wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SUMMATIVE TEST #2 - Modyul 3-4_Q2

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sektor ang namamahala sa pagproproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto?

a)

Agrikultura

b)

Serbisyo

c)

Industriya

d)

Pangangalakal

2.

Sa anong sektor nabibilang ang mga produktong primarya o mga likas na produkto at hilaw na sangkap na galing sa kalikasan at hindi pa dumadaan sa pagproseso?

a)

Agrikultura

b)

Serbisyo

c)

Industriya

d)

Pangangalakal

3.

Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa sektor industriya?

a)

pagmimina

b)

paghahalaman

c)

pagsasaka

d)

paghahayupan

4.

Alin sa mga sumusunod ang suliranin ng sektor sa industriya?

a)

Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran

b)

Kakulangan ng suporta ng iba pang sektor

c)

Pagkaubos ng likas na yaman

d)

Maraming dayuhang namumuhunan ang kakompetensya ng mga lokal na namumuhunan

5.

Ano ang idagdag mo sa pagsasaka, paghahayupan at pangingisda upang mabuo ang sektor ng agrikultura?

a)

pagmimina

b)

pagmamanupaktura

c)

paggugubat

d)

konstruksiyon

6.

Alin sa mga sumusunod ang nabibilang sa sector ng industriya?

a)

pagtitingi

b)

pagsasaka

c)

paglilingkod

d)

konstruksyon

7.

Alin sa mga sumusunod ang suliraning kinakaharap ng Serbisyo?

a)

Kakulangan ng kakayahan ng mga Pilipino sa paggawa

b)

Maraming dayuhang namumuhunan ang kakompetensya ng mga lokal na namumuhunan

c)

Kakulangan ng dolyar at pananalapi na pantustos sa sangkap na inaangkat

d)

Mababang pasahod

8.

Bakit mahalaga ang sektor ng industriya?

a)

Ito ang pangunahing pinagkukunan ng hanapbuhay

b)

Ito ang pangunahing pinagkukunan ng kitang panlabas

c)

Ito ang pinagkukunan ng pagkain at gamit materyal sa industriya

d)

Ito ang lumikha ng mga tapos na produkto para sa pangangailangan ng tao

9.

Alin sa sumusunod ang pangunahing sektor ng ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Agrikultura

b)

Serbisyo

c)

Industriya

d)

Pangangalakal

10.

Ano ang HINDI kabilang sa apat na haligi ng manggagawa?

a)

Employment pillar

b)

Social security pillar

c)

Worker’s pillar

d)

Social protection pillar

11.

Ano ang implikasyon ng globalisasyon sa mga manggagawang Pilipino sa sektor ng industriya?

a)

Tumaas ang kanilang kita dahil dolyar ang ibinayad sa kanila.

b)

Nagdulot ito ng maikling oras ng pagtatrabaho at mababang pasahod.

c)

Ang mga batas at polisiya ng mga dayuhan ay taliwas sa patakaran ng ating pamahalaan.

d)

Nagdulot ito ng iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng mababang sahod.

12.

Paano ito tinutugunan ng ating bansa ang pagbabago dulot ng globalisasyon?

a)

Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral

b)

Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mga mag-aaral upang maging globally competitive

c)

Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at pagmamanupaktura

d)

Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at paglinang sa ika-21 siglong kasanayan upang sila ay maging globally competitive

13.

Ano ang batas na nagtatadhana ng walong oras ng paggawa ng mga manggagawa?

a)

Batas Republika Bldg. 1933

b)

Batas Republika Bldg. 679

c)

Batas Republika Bldg. 8187

d)

Batas Republika Bldg. 1944

14.

Ano ang batas na nagbabawal sa pagtanggap ng mga manggagawa ng wala pang 18 taong gulang?

a)

Batas Republika Bldg. 1933

b)

Batas Republika Bldg. 1131

c)

Batas Republika Bldg. 8187

d)

Batas Republika Bldg. 1944

15.

Tumutukoy sa pagbuo ng collective bargaining unit na palagiang bukas sa pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, manggagawa at kompanya.

a)

Employment Pillar

b)

Social Dialogue Pillar

c)

Worker's Pillar

d)

Social Protection Pillar

16.

ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.

Isang sitwasyon kung saan ang isang indibidwal ay walang mapasukang trabaho sa kabila ng pagkakaroon ng kasanayan at kakayahan.

(a)  

17.

ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.

Isang kalagayan sa paggawa kung saan hindi tugma ang kwalipikasyon at kakayahan ng isang manggagawa sa pinapasukang nitong trabaho.

(a)  

18.

ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.

Ang sistemang kontraktuwalisasyon ay tinatawag din na (a)   .

19.

ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.

Ito ay kalagayan ng mga manggagawa kung saan nangangailangan pa ng karagdagdagang oras ng pagtatrabaho o dagdag hanapbuhay upang mapalaki ang kita.

(a)  

20.

ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.

Magbigay ng isang ANYO NG ISKEMANG SUBCONTRACTING.

(a)  

21.

ISULAT ANG SAGOT GAMIT ANG MALALAKING LETRA.

Ito ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo.

(a)  

22.

Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng kontraktuwalisasyon?

a)

Mas nagbibigyang pansin ang karapatan ng mga manggagawa.

b)

Iniiwasan ng mga kapitalista ang pagbabayad separation pay.

c)

Hindi binabayaran ang mga manggagawa ng karampatang sahod.

d)

Hindi hinahayaang sumapi sa unyon.

23.

Anong probisyon ng DOLE ang naghigpit sa pagpapakontrata at nagbigay-diin sa usapin ng karapatan ng mga manggagawang kontraktuwal?

a)

Department Order No. 10

b)

Department Order No. 18-02

c)

Department Order No. 18-A

d)

Department Order No. 18-B

24.

Ang trabahong nalilikha taon-taon ay hindi sapat sa bilang ng mga manggagawang walang trabaho o unemployed. Ano ang maaaring maging epekto nito?

a)

Patuloy na tataas ang bilang ng mga unemployed.

b)

Tataas ang bilang ng mga regular workers.

c)

Mas titindi ang kompetisyon ng lokal at dayuhang produkto.

d)

Mas nagbibigyang pansin ang karapatan ng mga manggagawa.

25.

Nawalan na ng pag-asang makahanap ng trabaho si KC, matapos ang ilang buwang paghahanap ng trabaho. Ano ang tawag sa mga taong katulad ni KC na sumuko na sa paghahanap ng trabaho?

a)

Casual worker

b)

Probationary worker

c)

Discouraged worker

d)

Seasonal worker