NEW
Font size
WorksheetsSanhi at Bunga
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang maaaring ibubunga nito?
Lalakas ang boses ng mga pasahero.
Mapapasayaw ang mga pasahero.
Hindi makababa ang mga pasahero.
Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.
Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming. Isa siyang magsasaka at ang kaniyang maybahay ay nasa bahay at nag-aalaga ng kanilang mga anak. Sa kabila rito, masaya ang kanilang pamilya. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila. Alin ang sanhi ng talata?
Masaya ang kanilang pamilya.
Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
Mahirap ang buhay ng mag-anak ni Mang Doming.
Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.
Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito ang mga tao sa pagtatapon ng kanilang mga basura maliban pa sa mga itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang pinakamalapit na epekto sa pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa inyong lugar?
Dadami ang pagkakakitaan ng mga basurero.
Lilipat ng tirahan ang mga tao.
Mangangamoy basura ang paligid.
Maglilinis ang mga mamamayan ng kani-kanilang bakuran.
Pumunta sina Twinkle at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may lumapit na gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom. Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa si Twinkle sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
Pumunta sina Daisy sa palaruan.
Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
Tumatakbo nang mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim na usok. Ano ang ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
Magkakasakit sa baga ang mga tao.
Magsusuka ang mga tao.
Maluluha ang mga tao.
Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Ano ang sanhi?
Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine
COVID-19
Malaking problema ang kakulangan sa pagkain kaya nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng trabaho. Ano ang sanhi?
kakulangan sa pagkain
nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng trabaho
Nanahi si Aling Caren ng mga face mask sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital. Ano ang bunga?
nanahi si Aling Caren ng mga face mask
kulang ang suplay nito sa mga ospital
Naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba kasi tinatakpan natin ang ating bibig kapag umuubo at bumabahing tayo. Ano ang bunga?
tinatakpan natin ang ating bibig kapag umuubo at bumabahing tayo
naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba
Pahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners kaya dapat huwag lumabas at manatili na lamang sa bahay. Ano ang bunga?
huwag lumabas at manatili na lamang sa bahay
pahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners
