Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 7 2nd Quarter Reviewer

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Kasama ang wika, kaugalian, paniniwala, at sining.

a)

Sibilisasyon

b)

Urbanisasyon

c)

Kabihasnan

d)

Kultura

2.

Ito ay isang kaisipan na nagmula sa Japan na kung saan pinaniniwalaan na banal ang kanilang mga pinuno.

a)

Mandate of Heaven

b)

Son of Heaven

c)

Zhongguo

d)

Divine Origin

3.

Bakit itinuturing na isa sa mga salik sa pagbuo ng kabihasnan ang mga Hari?

a)

Dahil sila ang tagapag-ugnay sa mga malawakang proyekto

b)

Dahil sila ang nagpapairal ng batas

c)

Dahil sila ang nag-oorganisa ng sistema ng dipensa

d)

Lahat ng nabanggit

4.

Ang Ziggurat ay kilala sa kasaysayan ng Sumer bilang isang gusaling may maraming palapag. Bakit dito nakasentro ang pamumuhay ng mga lungsod-estado sa Sumer?

a)

Dahil maraming magagandang tanawin ang makikita rito

b)

Dahil nagsisilbi itong tahanan ng mga tao sa Sumer

c)

Dahil dito nila ginagawa ang mga kagamitan sa pagsasaka

d)

Dahil dito nagtutungo ang mga tao upang tugunan ang kanilang mga pangangailangang panrelihiyon, pampolitika, at pang-ekonomiya.

5.

Ano ang naging batayan ng mga tao sa Mohenjo-Daro at Harappa sa pagbuo ng mga kabahayan at kalsada?

a)

Grid Pattern

b)

Patesi

c)

Sentralisadong Imburnal   

d)

Irigasyon

6.

Alin sa mga sumusunod ang naging pinakamahalagang kontribusyon ng papel sa kasaysayan?

a)

Naging mas komplikado ang pagpapadala ng mga liham sa ibang mga lungsod

b)

Naging mas maayos at maaasahan ang pagtatala ng mahahalagang pangyayari at kaisipan

c)

Naging dahilan ito ng hindi pagkakaunawaan

d)

Naging mahirap para sa iilan ang pagsusulat

7.

Maraming sa ating mga kababayan ang nahuhumaling sa pag-akyat ng mga bundok para makita ang ilan sa mga likas na yaman at magagandang tanawin ng ating bansa. Madalas naririnig natin ang salitang binabanggit nila na “tabi-tabi po” sa tuwing sila ay madadaan sa mapupunong mga lugar. Anong paniniwala sa Timog-Silangang Asya ang pinapakita rito?

a)

Paniniwala sa Divine origin

b)

Paniniwala na ang mga kabundukan ay nagmula sa pag-iibigan ng mga diyos

c)

Paniniwala na ang Diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama

d)

Paniniwala sa mga Espiritu at Diwata na nakatira sa mga kabundukan

8.

Alin ang mas malawak ang saklaw, kabihasnan o sibilisasyon?

a)

Mas malawak ang saklaw ng kabihasnan. Maaring tawaging kabihasnan ang pamumuhay sa lungsod lamang

b)

Mas malawak ang saklaw ng kabihasnan. Maaring tawaging kabihasnan ang pamumuhay sa hindi lungsod lamang

c)

Mas malawak ang saklaw ng kabihasnan. Maaring tawaging kabihasnan ang pamumuhay sa lungsod at pamumuhay sa hindi lungsod

d)

Mas malawak ang saklaw ng sibilisasyon. Maaring tawaging sibilisasyon ang pamumuhay sa lungsod at pamumuhay sa hindi lungsod

9.

Ikaw ay nabigyan ng pagkakataong magbakasyon sa Japan ngunit bago kayo umuwi ay nagpabili ang kaibigan mo ng isang Kojiki. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa Kojiki?

a)

Isang aklat ng mga Tsino na kung saan matatagpuan ang iba’t ibang pamahiin

b)

Isang aklat ng mga Hapon na kung saan matatagpuan ang iba’t ibang mitolohiya

c)

Isang aklat ng mga Hapon na kung saan matatagpuan ang iba’t ibang tourist spot

d)

Isang aklat ng mga Tsino na kung saan matatagpuan ang iba’t ibang mitolohiya

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aklat ni Mo Tzu?

a)

Book of Changes

b)

Book of Documents

c)

Book of life

d)

Book of Poetry

11.

Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit ipinatayo ni Haring Nebuchadnezzar ang Hanging Garden of Babylon?

a)

Upang ihandog sa kanyang asawa na si Amethyst

b)

Upang maging sentro ng lungsod

c)

Upang maging depensa laban sa mga mananakop

d)

Upang maging tahanan ng kanilang mga diyos

12.

Kailan dapat gamitin ang salitang Kabihasnan?

a)

Kapag mas kakaunti lamang ang saklaw ng pamumuhay

b)

Kapag sila ay naninirahan sa isang lungsod ngunit hindi bihasa sa pamumuhay

c)

Kapag sila ay naninirahan sa labas ng lungsod ngunit hindi bihasa sa pamumuhay

d)

Kapag mas malawak ang saklaw ng pamumuhay

13.

Ang mga kabihasnan na umusbong sa Mesopotamia ay napapalibutan ng dalawang pangunahing ilog, ang Tigris at Euphrates. Alin sa mga sumusunod ang kanilang ginawang paraan upang makaiwas sa pinsalang dala ng pag-apaw ng dalawang ilog?

a)

Paggawa ng irigasyon

b)

Paggawa ng mga dike at kanal

c)

Paggawa ng isang sentralisadong imburnal

d)

Paggawa ng gulong at araro

14.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga salik ng pagkakaroon ng kabihasnan?

a)

May organisadong pamahalaan

b)

Pagkakaroon ng maraming basura

c)

Pagkakaroon ng edukasyon

d)

Pagkakaroon ng kalakalan

15.

Ang mga kabihasnan sa Asya ay umusbong sa tabi ng ilog. Ito’y implikasyon na ____________.

a)

Mahalaga ang ilog sa kabuhayan ng mga tao

b)

Mahalaga ang ilog dahil nagbibigay ito ng sariwang hangin

c)

Mahalaga ang ilog upang hindi sila agad masakop ng mga dayuhan

d)

Mahalaga ang ilog dahil nagsisilbi itong daanan ng mga bangka

16.

Mas mataas ba ang pamumuhay sa lungsod kaysa sa pamumuhay na nomadiko-pastoral?

a)

Oo, dahil ang pamumuhay sa lungsod ang mas nakaaangat

b)

Hindi, ang parehong pamumuhay ay tumutugon lamang sa hamon na hinaharap ng kapaligiran      

c)

Oo, dahil ang pamumuhay sa nomadiko-pastoral ay di hamak na mas maganda kaysa sa mga lungsod

d)

Hindi, ang parehong pamumuhay ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng tao

17.

Bakit isinasama ang mga piguring hawig sa tao sa libingan ng mga emperador?

a)

Upang magsilbing gabay sa kaligtasan

b)

Dahil naniniwala sila na ang yumaong pinuno ay maghahari pa rin sa kabilang buhay

c)

Dahil naniniwala sila na baka muling mabuhay ang pinuno

d)

Upang matakot ang mga kawatan

18.

Alin sa mga sumusunod na dinastiya nakilala ang mga pantas na sina Confucius at Lai Tzu?

a)

Chou Dynasty

b)

Han Dynasty

c)

Tang Dynasty

d)

Chin Dynasty

19.

Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na dinastiyang umusbong sa Tsina?

a)

Hsia (Xia) Dynasty

b)

Han Dynasty

c)

Chou Dynasty

d)

Tang Dynasty

20.

Paano nakatulong ang mga dike at kanal sa pamumuhay ng mga Sumerian?

a)

Upang makaiwas sa labis na tagtuyot

b)

Upang makaiwas sa pananakop ng ibang pangkat

c)

Upang makaiwas sa pinsalang dala ng pag-apaw ng mga ilog

d)

Upang magkaroon ng maayos na paliguan