wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Magalang Ako, Saan man Magpunta!

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?

a)

Akin na muna ang iyong aklat.

b)

Ipahiram mo sa akin ang aklat mo.

c)

Maaari ko bang hiramin ang aklat mo?

2.

Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat niyang sabihin?

a)

Naku, hindi ko kayo kilala.

b)

Nay, nandito ang kaibigan niyo.

c)

Tuloy po kayo, tatawagin ko lang si nanay.

3.

Isang umaga, binisita ni Roy ang klinika ni Doktora Nina. Paano niya ito babatiin?

a)

Kumusta ka na Dra. Nina?

b)

Magandang umaga po, Dra. Nina!

c)

Magpapakunsulta sana ako.

4.

Inutusan ka ng iyong itay na bumili ng mantika sa tindahan. Ano ang isasagot mo?

a)

Ayoko, itay.

b)

Opo, itay.

c)

Mamaya na may ginagawa pa ako.

5.

Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?

a)

Maari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?

b)

Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.

c)

Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.

6.

Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng inyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?

a)

Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.

b)

Maari ba akong magbigay ng suhestiyon sa paggawa ng ating proyekto?

c)

Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.

7.

Pinuri ka ng iyong guro dahil sa husay mo sa pagguhit. Ano ang tama mong isasagot?

a)

Maraming salamat po, Ma'am.

b)

Syempre naman po, kasi may pinagmanahan.

c)

Wala iyon, Ma'am

8.

Lalabas na sana si Angie sa kanilang silid-aralan ngunit nag-uusap ang kaniyang mga kamag-aral sa may pintuan. Ano ang nararapat niyang sabihin?

a)

Padaan nga.

b)

Makikiraan po sa inyo.

c)

Huwag kayong humarang sa pintuan.

9.

Hinati mo ang baon mong tinapay sa iyong kaklase, nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang isasagot mo?

a)

Walang anuman.

b)

Bukas magdala ka na ng baon mo.

c)

Salamat sa iyo.

10.

Tinulungan ka ng iyong kamag-aral na buhatin ang mabigat mong mga aklat.

a)

Salamat sa iyo.

b)

Walang anuman.

c)

Ipagpaumanhin mo po.

11.

Nasaktan mo ang damdamin ng iyong nanay.

a)

Paumanhin po, hindi ko po sinasadya.

b)

Bakit ka ba nagtatampo sa akin?

c)

Wala po akong ginawang masama.

12.

Pinagsusulat kayo ng iyong guro ngunit naiwan ang lapis mo sa inyong bahay. Nakita mong dalawa ang lapis ng kaklase mo, ano ang gagawin o sasabihin mo?

a)

Iiyak ako upang mapansin ako ng aming guro.

b)

Sa akin ang isang lapis na iyan.

c)

Maari bang makahiram ng iyong isang lapis?

13.

Dumating ang iyong sundo o service para sa pagpasok sa paaralan.

a)

Aalis ako, inay.

b)

Paalam na po inay.

c)

Iiwanan na kita nanay.

14.

Anong magalang na salita ang gagamitin kung binigyan ka ng tinapay ng kaklase mo?

a)

Salamat hindi naman masarap.

b)

Maraming salamat sa iyo.

c)

Anong palaman nito?

d)

Masarap ba iyan?

15.

Alin ang gumamit ng magagalang na salita? (Mahigit sa isa ang sagot)

a)

“Magandang umaga po sa lahat.”

b)

“Umalis nga kayo sa daanan, nakaharang kayo!”

c)

“Ikaw ang may kasalanan, hindi ako!

d)

“Pasensya na po kung nahuli ako ng dating.”

e)

“Ako na po ang magdadala ng mga pinamili ninyo.”

16.

Hihiramin mo ang krayola ng ate mo. Anong sasabihin mo sa kanya?

a)

Ate, akin na ang krayola mo.

b)

Gagamitin ko ang krayola mo.

c)

Sa kin na lang ang krayola mo, ha!

d)

Maaari ko bang mahiram ang krayola mo?

17.

Nais mong dumaan subalit nag-uusap sa may pintuan ang iyong nanay at ang kaibigan nya. Anong sasabihin mo sa kanila?

a)

Makikiraan po.

b)

Umalis kayo diyan.

c)

Tabi kayo!

d)

Dadaan nga ako!

18.

Nagkita kayo ng matalik mong kaibigan pagkatapos ng ilang taon. Ano ang una mong pagbati?

a)

Kumusta ka na?

b)

Magandang umaga po.

c)

Salamat po.

d)

Paumanhin po.

19.

Aksidente mong natapon ang iniinom na gatas ng kaklase mo. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Salamat po.

b)

Makikiraan po.

c)

Paumanhin o Pasensiya na po.

d)

Mag-ingat po kayo.

20.

Umuwi na ang iyong Lola pabalik ng kanyang bahay. Ano ang iyong sasabihin?

a)

Mag-ingat po kayo.

b)

Makikiraan po.

c)

Magandang gabi po.

d)

Walang anuman po.

21.

Pupunta ang iyong ate sa palengke. Ano ang sasabihin mo sakanya?

a)

Paalam! Mag-iingat ka.

b)

Bumili ka nga ng mansanas.

c)

Dalhin mo si bantay.

22.

Nabali mo ang lapis na iyong hiniram. Ano ang sasabihin sa iyong taong pinaghiraman?

a)

Pasensya na. Hindi ko sinasadya.

b)

Bakit mabilis mabali ang lapis mo?

c)

Hindi ako ang may gawa niyan.

23.

Binigyan mo ng keyk ang iyong kuya at nagpasalamat siya sa iyo. Ano ang isasagot mo sa kanya?

a)

Bayaran mo yan mamaya.

b)

Walang anuman.

c)

Salamat.

24.

Kagigising mo pa lamang nang pumasok sa iyong kuwarto ang iyong nanay. Paano mo siya babatiin?

a)

Ano po ang pagkain?

b)

Magandang gabi po.

c)

Magandang umaga po.

25.

Nais mong pumunta sa palikuran (CR) ngunit ikaw ay nasa klase. Ano ang sasabihin mo sa guro?

a)

Naiihi po ako.

b)

Maari po bang pumunta sa palikuran (CR) ?

c)

Walang sasabihin at aalis lang bigla.