NEW
Font size
WorksheetsQuiz 2 Araling Panlipunan
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang Malasariling Pamahalaan ay kilala rin bilang pamahalaang ______________.
A. Demokrasya
B. Komonwelt
C. Puppet
D. Republika
2. Kailan pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt?
A. Abril 30, 1937
B. Disyembre 14, 1937
C. Nobyembre 15, 1935
D. Hulyo 10, 1934
3. Alin sa sumusunod na ipinatupad na batas ang may kinalaman sa pagtatalaga ng kaukulang sahod at walong oras na paggawa?
A. Homestead Law
B. Commonwealth Act 570
C. Batas Komonwelt Bilang I
D. Minimum Wage Law
4. Ang Commonwealth Act 570 ay ipinasa ni Pangulong Quezon na may kinalaman sa programa ng pamahalaan ukol sa ______________.
A. Wikang Pambansa
B. Programang Pangkabuhayan
C. Tanggulang Pambansa
D. Programang Pang-edukasyon
5. Ito ay ahensiya na sumuri sa mga suliranin at hindi pagkakaunawaan ng mga manggagawa at kapitalista.
A. Homestead Act
B. Adult Education
C. Court of Industrial Relations
D. National Rice and Corn Corporation
6. Noong Agosto 1901, dumating ang 540 guro lulan ng barkong USS Thomas. Ano ang tawag sa mga unang gurong Amerikano ng mga mag-aaral na Filipino?
A. Franciscans
B. Thomasites
C. Aglipayans
D. Prayle
7. Ano ang relihiyon ang ipinakilala ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang pangangasiwa sa bansa?
A. Protestantismo
B. Katolisismo
C. Buddhismo
D. Islam
8. Naging mabilis ang pag-unlad ng tranportasyon at komunikasyon, dahil dito ang _____ ay naging sentro ng negosyo ng kultura at politika.
A. Baguio
B. Cebu
C. Davao
D. Maynila
9. Maraming nagbago sa panlipunang pamumuhay ng mga Filipino dulot ng impluwensiya ng mga Amerikano. Alin sa mga ito ang ipinagawa upang madaling makarating ang mga tao mula sa isang lugar papunta sa iba pang lugar?
A. daan at tulay
B. daungan ng barko
C. riles ng tren
D. terminal ng mga bus at trak
10. Binigyan ang lahat ng mga batang Filipino ng pagkakataong mag-aral ng libre dahil sa sistemang ito.
A. Paaralang pagbokasyonal
B. Paaralang pambabae
C. Paaralang pambayan
D. Paaralang pampribado
11. Ito ay ang naging pangunahing sentro ng edukasyon, kabuhayan, lipunan, at politika dahil maraming tao ang nagtungo at nanirahan dito. Ano ito?
A. baryo
B. nayon
C. lungsod
D. dalampasigan
12. Itinatag ng mga Amerikano ang sistemang ito upang mabigyan ang lahat ng mga batang Filipino ng pagkakataong makapag-aral ng libre. Ano ito?
A. paaralang pambayan
B. paaralang pampribado
C. paaaralang bokasyonal
D. paaralang pangguro
13. Bakit mahalaga ang Kawanihan ng Koreo sa sangay ng bayan?
A. Sapagkat ito ay magandang panooran ng pelikula
B. Sapagkat ito ay madaling magamit sa pakikipag-usap
C. Sapagkat ito ay mabilis na magpagaling ng maysakit
D. Sapagkat napabilis ang paghahatid ng sulat at telegrama
14. Ang sumusunod ay mga pagkaing Amerikano na natutuhang kainin ng mga Filipino maliban sa isa. Alin ito?
A. sandwich
B. oatmeal
C. bacon
D. pancit
15. Maraming pagbabago at impluwensiya sa pananakop ng mga Amerikano sa kultura at lipunan. Nakatulong nang malaki ang mga pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga Filipino maliban sa isa. Alin ito?
A. Nangibang-bansa ang mga Filipino upang maghanapbuhay.
B. Lumawak ang kaalaman at kakayahan ng mga Filipino sa pagsulat at pagbasa.
C. Nabigyan ng kalayaan ang mga Filipino sa pagpili ng relihiyon.
D. Nailapit ang magkakahiwalay na lalawigan dahil sa Sistema ng komunikasyon at transportasyon.
16. Ano ang tinaguriang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Espanyol
B. Tagalog
17. Sino ang hinirang ni Pangulong Quezon bilang tagapayong pangmilitar ng Pamahalaang Komonwelt?
A. Gen. Arthur McArthur
B. Gen. Douglas McArthur
18. Sino ang mahistradong nangasiwa sa panunumpa nina Quezon at Osmeña?
A. Claro M. Recto
B. Ramon Magsaysay
19. Anong tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang itinatag upang mapalaganap ang edukasyon para sa matatanda?
A. National Defense Act
B. Tanggapan ng Edukasyong Pangmatanda (Adult Education Office)
20. Si Manuel Roxas ang naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt.
A. TAMA
B. MALI
