wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 6.2.4

Total questions: 15

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Sobrang maanghang ang laing na niluto ni Pacing.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

2.

Kakuri-kuriputan ang lolo ko sa lahat ng magkakapatid.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

3.

Di-gaanong matalino ang bunso na tulad ng panganay na anak ni Aling Cely.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

4.

Malambot nang kaunti ang isang gulong ng kotse mo. Pahanginan mo na kaya.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

5.

Ang pinakamahusay sa mga aplikante ay binigyan ng magandang trabaho.

a)

Simuno

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

Layon ng Pang-ukol

6.

Talagang mabango ang bulaklak na kamya.

a)

Simuno

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

Layon ng Pang-ukol

7.

Ikuha mo ako ng mas malaki,kulang sa akin iyan.

a)

Simuno

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

Layon ng Pang-ukol

8.

Para sa mahihina ang ehersisyong inihanda ng guro sa PE.

a)

Simuno

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

Layon ng Pang-ukol

9.

Masagana ang ani sa sakahan namin sa taong ito.

a)

Simuno

b)

Kaganapang Pansimuno

c)

Tuwirang Layon

d)

Layon ng Pang-ukol

10.

Ano ang magiging reaksiyon mo batay sa pangyayari/sitwasyon?

Ang unang guro ni Pepe ay ang kaniyang ina.

a)

Noon at ngayon, ina naman talaga ang lagi nang unang guro ng mga anak.

b)

Bakit hindi siya kumuha ng magtuturo kay Pepe? Hindi ba siya napapagod?

11.

Ano ang magiging reaksiyon mo batay sa pangyayari/sitwasyon?

Marunong nang bumasa at sumulat si Jose Rizal nang magsimula siyang mag-aral.

a)

Dapat talaga na lahat ng nagsisimulang mag-aral ay marunong nang bumasa at sumulat.

b)

Kay talino talaga ni Jose Rizal. Madali siyang natutong bumasa at sumulat.

12.

Ano ang magiging reaksiyon mo batay sa pangyayari/sitwasyon?

Wiling-wili si Pepe sa pagbabasa ng mga tula, kuwento, nobela at mga aklat tungkol sa paglalakbay at kasaysayan.

a)

Paanong hindi siya tatalino, e, kay rami ng kinawiwilihan niyang basahin.

b)

Kaya pala lumaki siyang makata, manunulat at makabayan dahil sa kababasa niya ng mga ito.

13.

Ano ang magiging reaksiyon mo batay sa pangyayari/sitwasyon?

Lungkot at galit ang kaniyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang pagmamalupit ng mga Kastila sa kaniyang kababayan ngunit wala siyang magawa.

a)

Hindi pa kasi sapat ang kaniyang kaalaman kung paano niya ipararating sa mga kababayan ang kalupitan ng mga Kastila.

b)

Baka siya naman ang pagbalingan ng mga Kastila kung makikialam siya.

14.

Ano ang magiging reaksiyon mo batay sa pangyayari/sitwasyon?

Isiiwalat ni Jose Rizal sa kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere ang kawalang katarungan at pang-aabuso ng mga Kastila sa Pilipinas.

a)

Dapat ba talagang may mabasa pang mga nobela para makita at mamulat ang mga Pilipino sa mga ginagawa ng mga Kastila?

b)

Mahusay na paraan ang naisip na ito ni Jose Rizal. Bagama't hindi lantad ang tiyak na pinatutungkulan sa mga nobela, naunawaan ito ng mga Pilipino.

15.

Ang koponan A ay mas mahusay kaysa koponan B.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol