Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2-AP WW#2

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

1. Alin sa mga sumusunod ang kaugalian ng buong pamilya na dapat isinasagawa hanggang ngayon?

a)

A. Ang pagkain nang sabay- sabay ng buong pamilya.

b)

B. Huwag nang makiramay sa kamag-anak na namayapa na.

c)

C. Hindi pagdalo sa Family reunion tuwing pasko.

2.

2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kaugalian at paniniwala ng buong pamilya maliban sa isa.

a)

A. Pagsisimba tuwing linggo kasama ang buong pamilya.

b)

B. Pagmamano sa nakatatanda.

c)

C. Pakikipag-away sa kapatid sa tuwing hindi nasusunod ang iyong gusto.

3.

3. Umalis ang iyong mga magulang upang maghanap buhay. Bilang panganay na anak, ano ang tungkulin mo sa iyong mga nakababatang kapatid?

a)

A. Tungkulin kong utusan sila sa lahat ng gawaing bahay.

b)

B. Tungkulin kong iwan sila sa loob ng bahay upang ako ay makapaglaro sa labas.

c)

C. Tungkulin kong alagaan at bantayan sila.

4.

4. Si Ana ay anim na taong gulang. Ang mga sumusunod ay ang Karapatan niya bilang isang bata maliban sa isa.

a)

A. Karapatan niyang magkaroon ng pangalan.

b)

B. Karapatan niyang magkaroon ng hanapbuhay sa murang edad.

c)

C. Karapatan niyang makapag-aral at makapaglaro kasama ang kanyang mga kaibigan.

5.

5. Nakita mo ang iyong nanay na naglilinis ng bahay. Niyaya ka ng iyong kaibigan na maglaro sa labas ng bahay. Ano ang una mong gagawin?

a)

A. Magpapa-alam sa nanay na ikaw ay lalabas ng bahay.

b)

B. Tutulungan muna ang iyong nanay na maglinis ng bahay.

c)

C. Lalabas muna ng bahay upang makipaglaro sa kaibigan bago tulungan si nanay.

6.

6. Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang pagmamahal at pagpapahalaga sa iyong mga magulang?

a)

A. Makikipag-away sa aking kapatid.

b)

B. Hindi susundin ang mg utos at bilin nina nanay at tatay.

c)

C. Magiging Mabuti at magalang na bata sa lahat ng oras sa iyong nanay at tatay.

7.

7. Bilang isang anak, paano mo maipapakita ang pagiging isang mabuting anak?

a)

A. Sumasagot ng “po” at “opo” kapag nakikipag- usap sa mga magulang.

b)

B. Naiinis sa tuwing inuutusan ng mga magulang.

c)

C. Nakakaramdam ng galit sa tuwing hindi naibibigay ang gusting laruan.

8.

8. Nakita ni Mike ang kanyang tatay na nag-aayos ng nasirang upuan. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

A. Lumabas ng bahay at makipaglaro sa labas maghapon

b)

B. Tulungan ang tatay sa pag-aayos ng nasirang upuan.

c)

C. Manood ng telebisyon kasama ang iyong nakababatang kapatid.

9.

9. Nakita mong maraming dala ang iyong lola galing sa palengke. Ano ang gagawin mo?

a)

A. Tutulungan ang lola sa pagbubuhat

b)

B. Maglalaro sa labas ng bahay.

c)

C. Hindi na lamang papansinin ang lola.

10.

10. Lahat ng pangungusap ay tama ang ipinapakitang katangian maliban sa isa. Ano ang hindi wasto sa mga sumusunod:

a)

A.Sina Nena at Bob ay ugaling magmano sa tuwing darating sila galling paaralan.

b)

B. Ang lolo ni Rod ay may kapansanan. Lagi niyang itong pinagtatawanan.

c)

C. Tinutulungan ni Rina ang kanyang nanay sa pag-aalaga sa kanyang lola