NEW
Font size
WorksheetsQ2-ST#1-ESP4
Total questions: 19
Worksheet time: 5mins
Piliin ang tamang sagot.
Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.
Tama
Mali
Wala kang pakialam.
Tama
Mali
Kunwari lang naman ‘yan na tutulong para mapaganda ang proyekto ko, alam ko naiinggit lang iyan.
Tama
Mali
Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang damit ko.
Tama
Mali
Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at mababago ko.
Tama
Mali
May dumating na donasyon galing sa bansang Japan para sa mga biktima ng lindol. Ang nais ng mga Hapones ay sila ang mag-aabot sa mga biktima sapagkat may listahan sila ng bilang at pangalan ng mga bibigyan.
Napipilitan lamang magbigay.
Nagbigay nang bukal sa kalooban.
Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng pagkain, gamot, damit, at higaan para sa mga biktima. Nagpunta sila sa evacuation center upang makausap ang mga inilikas na biktima. Nararamdaman nila ang pagdurusa ng mga bata kaya’t magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.
Napipilitan lamang magbigay.
Nagbigay nang bukal sa kalooban.
Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang nagdadala ng relief goods sa covered court ng barangay. May inilikas na mga nasunugan at walang nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang kaniyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi na nasusuot at ang mga de-latang malapit nang masira.
Napipilitan lamang magbigay.
Nagbigay nang bukal sa kalooban.
Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya ni Mang Oca sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilang kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang sakong bigas at mga damit.
Napipilitan lamang magbigay.
Nagbigay nang bukal sa kalooban.
Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay sinusuportahan ng isang samahang nagkakawanggawa sa mga mahihirap subalit may kasipagan at kakayahang mag-aral. Ipinadadala sa iyong paaralan ng samahang ito ang mga kailangan ninyo sa pag-aaral.
Napipilitan lamang magbigay.
Nagbigay nang bukal sa kalooban.
Nakikigaya sa ibang nagbibigay.
Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang samahan.
Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay.
Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad. Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
Tanggapin ko nang maluwag sa aking kalooban ang mga pintas nila at pagbutihin ko ang aking ginagawa.
Hindi ko sila papansinin.
Aawayin ko sila.
Pipintasan ko rin sila.
May bago kang kaklase galing sa malayong probinsiya. Nalaman mong pinipintasan ito ng mga kaklase mo. Ano ang sasabihin mo sa kanila?
Pagsasabihan ko ang aking mga kaklase na huwag siyang pintasan.
Gagayahin ko rin ang aking mga kaklase.
Hindi ko sila papansinin.
Wala akong pakialam.
Pinuna ka ng iyong guro dahil nakikipagdaldalan ka sa iyong kaklase. Paano mo ito tatanggapin?
Hihingi ako ng sorry sa aking guro.
Ipagpatuloy ko pa rin ang aking ginagawa
Sisimangutan ko ang aking guro.
Hindi ko siya papansinin.
Madalas kang kumanta sapagkat hilig mo rin ito. Sinigawan ka ng inyong kapitbahay. Hindi raw maganda ang boses mo. Ano ang iyong gagawin?
Hindi ko sila papansinin.
Mas lalo kong pagbubutihin ang aking pagkanta.
Aawayin ko sila.
Wala akong pakialam.
Binabatikos ka dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Paano mo haharapin ang mga pumupuna sa iyo?
Kakausapin ko siya nang mahinahon at humingi ng sorry sa pagkakamaling nagawa.
Hahamunin ko siya ng away.
Babatikusin ko rin siya.
Hindi ko na lang siya papansinin.
Narinig mong nakikipag-away ang kaibigan mong si Richard. Dali-dali kang tumakbo papunta sa kaniya at nakita mong binabato niya ang isang bata? Ano ang iyong gagawin?
Sisigawan ko ang bata para matakot.
Tutulungan ko siya upang matalo ang bata.
Sasawayin ko at pagsasabihan ang kaibigan ko.
Pababayaan ko lang hanggang sa huminto ang kanilang pag-aaway.
Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng maayos at tahimik na kapaligiran MALIBAN sa:
Masaya at may pagkakaunawaan ang magkakapitbahay sa Barangay Tahimik.
May pag-aalala ang mga mamamayan ng Barangay Maalalahanin dahil sa lumalaganap na akyat-bahay sa kanilang lugar.
Sumusunod sa “curfew” ang mga mamamayan sa Lungsod ng Masunurin.
Walang maririnig na ingay ng videoke kapag sumapit ang alas onse ng gabi sa Barangay Bida.
Magkapatid sina Ara at Dana at iisa ang kanilang silidtulugan. Maayos si Ara sa gamit samantalang si Dana ay magulo sa kaniyang mga kagamitan. Minsan, naiinis na si Ara dahil hindi siya mapakali sa tuwing makalat ang kanilang silid. Kung ikaw si Ara, ano ang iyong gagawin?
Aawayin si Dana
Hahayaan lang ito
Isusumbong si Dana sa nanay
Aayusin ang mga gamit at kakausapin si Dana na tumulong mag-ayos ng kanilang silid-tulugan
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang kaayaayang kapaligiran, MALIBAN sa:
Makalat na kalye.
Luntiang kapaligiran.
Maayos at malinis na drainage system.
Pagsunod sa “No Parking Area, No Car Policy”.
