wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 8 2nd Quarter Reviewer

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa istrukturang matatagpuan sa mga lungsod-estado ng Greece, ito ang kanilang sentro ng politika at relihiyon.

a)

Polis

b)

Acropolis

c)

Agora

d)

Olympus

2.

Ito ay tumutukoy sa ekspedisyong military na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo upang bawiin ang banal na lupain mula sa mga mananakop na mga Muslim.

a)

Krusada

b)

Jihad

c)

Investiture

d)

Piyudalismo

3.

Ito ang pangkat na pinamumunuan ni Haring Clovis I.

a)

Angles

b)

Saxons

c)

Franks

d)

Visigoths

4.

Bakit hindi umaasa ang Sparta sa kalakalan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan?

a)

Dahil sa malawak na kaalaman ng mga Spartan sa pagsasaka at pangingisda

b)

Dahil sa labis na mga kalakal at paglilingkod na ibinibigay ng mga nasakop nilang estado

c)

Dahil ito ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupang angkop sa pagsasaka

d)

Dahil sa regular na pagbibigay ng tribute ng iba pang lungsod sa mga mandirigmang Spartan

5.

Ano ang dagliang hudyat ng pagsisimula ng Digmaang Peloponnesian?

a)

Ang pagtatatag ng Delian League

b)

Ang pagbuo ng Peloponnesian League

c)

Ang pagpapalakas ng hukbong pandagat ng Athens

d)

Ang paglusob ng Sparta sa mga karatig-pook ng Athens

6.

Alin sa mga sumusunod ang nagsilbing hudyat ng pagtatapos ng kapangyarihan ng mga lungsod-estado sa Greece?

a)

Ang pagtiwalag ng mga Griyego sa Delian League

b)

Ang paglusob ni Alexander the Great sa kabuuang tangway ng Balkan

c)

Ang pagtatagumpay ni Philip ng Macedonia na magapi ang Athens at Thebes

d)

Ang pagbuo ng Macedonia sa isang pangkat ng pinakamahuhusay na mandirigma

7.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng kabihasnang Minoan?

a)

Itinatag ni Haring Minos

b)

Knossos ang sentro ng kabihasnan

c)

Naniniwala sila sa iisang diyos

d)

Magaling na mangangalakal

8.

Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang pinairal ni Cleisthenes?

a)

Ostracismo

b)

Pantheon   

c)

Republika

d)

Colosseum

9.

Alin sa mga sumusunod ang kailangang suriin upang matukoy ang mga pangkat ng taong naninirahan sa mga kabihasnan

a)

pananalita, kasuotan at edad

b)

pinagmulan, kulay ng buhok at edad

c)

relihiyon, kulay ng buhok, kasuotan

d)

wika, relihiyon, kultura at kaanyuan

10.

Saang aspeto nagkaroon ng malawak na epekto ang mga Piyudalismo?

a)

Sosyo-kultural

b)

Pulitika

c)

Ekonomiya

d)

Paglilibang

11.

Bakit naghimagsik ang mga plebeian laban sa mga patrician?

a)

Dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila

b)

Dahil sa kawalan nila ng kinatawan sa republikang Romano

c)

Dahil sa madalas na pagdadala sa kanila sa mga digmaang kinasasangkutan ng Rome

d)

Dahil sa mahihigpit na batas na labis na nagpapahirap sa kanila

12.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa republikang itinatag ng mga Romano?

a)

Isa itong pamahalaan na walang hari

b)

Isa itong pamahalaan na nagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay

c)

Isa itong pamahalaan na nangangalaga sa lahat ng karapatan ng mga mamamayan.

d)

Isa itong pamahalaan na ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan

13.

Bakit karamihan sa mga pamayanan ng sinaunang Greece ay matatagpuan malapit sa mga baybay-dagat?

a)

Dahil ang Greece ay isang kapuluan

b)

Dahil ang mga sinaunang Griyego ay mahuhusay na manlalayag

c)

Dahil sa ang tanging alam na hanapbuhay ng mga ito ay pangingisda

d)

Dahil ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay sa sinaunang Greece ay ang karagatan

14.

Ano ang itinuturing na pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome?

a)

Ang pagbagsak ng Imperyong Romano

b)

Ang pagdating ng mga mananakop na Muslim

c)

Ang pagdami ng mananampalatayang Katoliko

d)

Ang pagsalakay ng mga barbaro sa iba’t ibang panig ng Imperyo

15.

Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng Simbahan at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

a)

Ang mga monghe ang nagsilbing tulay sa ugnayan ng Simbahan at pangkaraniwang mamamayan

b)

Ang mga monghe ang siyang naging tagapaglingkod ng mga matataas na opisyal ng simbahan

c)

Ang mga monghe ang nagsilbing tagapangalaga ng mga pag-aaring lupain ng simbahan

d)

Ang mga monghe ang naatasan na magpalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo sa iba’t ibang panig ng imperyo

16.

Alin ang hindi totoo tungkol kay Charlemagne?

a)

Siya ang pangunahing tumuligsa sa Kristiyanismo

b)

Siya ay kinoronahan bilang emperador ng Holy Roman Empire

c)

Siya ay mula sa tribong Aleman

d)

Siya ay anak ni Pepin the Short

17.

Ano ang pinakamahalagang nagawa ni Clovis sa kasaysayan?

a)

Pinag-isa niya ang mga tribung Franks at sinalakay ang mga Roman

b)

Muli niyang binuhay ang bumagsak na imperyo ng mga Romano sa kasaysayan

c)

Ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang tunay na emperador ng Imperyong Romano

d)

Nagapi niya ang lahat ng mga pangkat ng mga Muslim na nagtangkang sumakop sa Rome

18.

Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

Julius Caesar

b)

Crassus

c)

Caligula

d)

Pompey

19.

Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay noong kabihasnang klasiko ng Greece. Ikaw ay nakatira sa isang lipunan na kung saan may mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Saang lungsod-estado ka napapabilang?

a)

Sparta

b)

Thebes

c)

Athens

d)

Minoan

20.

Ano ang pangunahing naipagkaloob ng sistemang piyudalismo sa mga tao noong Gitnang Panahon?

a)

Kayamanan

b)

Kabuhayan

c)

Proteksyon     

d)

Pananampalataya