Font size
WorksheetsPAGHAHANDA SA PANGGITNANG TERMINONG PAGSUSULIT
Total questions: 15
Worksheet time: 6mins
Alin sa sumusunod ang KABILANG sa pangunahing mahahalagang katanungan sa ekonomiks?
Ano ang ipoprodyus, Para kanino, Paano ipoprodyus?
Ano ang ipoprodyus, Gaano karami, magkano ang ipepresyo?
Ano ang ipoprodyus, Para Kanino, Kailan ipapamahagi?
Ano ang tinutukoy dito: Permanenteng suliranin sa limitadong suplay ng mga likas na yaman na hindi na mababago pa.
Kakulangan
Kakapusan
Kagipitan
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa iba’t ibang bansa?
Market na ekonomiya
Command na ekonomiya
Semi-mixed na ekonomiya
Anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas?
Market na ekonomiya
Mixed na ekonomiya
Command na ekonomiya
Tradisyunal na ekonomiya
Ano ang tamang pagpapakahulugan sa pangangailangan?
Mga bagay na kailangan ng mga tao upang mabuhay nang maayos
Mga bagay na nagdudulot ng karagdagang kasiyahan at kaginhawaan sa tao
Mga bagay na nagdudulot ng kagalingan at kalakasan sa mga tao
Alin sa sumusunod ang maiuugnay kay Quesnay?
Dapat mawala ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa bansa
Ang agrikultura ay dapat pagtuunan ng pansin upang lumago ang ekonomiya
Ang pamahalaan ay dapat magkaroon ng mahigpit na kontrol sa mga negosyo sa bansa
Alin sa sumusunod ang maiuugnay kay David Ricardo?
Ang paglaki ng populasyon ay mas mabilis kaysa sa paglago ng suplay ng pagkain
Ang pamahalaan ay hindi dapat makialam sa interaksyon ng mga negosyo at pamilihan
Dapat pagtuuunan ng bansa ang pagpoprodyus ng mga bagay kung saan ito sagana at mas makakamura
Alin sa sumusunod ang maiuugnay kay Adam Smith?
Ang pamahalaan ang dapat magmay-ari ng mga likas na yaman sa bansa at ipamahagi ito sa mga tao
Dapat mas Malaki ang eksportasyon kaysa importasyon upang kumita ang ekonomiya ng bansa
May hindi nakikitang kamay na siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa pamilihan
Kailan nagaganap ang productive efficiency?
Kapag ang pinoprodyus ay parehas na nais at kailangan ikonsumo ng mga tao
Kapag ang pinoprodyus ay nagawa sa pinakamurang gastos
Kapag ang pinoprodyus ay mga bagay na pangunahing kailangan ng mga tao
Kailan nagaganap ang allocative efficiency?
Kapag ang pinoprodyus ay parehas na nais at kailangan ikonsumo ng mga tao
Kapag ang pinoprodyus ay nagawa sa pinakamurang gastos
Kapag ang pinoprodyus ay mga bagay na pangunahing kailangan ng mga tao
Ano ang isa sa mga layunin ng pagkakaroon ng mga sistemang pang-ekonomiya?
Matukoy kung sino ang dapat na magmay-ari at mamahala sa mga yaman ng bansa
Matukoy ang wastong tugon sa mga pangunahing katanungan sa ekonomiks
Matukoy kung paano dapat pamahalaan ang ekonomiya ng isang bansa
Ang mga sumusunod ay mga suliranin na nagpapalala sa kalagayan ng ating ekonomiya at ng bansa MALIBAN sa ___.
Kahirapan
Mabilis na paglaki ng populasyon
Korapsyon
Pagpapatupad ng pagpaplano sa pagpapamilya
Sa ilalim ng mixed na sistema ng ekonomiya…
Ang pagtugon sa mga katanungan sa ekonomiya ay sang-ayon sa Central Economic Plan
Ang mga pinoprodyus at pamamaraan sa pagpoprodyus ay sang-ayon sa kultura at tradisyon
May presensya ng parehong negosyo na pinalalakad ng pamahalaan at ng pribadong sektor
Paano mo maaaring matugunan ang pangangailangang magmahal, makisapi, at makipagkaibigan?
Paano mo maaaring matugunan ang pangangailangang pisyolohikal?
