WorksheetsAP 10 - ISULONG PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN AT ITAGUYOD
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
A. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae
2. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod
B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
3. Maraming aspekto sa buhay ng mga kababaihan ang naaapektuhan kapag sila'y nakararanas ng alinmang uri ng pang-aapi tulad ng diskriminasyon, mababang pasahod, at karahasan. Ang mga sumusunod ay epekto ng pang-aapi sa kababaihan MALIBAN sa isa, alin ito?
A. Epekto sa mga relasyon
B. Epekto sa pamahalaan
C. Epekto sa moralidad
D. Epekto sa kabuhayan
4. Ayon sa political analyst na si Iris Marion Young, may limang uri ng pang-aapi na nararanasan ng tao, alin sa sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. pananamantala
B. kawalan ng kapangyarihan
C. kasiglaan
D. karahasan
5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagpapahalaga at pagkakapantay- pantay ng kasarian.
A. Si Andrea ay sumali sa grupo ng mga kababaihan na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay.
B. I. Si Benito ay HR manager ng isang Construction Company, kung kaya naman lalaki lamang ang pinipili niya upang maging empleyado.
C. Si Sarah at Benedict ay tatlumpung taon ng mag-asawa, ngunit mas gugustuhin na dapat ang tatay ang namumuno sa bahay.
D. Si Elma ay di pinapayagang magtrabaho ng kanyang asawang si Andy dahil to ay may trabaho naman.
6. Ang mga lalaking tinatanggap ang paniniwalang magkapantay ang babae at lalaki ay may mababang pagkakataong maging marahas sa babae.
PAGKAKAPANTAY - PANTAY
KARAHASAN
7. Ang lalaki ay karaniwang para sa bahay at may mahinang pangangatawan, kaya nagagawang samantalahin ito ng mga babae.
PAGKAKAPANTAY - PANTAY
KARAHASAN
8. Kapag naranasan o lumaki ang isang tao sa karahasan mula sa pagkabata at hindi ito naagapan agad sa pamamagitan ng counseling, mas mataas ang pagkakataong madadala niya ang ugaling marahas sa pagtanda.
TAMA
MALI
9. ang mag asawang Ana at Mario ay matagal ng kasal ngunit sa kadahilananang hindi sila magkaroon ng baby sinasakal ni Mario si Ana tuwing siya ay lasing. Anong uri ng karahasan ito?
a. pisikal
b. emotional
c. sikolohikal
d. malaswa
10. Pagtataksil, Anong uri ng karahasan ito?
a. pisikal
b. emotional
c. sikolohikal
d. malaswa
