wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 5 (2nd Quarter) Quiz 2

Total questions: 15

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang naging kauna-unahang Gobernador-Heneral ng Pilipinas.

a)

Lapu-Lapu

b)

Ferdinand Magellan

c)

Miguel Lopez de Legazpi

2.

Paano pinalaganap ang kristiyanismo Sa Pilipinas?

a)

Pinagmalupitan ng mga Espanyol ang mga Pilipino upang maging Kristiyano.

b)

Nag-aral ang mga Pilipino ng wikang Espanyol upang maunawan nila ang mga misyonero.

c)

Pinag-aralan ng mga misyonero ang mga katutubong salita sa kapuluan upang mapadali ang pagtuturo at pagpapalaganap nila ng Kristiyanismo.

3.

Binabayaran ito sa anyo ng salapi o kaya naman ay sa katumbas na halaga nito sa ani tulad ng manok, palay, ginto, at tela.

a)

tributo

b)

polo y servicio

c)

reduccion

4.

Ang halaga nito ay kailangang bayaran at nakabatay sa kabuoang kita ng isang indibidwal. Ito ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

a)

cedula personal

b)

polo y servicio

c)

encomienda

5.

   Bakit kailangang mangulekta ng tributo at iba pang buwing amg mga Espanyol?

a)

Upang ang mga buwis na makokolekta ay pagkakitaan ng mga Espanyol.

b)

Upang ang mga buwis na makokolekta sa kapuluan ay magamit para sa pangangailanagan at gastusin sa loob ng kolonya.

c)

Upang ang mga buwis na makokolekta ay makatulong sa mga nangangailangan.

6.

Bakit nagkaroon ng patakaran ng sapilitang paggawa o polo y servicio?

a)

Upang magkaroon ng silbi ang mga Pilipino sa Espanya.

b)

Upang mapadali ang pamumuhay ng mga Espanyol sa Pilipinas at wala na silang gawin.

c)

Upang magkaroon ng katulong ang pamahalaan ng Espanya sa paggawa o pagpapatayo ng mga gusali tulad ng simbahan, tulay, paaralan, ampunan at iba pa.

7.

Ito ay sapilitang paglipat ng tirahan ng mga katutubo mula sa dati nitong kinalalagyan tungo sa isang bagong pamayanang tinawag na pueblo o bayan.

a)

  polo y servicio

b)

tributo

c)

reduccion

8.

Ang mga sumusunod ay mga naging ambag sa atin ng mga Espanyo maliban sa isa.

a)

Kristiyanismo

b)

Pista

c)

  Libreng pormal na edukasyon  

9.

Nagmula sa salitang encomiendar na nangangahulugang “ipinauubaya ang pangangalaga sa isang tao’”

a)

polo y servicio

b)

cedula personal

c)

 encomienda

10.

Tumutukoy sa matinding ugnayan o pagsasanib ng kapangyarihan ng simbahan at estado sa pamamahala ng kolonya.

a)

Polo y Servicio

b)

Encomienda

c)

Patronato Real

11.

Limitado ang kapangyarihan ng mga prayle sa aspektong panrelihiyon sa panahon ng kolonyalismong Espanyol.

a)

tama

b)

mali

12.

Nagkaroon ng kontribusyon ang mga prayle sa pagkontrol at pagpapayapa sa mga katutubong Pilipino.

a)

tama

b)

mali

13.

Mayroong mga katutubong tumutol sa pamamalakad ng mga prayle noong panahon ng kolonyalismong Espanyol.

a)

tama

b)

mali

14.

Lahat ng mga Pilipino ay tinanggap ang pamamahala at pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas.

a)

tama

b)

mali

15.

Itinuro ng mga prayle sa mga katutubo ang Bibliya ang pagsisimba, ang pagdarasal at pagrorosaryo at ang pagtanggap ng sakramento tulad ng binyag, kasal at komunyon. 

a)

tama

b)

mali