tao tungo sa mahusay na paghubog ng konsensiya, ano ito?
Isip
Kilos-loob
Puso
Likas na Batas Moral
Ano ang nararapat na maging kaakibat ng tunay na kalayaan?
Kaalaman
Kakayahan
Pananagutan
Talino
Ano ang kahulugan ng salitang dignitas mula sa salitang latin na dignus?
Karapat-dapat
Karapatan
Kagalang-galang
Pantay-pantay
Sino ang nagsabing “Ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito”?
Max Scheler
Pope Francis
Johann
Sto. Tomas de Aquino
Ano ang dapat gawin ng isang tao upang maging tunay na malaya?
Gawin ang lahat ng naisin
Gumawa ng mabuti
Magsikap sa buhay
Manalangin
Ano ang pangunahing prinsipyo ng Likas na batas Moral?
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kanyang buhay
Gawin ang mabuti at iwasan ang masama
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
Sino ang pangunahing tagapaghubog ng konsensiya?
Guro
Lipunan
Magulang
Sarili
Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
Peace
Unity
Justice
Individualism
Ang Likas na Batas Moral kabutihan ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito. Ang pahayag ay
Tama
Mali
Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
Kapayapaan
Kabutihang Panlahat
Kalusugan
Kahusayan
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama – samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.
Politikal
Lipunan
Sibil
Ekonomiya
Ito ang mga tradisyon, nakasanayan, mga pamamaraan ng pagpapasya, at mga hangarin na kanilang pinagbahaginan sa paglipas ng panahon.
Kostumbre
Kultura
Pamahiin
Ritwal
Ito ang prinsipyo kung saan, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila.
Subsidiarity
Solidarity
Proportio
Stability
Titanatwag ito ni santo Tomas de Aquino na Prinsipyo ng ________, ang angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangagailangan ng tao.
Proportio
Subsidiarity
Solidarity
Stability
Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
Lipunang Pang Ekonomiya
Lipunang Politikal
Lipunang Sibil
Simbahan
Sa pamamagitan ng mga lider at iba pang mga kasapi nito, nailalagay natin sa mas mataas na antas ng kabuluhan ang mga material na bagay na ating tinatamasa.
Mass Media
Pamahalaan
Simbahan
Negosyo
Ito ay isang uri ng lipunan na kusang loob na nag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't isa.
Lipunang Pang simbahan
Lipunang Pang- Ekonomiya
Lipunang Politikal
Lipunang Sibil
Ito ang pinakamaliit na yunit ng lipunan
Pamilya
Barangay
Lipunan
Ang pamilya ay natural na institusyon dahil___.
Bahagi sila ng lipunan.
Sila ang bumubuo sa lipunan
Mahalaga sila sa lipunan
Ang pamilya ay una at hindi mapapantayang paaralan ng pagmamahal
TAMA
MALI
Ang orihinal at pangunahing karapatan ng bata.
Edukasyon
tirahan
Pagkain
Anong misyon ng pamilya ang humuhubog sa kabanalan ng isang tao?
Pagbibigay ng edukasyon.
Paggabay as mabuting pagpapasiya
Paghubog ng pananampaltaya
Ito ay uri ng komunikasyon na gumagamit ng wika.
Pasalita
Di-Pasalita.
Virtual
Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________.
susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang
pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
Ayon kay Martin Buber “ang tunay na komunikasyon sa pagitan ng mga tao ay
tinatawag na diyalogo”. Ito ay hindi lamang ukol pakikipag-usap, pakikipagtalastasan o pagpapalitan ng impormasyon, sa halip, nagsisimula ito sa isang sining ng_________
Argumentasyon
Komunikasyon
Pakikinig
Paglalahad
Ito ay komunikasyon na gumagamit ng senyas.
Di-Pasalita
Virtual.
Pasalita
Ang pamilya ay pinagbubuklod ng___.
pagmamahal
Takot.
Anak
Bilang isang mag-aaral ano ang una mong dapat gawin at pahalagahan?
Mag-aral Mabuti
Magkaroon ng mga kaibigan
hintayin ang deadline ng pasahan
Unahin ang paglalaro ng gadget
Bakit mahalagang matutunan nating mahalin ang ating sarili?
upang mapanatili ang tiwala sa ating sarili
upang mahalin din tayo ng iba
upang magpakitang tao
upang maipagyabang sa iba
Ang paggawa ng tama at pag-iwas sa mali ay isang palatandaan ng pagbabago sa anong aspeto?
Pangkalusugan
Pangkaisipan
Moral
Panlipunan
Sa anong paraan maipapakita ng isang nagdadalaga /nagbibinata ang kanyang pag-unlad sa aspetong pangkaisipan?
Paglayo sa magulang
Pagiging mahusay sa pakikipagtalakayan at pagpapaliwanag
Pag-alam sa Tama o Mali
Pagiging matulungin sa kapwa
Pinakamahalang tungkulin ng anak sa kanyang mga magulang.
Mahalin, Igalang at pagkatiwalaan ang magulang
Ipaunawa sa magulang ang kanyang saloobin
Sagutin ng pabalang ang mga magulang
Sundin ang utos ng mga magulang
Ito ay tumutukoy sa kalakasan ng isip na gawin ang isang pambihirang bagay
Kahinaan
Katangian
Kakayahan
Pag-uugali
Ito ay isang regalo ng Diyos sa atin na dapat pagyamanin
Talento
Katangian
Kalakasan
Kaibigan
Ang tumutukoy sa larangan ng hillig sa pagkukuwenta o mga bagay na may kinalaman sa bilang o numero.
Musical
Computational
Literary
Social Service
Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng Gawain at gumganyak sa iyo na kumilos o gumawa.
Hilig
Karunungan
Kalakasan
Kahinaan
Mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pagsasaayos ng mga ideya. Kinakailangang makita ang paglalarawan ng ideya upang maunawaan ito.
Visual / Spatial
Mathematical / Logical
Verbal / Linguistic
Bodily / Kinesthetic
