NEW
Font size
WorksheetsPagkukusa sa Makataong Kilos
Total questions: 5
Worksheet time: 5mins
Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng____.
Kilos ng tao
Di-kusang loob
Kusang loob
Nakasanayang kilos
Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng per
Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto
Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang
Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob
Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito
Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa
Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
Walang kusang- loob
Di kusang-loob
Kusang-loob
Kilos ng tao
