wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikalawang Markahan - Mahabang Pagsusulit Blg. 1

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ang terminong Kakayahang Pangkomunikatibo o Communicative Competence ay nagmula kay _______

a)

Dell Hymes

b)

Dr. Fe Otanes

c)

John J. Gumperz

d)

Noam Chomsky

2.

Ayon kay _____, ang pangunahing mithiin ng sa pagtuturo ng wika ay upang makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.

a)

Dell Hymes

b)

Dr. Fe Otanes

c)

John J. Gumperz

d)

Noam Chomsky

3.

“Bigayan na ng kard bukas, handa ka na bang makita ang grado mong bagsak?” Ito ay uri ng pangungusap na patanong, sa anong komponent ng kakayahang gramatika ito nabibilang?

a)

Leksikon

b)

Ponolohiya

c)

Morpolohiya

d)

Sintaks

4.

“Pre, nakita ko sir Rem kanina. Napakapangit naman ng ipinalit sa akin.” Ang salitang napakapangit ay isang halimbawa ng komponent ng kakayahang gramatika na ______.

a)

Leksikon

b)

Ponolohiya

c)

Morpolohiya

d)

Sintaks

5.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa komponent ng kakayahang linggwistiko na Leksikon?

a)

Estruktura ng Pangungusap

b)

Kolokasyon

c)

Konotasyon at Denotasyon

d)

Pagkilala sa Content at Function Words

6.

Ito ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga kausap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan.

a)

Kakayahang Pangkomunikatibo

b)

Kakayahang Linggwistiko

c)

Kakayahang Sosyolinggwistiko

d)

Kakayahang Diskorsal

7.

Ginamit ni Dell Hymes ang SPEAKING bilang acronym upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. Ano ang ibig sabihin ng letrang E sa akronim na ito?

a)

Easy

b)

Early

c)

Ending

d)

Ends

8.

“Para sa inyong gawain, ang bawat isa ay kinakailangang isalaysay ang inyong karanasan sa panibagong pamamaraan ng pag – aaral ngayong pandemya” turan ng aming guro. Saang akronim ng SPEAKING nabibilang ang pahayag?

a)

Act Sequence

b)

Ends

c)

Genre

d)

Participant

9.

“May pagpupulong na magaganap mamaya at ang mga kabilang dito ay ang presidente ng bawat klase, dumalo ka anak.” Saang akronim ng SPEAKING nabibilang ang pahayag?

a)

Act Sequence

b)

Ends

c)

Genre

d)

Participant

10.

Dapat bigyang konsiderasyon din ang pakay o layunin sa pakikipag-usap.

a)

Act Sequence

b)

Ends

c)

Genre

d)

Participant

11.

Berbal ang tawag sa komunikasyon kapag ito’y hindi gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng kilos o galaw.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Ang proksemika ay isang katawaganag binuo ng antropologong si Edward T. Hall.

a)

TAMA

b)

MALI

13.

Kinesika ang tawag sa pag – aaral ng mga di – lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.

a)

TAMA

b)

MALI

14.

“Tinapik niya ako sa balikat bilang pagpapakita ng kanyang pagdamay.” Ito ay halimbawa ng di – berbal na komunikasyong tinatawag na haptics.

a)

TAMA

b)

MALI

15.

“Filipino time talaga ang aking kaibigan na si Roella, pagpasensyahan mo na lang.” Ito ay tumutukoy sa oculesics na anyo ng di – berbal na komunikasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

16.

Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayaAng kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at makapagpahayag sa isang tiyak na wika. g sa isang tiyak na wika.

a)

TAMA

b)

MALI

17.

May tatlong uri ang kakayahang diskorsal, ito ay ang kakayahang tekstuwal, retorikal at diskurso.

a)

TAMA

b)

MALI

18.

Ang nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo ay sina Canary at Cody.

a)

TAMA

b)

MALI

19.

“Si AJ ay madaldal kapag barkada ang kanyang kasama ngunit ito ay nagbabago kapag mga kamag – anak na ang kanyang nakakasalamuha, siya ay biglang nanahimik.” Ito ay isang halimbawa ng bisa o effectiveness.

a)

TAMA

b)

MALI

20.

“Kung ako ang nasa sitwasyon niya, masasaktan ako nang sobra kapag nalaman kong pinagpalit ako sa malapit.” Ang pahayag na ito ay nabibilang sa anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo na Empathy.

a)

TAMA

b)

MALI