wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ 2- AP10 ILANG-ILANG

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

a)

Migrasyon

b)

Globalisasyon

c)

OFW

d)

Pagbabakasyon

2.

Ito ay isang uri ng migrasyon na maaaring magmula ang tao sa isang bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang lugar.

a)

external migration

b)

inside migration

c)

outside migration

d)

internal migration

3.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa isang immigrant

a)

Si Celine na galing sa Pangasinan at lumipat sa Davao City.

b)

Si Louie na isang OFW sa Canada at nagtatrabaho bilang isang waiter.

c)

Si Elena na permanenteng maninirahan na sa Switzerland kasama ang pamilya.

d)

Si Jerico na nagbabakasyon sa Japan.

4.

Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan na nag-uudyok sa kanya upang mandarayuhan?

a)

Kahirapan

b)

Katiwalian

c)

Polusyon

d)

Prostitusyon

5.

Ang mga Cebuano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Dubai – karamihan sa kanila ay pinetisyon ng mga unang Cebuano na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon ang inilalarawan dito?

a)

Paglayo o pag-iwas sa kalamidad

b)

Panghihikayat ng mga kamag-anak

c)

Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan

d)

Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan

6.

Lahat ng sumusunod ay dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?

a)

Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.

b)

Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa.

c)

Manirahan kasama ang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.

d)

Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.

7.

Mababa lamang ang tinapos ni Maria kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang domestic helper sa Singapore. Ito ay bunsod ng kadahilanang wala siyang mapasukang trabaho sa Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan ni Maria?

a)

Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.

b)

Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.

c)

Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.

d)

Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.

8.

Daan-daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambahang pag- landfall ng Bagyong Domeng sa loob ng 48 oras. Alin sa sumusunod ang

inilalarawang dahilan ng migrasyon sa ibinigay na sitwasyon?

a)

Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.

b)

Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.

c)

Lumayo o umiwas sa kalamidad.

d)

Magandang oportunidad gaya ng kabuhayan at kita.

9.

Kamakailan ay naging laman ng pandaigdigang balita ang paglusob ng mga makakaliwang grupo sa lungsod ng Marawi. Ano ang ugnayan ng paglusob ng mga grupong ito sa migrasyon?

a)

Ang mga tao ay umiiwas sa kalamidad kaya nangyayari ang migrasyon.

b)

Ang mga tao ay walang mapasukang trabaho kaya nangyayari ang migrasyon.

c)

Ang mga tao ay nakararanas ng malnutrsiyon kaya nangyayari ang migrasyon.

d)

Ang mga tao ay naghahanap ng payapang lugar kaya nangyayari ang migrasyon.

10.

Ano ang brain drain?

a)

Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.

b)

Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino.

c)

Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19.

d)

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

11.

Lahat ng sumusunod ay nagpapatunay na ang ating mga OFW ay maituturing na mga bagong bayani maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang sa pangkat?

a)

Dahil sa mga naipundar na ari-arian para sa kanilang mga pamilya.

b)

Dahil sa kanilang lakas ng loob na magtrabaho at mangibang-bansa.

c)

Dahil sa remittances nila sa Pilipinas na nakatutulong sa ating ekonomiya.

d)

Dahil sa inspirasyong ibinibigay nila sa kanilang mga kababayan dito sa Pilipinas.

12.

Alin sa mga sumusunod ang nagpalala sa kawalan ng trabaho na maaaring humantong sa krisis pang-ekonomiya sa kasalukuyan?

a)

Hindi pagkakaunawaan ng Tsina at Estados Unidos.

b)

Pag-aagawan ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.

c)

Paglaganap ng Corona Virus Infectious Disease (COVID-19).

d)

Paglaganap ng sistemang kapitalismo sa maraming bansa sa mundo.

13.

Ang mga sumusunod na kalagayan ay ang mabuting epekto ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas maliban sa:

a)

Economic Migration

b)

Brain Drain

c)

Integration

d)

Multiculturalism

14.

Bilang selebrasyon ng ika-10 wedding anniversary nila Rose at Jack, sila ay pumunta sa Paris, France upang ito ay ipagdiwang. Alin sa mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan sa kalagayan nina Rose at Jack?

a)

Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.

b)

Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.

c)

Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.

d)

Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.

15.

Si Keila ay nagtapos sa kursong medisina. Siya ay nagtatrabaho sa America dahil nais niyang makatulong sa pamilya na nasa probinsya. Anong dahilan ng migrasyon ang inilalarawan dito?

a)

Paglayo o pag-iwas sa kalamidad

b)

Panghihikayat ng mga kamag-anak

c)

Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan

d)

Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan