WorksheetsESP 2 (2nd quarter review)
Total questions: 20
Worksheet time: 32mins
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan ng kapuwa.
a. Palagi akong nasa tabi ng aking kaibigan kapag siya ay may problema.
b. Hindi ko itinuturing na kaibigan ang mga batang marurumi.
c. Mas magandang huwag na lang pansinin ang aking mga kaibigan.
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan ng kapuwa.
a. Tinutulak ko ang aking kamag-aral upang ako ang mauna sa pila.
b. Hindi ko iniitindi ang damdamin ng aking kapuwa.
c. Tumutulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong.
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-unawa sa kalagayan ng kapuwa.
a. Kinukuha ko ang pagkain ng aking kamag-aral.
b. Tinutulungan ko ang aking kamag-aral sa aming aralin kapag siya ay nahihirapan.
c. Pinagtatawanan ko ang aking kamag-aral kapag siya ay nakakuha ng mababang marka.
Naglalaro kayong magkakaibigan. Nanonood sa inyo ang batang bago ninyong kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko siya lalapitan dahil baka ayaw niyang makipaglaro.
b. Lalapitan ko siya at tatanungin kung gusto niya bang sumali sa amin.
c. Hahayaan na lang siyang manuod samin.
May mga batang taga-ibang lugar na dumalo sa paligsahan sa pagguhit. Isa ka sa mga kasali, anong gagawin mo?
a. Babatiin sila at makikipagkaibigan.
b. Hindi ko sila papansinin dahil hindi ko naman sila kilala.
c. Kukunin ang kanilang mga gamit para wala silang magamit sa paligsahan.
Pauwi kana galing sa paaralan ng mapansin mo ang isang batang lalaki na umiiyak at mukhang naliligaw.
a. Samahan itong pumunta sa police station upang humingi ng tulong .
b. Magkunwaring hindi mo ito nakita.
c. Ipagpatuloy ang paglalakad at huwag pansinin ang batang lalaki.
Papunta ka sa inyong kantina sa paaralan upang bumili ng pagkain ng nakita mo ang iyong dalawang kamag-aral na nag-aaway.
a. Sumali sa away ng iyong mga kamag-aral.
b. Pabayaan na lang ang iyong mga kamag-aral na mag-away.
c. Isumbong sa inyong guro.
Naglalakad ka papunta sa inyong silid-aklatan nang makita mo ang iyong kamag-aral na umiiyak.
a. Huwag itong pansinin.
b. Ipagpatuloy ang paglalakad at magkunwaring hindi mo nakita ang iyong kamag-aral.
c. Lapitan ito at tanungin kung bakit siya umiiyak.
Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Gagamitin niya ito para sa kanilang proyekto. Tama ba ang ginawa ni Bren?
a. Tama, dahil gagamitin naman niya ito para sa kanilang proyekto.
b. Mali, dahil hindi siya nagpaalam sa kanyang mga magulang na kukuha siya ng pera.
c. Tama, dahil pera naman ito ng kanyang mga magulang.
Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Tama ba ang ginawa ni Alfred?
a. Tama, dapat ay pagisipan munang mabuti ang mga kilos na gagawin dahil baka ito ay magdulot ng masama satin.
b. Mali, dahil mas maganda kung sasagot na lamang kaagad at papayag sa gusto ng aking kamag-aral.
c. Mali, dapat ay agad tayong papayag sa kahit anong gusto nating gawin.
Tinulungan ka ng iyong ate sa paggawa ng iyong proyekto sa Filipino.
a. Maraming salamat sa iyong tulong ate.
b. Magandang araw sa iyo ate.
c. Pasensiya na po ate.
Nabunggo mo ang iyong guro at nahulog ang kanyang mga gamit.
a. Pasensiya na po hindi ko po sinasadya.
b. Maraming salamat po.
c. Makikiraan po.
Nagsasalita ang inyong guro sa harapan at ang iyong dalawang kamag-aral ay patuloy parin sa pag-iingay.
a. Huwag silang pansinin at huwag na ring makinig.
b. Sabihan ang iyong dalawang kamag-aral na tumahimik at makinig sa inyong guro.
c. Samahan sila sa pag-iingay dahil hindi mo naman maintindihan ang aralin.
Inutusan ka ng iyong itay na bumili sa tindahan ng bigas.
a. Opo, itay..
b. May ginagawa pa po ako.
c. Ayoko, itay.
Ikaw ay magpapaalam na papuntang paaralan sa iyong mga magulang.
a. Alis na ako.
b. Papasok na ako..
c. 'Ma, 'Pa, papasok na po ako.
Nadulas ang iyong kamag-aral dahil natapakan niya ang basang sahig.
a. Tulungan itong makatayo.
b. Tumawa nang malakas.
c. Pabayaan ito at magkunwaring hindi mo ito nakita.
Habang kumakain kayo ng inyong meryenda napansin mo ang isa ninyong kamag-aral na walang baon.
a. Sabihin sa inyong guro.
b. Pabayaan na lang ito.
c. Ibahagi ang iyong baon sa iyong kamag-aral.
Ano ang gagawin mo kapag nagkasakit ang iyong ina?
a. Utusan ang inyong kasamabahay na algaan ang iyong ina.
b. Alagaan ito at bigyan ng gamot.
c. Pabayaan ang iyong ina.
Magulo ang aklatan. Maraming aklat ang nasa mesa ng librarian. Nakita mong abala siya sa pag-aayos ng mga aklat sa tamang lugar. Ano ang gagawin mo?
a. Lalabas na lamang ng silid-aklatan at babalik sa silid-aralan.
b. Uupo lang sa loob ng silid-aklatan at mananahimik.
c. Tutulungan itong mag-ayos ng mga aklat sa tamang lalagyan.
Nakita mo ang iyong kapatid na nahihirapan sa kanyang aralin sa Matematika at alam mong ikaw ay magaling sa asiganturang ito. Ano ang gagawin mo?
a. Manunuod na lamang ako sa telebisyon.
b. Kukunin ang kanyang takdang aralin at sasagutan.
c. Tutulungan ko siya at turuan sa kanyang takdang aralin.
