NEW
Font size
WorksheetsPAGBUO NG ANGKOP NA PASYA GAMIT ANG ISIP AT KILOS - LOOB
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong isip at kilos-loob?
Suriin ang mga artikulong binabasa at gawin ang makabubuti.
Maging matulungin sa iyong kapwa sa lahat ng panahon.
Palaging makinig sa mga balita mula sa iyong mga kaibigan.
Abutan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay ang makatwirang pagkagusto. Ang pangungusap na ito ay:
Tama, sapagkat ito ay naglalayon ng pagnanais na may kapaliwanagan.
Mali, sapagkat ang kagustuhan ay nagmumula sa puso.
Tama, sapagkat ito ay pagpili sa mga pinag-isipan tungo sa kabutihan.
Mali, sapagkat hindi lahat ng nagugustuhan ng tao ay may dahilan.
Ano ang nakaiimpluwensiya sa tao kaya nakagagawa siya ng masama?
isip
kilos-loob
puso
katawan
Q.
Alin sa mga sumusunod ang tunguhin ng kilos-loob?
kapayapaan
kabutihan
kagalakan
kapanatagan
Q.
Bago magbahagi ng kaalaman ang isang eksperto ay tinitiyak niya na ito ay nakabatay sa pag-aaral at napatunayan na. Ang sitwasyon ay nagsasaad ng
______ ng isip.
gamit
katangian
tunguhin
kagustuhan
Ang hayop at ang tao ay parehong binigyan ng isip. Tama ba o mali ang pahayag?
Tama, may kakayahang mag-isip ang hayop tulad ng sa tao
Tama, may utak ang hayop gaya ng tao kaya ito nakakapag-isip
Mali, may utak ang hayop ngunit walang kakayahang magproseso upang makapag-isip
Mali, may dahil walang utak ang hayop kaya walang kakayahang mag-isip
Q.
Ano tunguhin ng isip?
Magsuri
Pagpapasya
Pag-unawa
Katotohanan
Ano ang tunguhin ng kilos-loob?
Mapanagutang-kilos
Kabutihan
Paggawa
Pagtulong
.
Alin sa mga sumusunod ang tamang paggamit ng kilos-loob?
Dahil kakasweldo mo lang, maaari mong bilhin ang lahat ng gusto mo bilang reward mo sa iyong sarili.
Dahil sa susunod na linggo pa naman ang pasahan ng iyong proyekto pipiliin mo munang maglibang dahil makakabuti ito sa iyo.
Dahil nasa ikapitong baitanga ka na, sasagutin mo na ang iyong kaklase na matagal nang nanliligaw sayo.
Gusto mong kumain ng masarap na pagkain ngunit pinigilan mo ang iyong sarili sapagkat hindi ito makakabuti sa iyong kalusugan.
.
Ito ang natatanging kaloob ng Diyos sa Tao
Isip
Kilos-loob
Katawan
Emosyon
