Worksheets(Q2) 3-Kontribusyon ng mga Minoan at Mycenean sa Daigdig
Total questions: 10
Worksheet time: 8mins
Alin sa sumusunod ang kabilang sa palaro ng mga Minoan?
volleyball
futbol
basketbol
wrestling
Alin sa sumusunod na kwento ang nakakuha ng inspirasyon mula sa mga Mycenaean?
Ang Kwento ni Haring Minos
Iliad ni Homer
Ang Kwento ni Hercules
Epiko ni Gilgamesh
Saan nakabatay ang sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Minoan?
hieroglyphics
cuneiform
sanskrit
hangul
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa maaaring nakuha ng mga klasikong kabihasnan ng Gresya mula sa mga Mycenaean?
istilo ng arkitektura
mga paraan sa pakikidigma
mga sinaunang tula at mitolohiya
mga kasangkapan sa pagluluto
Bakit tinawag na Linear A at Linear B ang mga sistema ng pagsulat ng mga Minoan at Mycenaean?
I. Ang paraan ng kanilang pagsulat ay gumagamit ng malalinyang mga simbolo.
II. Hindi pa na-decipher ang parehas na sistema ng pagsulat kaya't wala pang naibibigay na pangalan para sa mga ito.
Tama ang A, mali ang B.
Tama ang B, mali ang A.
Parehas na tama ang A at B.
Parehas na mali ang A at B.
Alin sa sumusunod na ambag ng mga Minoan ang nananatili pa rin sa kasalukuyan?
Linear A
Linear B
pakikidigma gamit ang chariot
sistema ng alkantarilya at paagusan
Alin sa sumusunod ang kabilang sa maaaring nakuha ng mga klasikong kabihasnan ng Gresya mula sa mga Minoan?
ilang salita o bokabularyo
mga palarong may kinalaman sa relihiyon
mga kaalaman sa pakikidigma
mga sangkap at pamamaraan sa pagluluto
Ang mga sumusunod itinuturing na pundasyon ng kabihasnang Griyego ang mga kabihasnang Minoan at Mycenaean? Piliin ang hindi tama.
Sila ang mga unang Griyegong nabuhay sa daigdig.
Marami sa kanilang kontribusyon ay ginagamit pa rin hanggang ngayon.
Inspirasyon ang kanilang mga sibilisasyon sa kultura ng mga Griyego.
Marami sa kanilang mga ambag ang nakatulong sa pag-unlad ng kultura ng kabihasnang Griyego.
Marami sa mga ambag ng mga Minoan at Mycenaean ay dulot ng kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kabihasnan. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ang ugnayan ng mga tao sa pamamagitan ng komersyo at digmaan ay nagdulot ng bagong kultura.
Ang mga Minoan at Mycenaean ay walang pakialam sa kaalaman ng ibang mga kabihasnan.
Wala talagang kakayahan ang mga Minoan at Mycenaean.
Ang naipalaganap na kultura ng mga Minoan at Mycenean ay mga nakaw na kultura.
Bagama’t wala na ang mga kabihasnang Minoan at Mycenaean, ang ilan sa kanilang mga ambag ay matatagpuan pa rin sa daigdig ngayon. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Maaaring mapasa ang kultura at kaalaman ng mga sinaunang kabihasnan.
Ang mga naunang kabihasnan sa daigdig ay may kontribusyon sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao ngayon.
Napag-alaman lang muli at ginamit ng mga tao ang mga natuklasan ng mga sinaunang kabihasnan.
Permanente at hindi maaaring magbago ang kultura ng isang partikular na grupo ng tao.
