wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 7 Review for 2nd Q.

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a)

mag-isip

b)

umunawa

c)

magpasya

d)

lahat ng nabanggit

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mahalagang sangkap ng tao?

a)

A. Isip

b)

B. Puso

c)

C. Damdamin

d)

D. kamay o paa

3.

Ano ang nahahanap ng tao sa pamamagitan ng kilos-loob?

a)

Ugnayan

b)

Pandama

c)

Kabutihan

d)

kumilos o gumawa

4.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kasingkahulugan ng salitang may salungguhitsa pahayag na “Itinuturing ang tao na kawangis ng Diyos.”

a)

Katulad

b)

Kahawig

c)

kamukha

d)

Kakambal

5.

Ano ang panloob na pandamdam na mahalaga upang makaramdam ang tao, maging gising o alerto, sa mga bagay-bagay?

a)

kilos-loob

b)

kamalayan

c)

Isip o intellect

d)

konsiyensiya o budhi

6.

Ano ang kakayahang umisip at magsuri ng iba’t ibang paraan upang mapaunlad ng tao ang buhay niya at ng kanyang kapwa?

a)

kilos-loob

b)

isip o intellect

c)

panloob na pandamdam

d)

panlabas na pandamdam

7.

Ano ang kakayahang maglapat ng kaalaman at pagsasagawa ng paglilitis o paghuhusga sa isip kung mabuti o masama ang pasiya o kilos?

a)

Moralidad

b)

isip o intellect

c)

kilos-loob o will

d)

konsensiya o budhi

8.

Anong tawag sa batas ng Diyos na kung saan naglalaman ito ng lahat ng batas ng kaayusan para sa sandaigdigan?

a)

Divine law

b)

Universal Law

c)

Batas kalikasan

d)

Sandaigdigang batas

9.

Ano ang tawag sa batas moral na kung saan ang tao ay may kalikasang material at espiritwal?

a)

Divine Law

b)

Natural Law

c)

Universal law

d)

Obhetibong batas

10.

Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?

a)

Konsensiya

b)

kilos – loob

c)

pagmamahal

d)

Responsibilidad

11.

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay?

a)

Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao

b)

Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama

d)

Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

12.

Likas na may kabutihan ang tao kaya ______

a)

Lahat ng kanyang gagawin ay Mabuti

b)

Hindi nya maatim na gumawa ng masama

c)

Malaki ang kanyang potensyal na gumawa ng mabuti

d)

Kahit anong sama ang impluwensya ng paligid ay nagiging mabuti pa rin Siya

13.

Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:

a)

Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao

b)

Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na Ito ay kailangan.

c)

Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay

d)

Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama

14.

Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:

a)

Obhektibo

b)

Unibersal

c)

Di nagbabago

d)

Walang hanggan

15.

Paano mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a)

Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob

b)

sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.

c)

Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili

d)

Lahat ng nabanggit