wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pakikipagkapwa

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

1. Ang tao ay nilikhang marunong makisama at nakikisalamuha sa iba. Alin sa mga sumusunod ang angkop sa pakikipagkapwa?

a)

Kayang mag-isa ng tao mabubuhay siya.

b)

Kailangan ng tao na makisama sa kanyang kapwa.

c)

Hindi mabubuhay ang tao ng nag-iisa.

d)

Hindi kailangang makisama para magkaroon ng kapwa.

2.

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mabuting pakikipagkapwa?

a)

Iginagalang ang lalaki at babae na gusto lamang.

b)

Nakikiramay at nagbibigay ng tulong sa oras ng pangangailangan at kagipitan.

c)

Inuuna ang kapwa

d)

Pinagmamalasakitan ang mahihina at may kapansanan.

3.

3. Ano ang negatibong epekto ng pakikipagkapwa?

a)

Isinasaalang-alang ang sariling kapakanan sa labis na pakikisama.

b)

Tumutulong ng taos sa puso.

c)

Pagtanaw ng utang na loob.

d)

Inuuna ang damdamin ng kapwa.

4.

4. Nabalitaan mong ang isa mong kaklase ay mahirap at naulila sa magulang kaya nakatira na lamang siya sa mga tiyuhin at tiyahin nito. Maagang naulila dahil tinamaan ng covid ang mga magulang niya na nagtatatrabaho at hindi nakaligtas gawa ng kahirapan ng buhay. Ano ang iyong gagawin?

a)

Pakikisamahan ko siya ng mabuti , paaalalahanan at palalakasin ang loob.

b)

Makikisama lang ako sa mga kaklase ko na may kaya sa buhay.

c)

Iiwasan ko siya kung magtatanong siya hindi ko papansinin.

d)

Aampunin ko na lang siya at sa amin na patitirahin.

5.

5. Ano ang marapat na pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa?

a)

Hindi alam ang paggalang at respeto sa iba.

b)

Tinitingnan ang katayuan o estado ng lipunan.

c)

Iniisip ang sariling kapakinabangan.

d)

Iniisip ang kapakanan ng kapwa hindi ng sarili lamang.

6.

6. .Anong birtud ang nagpapatatag ng ating pakikipagkapwa tao?

a)

Katarungan at Pagmamahal

b)

Kahinahunan at Pag-asa

c)

Katarungan at Katapatan

d)

Katapatan at Pagtitimpi

7.

Ang mga sumusunod ay mga balakid sa pakikipag-ugnayan sa iba maliban sa:

a)

Mahusay siyang magsalita at mangumbinsi samantalang mahiyain ako.

b)

Naiilang kasi mayaman siya at mahirap ako.

c)

Pakikisama at pakikitungo sa abot ng makakaya ng walang hinihintay na anumang kapalit.

d)

Inggit kung anong meron siya na wala sa iyo.

8.

8. Bakit mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa iba?

a)

Nakakalibang

b)

Nakakalimutang panandalian ang problema

c)

Nararamdamang ikaw ay kabilang sa grupo o samahan

d)

Naisasakatuparan ang pagtulong at pakikipagkapwa

9.

9. Paano mo pakikitunguhan ang iyong kamag-aral na bagong lipat sa inyong klase na dahil sa pandemya ay hindi nakauwi sa kanilang probinsiya?

a)

Kahit walang face-to-face ngayon sa aming klase maaaring ko siyang maging kaibigan sa FB chat o messenger.

b)

Susubukan ko muna kung marunong siya bago ko siya gawing kaibigan.

c)

Tutuksuhin ko siya kasi iba ang lengguwahe niya.

d)

Hindi ko siya kakaibiganin kasi hindi naman siya taga rito.

10.

10. Alin sa mga sumusunod ang magandang simula ng makabuluhang pakikipagkapwa?

a)

Pakikipagkaibigan

b)

Pakikipagrelasyon

c)

Pakikipagtalo

d)

Pakikipag-away