NEW
Font size
WorksheetsESP Quiz #3 Q2
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Tuwing umaga, nakikita mo ang iyong Ninang na naglalakad papuntang palengke. Ano ang iyong gagawin?
A. Babatiin ko ng "Magandang umaga po!"
B. Hindi ko papansinin at magtatago.
C. Tatakbo at iiwanan ko sya.
Habang naglalaro kayo ng takbuhan ng iyong mga kaibigan ay hindi sinasadyang mapatid mo si Erlin sa paa at bigla siyang nadapa. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tatawanan ko lang siya.
B. Hihingi ako ng paumanhin.
C. Tatakbo at iiwanan ko siya.
Isang hapon, habang bumibili ka sa tindahan, nakita mo ang iyong dating guro ng unang baitang na naglalakad galing paaralan. Ano ang iyong gagawin?
A. Magtatago ako.
B. Hindi ko papansinin.
C. Babatiin ng "Magandang hapon po!"
Unang araw ng klase ng pasukan. Habang inaayos at pinapipila kayo sa linya ng inyong guro ay nabasa ni Ailyn ang iyong uniporme at agad namang humingi ng paumanhin sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Babasain ko rin siya.
B. Itutulak ko siya.
C. Tatanggapin ko ang kaniyang paumanhin.
Habang nasa labas ka ng bahay ay may iniaabot ang iyong kaibigan na tinapay at napansin mong maliit lamang ang hati na binigay sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko tatanggapin.
B. Tatanggapin at sasabihing "Salamat".
C. Tatanggapin pero itatapon sa basurahan.
Nakikipaglaro ka nang maayos sa dati mong kaibigan.
Tama
Mali
Nagpapasalamat sa batang tumulong nang ikaw ay madulas sa daan.
Tama
Mali
Hindi mo kaibigan ang mga batang walang bagong baon.
Tama
Mali
Humingi ng paumanhin si Maila nang hindi sinasadyang maputol niya ang lapis ng kaibigan.
Tama
Mali
Mali ang itinuturong aralin ni Alex sa kanyang kaklase dahil hindi siya inimbitahan ng kaniyang kaarawan.
Tama
Mali
