wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 4 Q2 #2

Total questions: 25

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Maagang natutulog si Dencio, tinitiyak niyang makatutulog siya nang walong oras.

a)

Puyat kinabukasan si Dencio.

b)

Magiging matamlay siya sa buong araw.

c)

Magagawa niya nang masaya at aktibo ang kaniyang mga gawain.

d)

Hindi niya mauumpisahan ng maaga ang kaniyang mga gawain.

2.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Ang mga mag-anak ng Barangay Masipag ay abala sa pagtatanim ng mga halamang gulay sa kani-kanilang mga bakanteng lote.

a)

Makaaani sila ng maraming gulay.

b)

Makapagbebenta sila ng maraming gulay.

c)

Magiging malusog sila sa pagkain ng gulay.

d)

Lahat ng nabanggit

3.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Ang mga tao ay walang tigil sa pagtatapon ng basura sa Ilog Balos.

a)

Dudumi ang tubig at unti-unting mamamatay ang mga isda.

b)

Maraming isda ang mahuhuli sa ilog.

c)

Marami ang maliligo sa ilog.

d)

Magiging tanawin ng basura ang ilog.

4.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Si Perla ay magalang na bata. Hindi niya nakalilimutang magmano sa mga nakakatanda. Sumasagot din siya gamit ang po at opo.

a)

Magiging mabuting halimbawa siya sa ibang bata.

b)

Kaiinisan siya ng mga tao.

c)

Mawawalan siya ng mga kaibigan.

d)

Bibilhan siya ng bagong cellphone ng kaniyang magulang

5.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Si Aling Rosa ay hindi sumusunod sa batas. Palagi niyang sinusunog ang mga plastik, damo, papel at iba pang basura sa kanilang bahay.

a)

Palaging malinis ang kanilang bahay.

b)

Maaari siyang madakip at makulong sa paglabag sa

batas.

c)

Gagayahin siya ng kaniyang mga kapitbahay.

d)

Ipagmamalaki siya ng kaniyang mga kapitbahay.

6.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Maghahating-gabi na ay naglalaro pa rin ng mobile legend si Dario. Pinapatulog na siya ng kaniyang ina ngunit ayaw niyang sumunod. May klase pa siya kinabukasan.

a)

Ibabahagi niya ang paglalaro sa kaniyang kaklase.

b)

Magagalit ang kaniyang ina.

c)

Mapupuyat siya at maaaring hindi makapasok sa klase.

d)

Mananalo siya sa kaniyang laro.

7.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Malayo ang bahay ng magkapatid na Linda at Larah sa kanilang paaralan. Naglalakad lamang sila sa pagpasok sa paaralan. Iniipon nila ang perang pamasahe para sa kanilang inang maysakit.

a)

Ibibili ng kagamitan para sa proyekto ang naipong pera.

b)

Ibibili ng laruan ang naipong pera.

c)

Ibibili ng pagkain

d)

Ibibigay sa magulang ang perang naipon para pandagdag sa pagpapagamot sa ina.

8.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Maysakit si Martha. Pinayuhan siya na magpahinga at uminom ng gamot na reseta sa kaniya ng doktor. Hindi niya ito sinunod at ginawa.

a)

Mas lalala ang kaniyang karamdaman.

b)

Magagalit ang kaniyang nanay at doktor.

c)

Hindi siya gagaling sa sakit niya.

d)

A at C ang tamang sagot.

9.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

May proyekto ang kapitan ng Barangay Magkaisa na “Basura Mo, Isang Kilong Bigas”. Alin ang hindi maaaring hula sa sitwasyon?

a)

Marami ang mangongolekta ng basura at ipagpapalit ito ng bigas.

b)

Mababawasan ang basura sa kanilang barangay

c)

Maraming mga taga-Barangay Magkaisa ang matutulungan.

d)

Maraming mabibigyan ng bigas sa kabilang barangay.

10.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Naiwan ng katabi mong pasahero ang kaniyang pitaka. Nang buksan mo ito ay may pera at ID ng may-ari nito.

a)

Ipagbibigay alam ito sa istasyon ng pulis o radyo.

b)

Kukunin ang pitaka at itatago sa bahay.

c)

Ibigay sa drayber ng dyip ang naiwang pitaka.

d)

Hindi papansinin ang naiwang pitaka.

11.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Anak-mayaman at may ginintuang puso si Patrick. Habang siya ay naglalakad pauwi sa kanilang bahay ay may nakita siyang isang matandang nanlilimos.

a)

Sasamahan niya sa panlilimos ang matanda.

b)

Kakausapin at tutulungan ang matanda.

c)

Ihihingi niya ito ng pagkain sa isang malapit na restaurant.

d)

Ibibili niya ito ng bagong damit.

12.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Nagkakaisa ang pamunuan ng paaralan, mga magulang, mamamayan at mag-aaral sa programa ng Kagawaran ng Edukasyon na “Brigada Eskwela”.

a)

Magiging matatag ang pagkakaisa para sa edukasyon.

b)

Magiging matagumpay ang programang ito ng DepEd.

c)

Magiging handa ang paaralan sa pagbubukas ng klase.

d)

A, B at C ang tamang sagot

13.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Nakita ni Maha si Camila na naglalaro sa tabing-dagat. Niyaya ni Camila si Maha na sumali sa laro. Umuwi si Maha para magpaalam sa kaniyang ina, ngunit hindi ito pumayag dahil maalon. Hindi pinakinggan ni Maha ang kaniyang ina. Alin ang hindi hula sa mga sagot?

a)

Maaaring mapahamak, malunod at mamatay si Maha.

b)

Susunduin si Maha ng kaniyang ina para pauwiin.

c)

Matutuwa si Maha sa paglalaro sa tabing-dagat.

d)

Mawawala si Maha.

14.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

May dalang mainit na kape sa mangkok ang nanay ni Lorna. Biglang nasagi ito ng kapatid niyang tumatakbo.

a)

Maaaring mabuhusan ng mainit na kape ang kapatid niya.

b)

Titimplahan niya muli ng kape ang nanay niya.

c)

Magtitimpla muli ang nanay niya ng kape.

d)

Pagagalitan ang kapatid.

15.

Piliin ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon.

Nagtanong ang guro ni Raul kung sino ang nagsulat sa pader ng kanilang silid-aralan. Nakita ni Raul kung sino ang sumulat.

a)

Sasabihin ni Raul sa kaniyang guro ang nakita niya.

b)

Hindi niya papansinin ang sinabi ng guro.

c)

Lalabas ng silid-aralan para umiwas sa tanong.

d)

Ibang pangalan ang sasabihin para ito ang mapagalitan.

16.

Ito ay mga salitang madaling maunawaan at palaging ginagamit o naririnig.

a)

Pangungusap

b)

Pamilyar na salita

c)

Di-pamilyar na salita

d)

Pang-uri

17.

Ano ang salitang di-pamilyar sa pangungusap?

            Kahit saan tumungo si Alden ay kilala pa rin sya.

a)

saan

b)

tumungo

c)

kilala

d)

kahit

18.

. Ito ay matalinghagang salita o salitang mahirap maunawaan dahil hindi ito palaging ginagamit o naririnig.

a)

Pamilyar na salita

b)

Di-pamilyar na salita

c)

Pang-uri

d)

pangungusap

19.

Ano ang kahulugan ng salitang marikit?

            Gustong gusto ko ang marikit niyang mukha.

a)

makinis

b)

maganda

c)

maamo

d)

maputi

20.

Hindi pa rin masawata ang pagkalat ng Corona Virus Disease sa pagdapo sa mga tao. Ano ang kahulugan ng masawata?

a)

mabawasan

b)

mapigilan

c)

magamot

d)

dumami

21.

Ang mga huwarang kawani ay pinarangalan ng pamahalaan.

a)

manggagawa

b)

mensahero

c)

dyanitor

d)

tauhan

22.

Marami ang banyagang nagnanais na makapamasyal sa ating bansa.

a)

likas na mamamayan

b)

nakikipagsapalaran

c)

makabayan

d)

dayuhan

23.

Nakahanda na ang telon para sa ipapalabas na pelikula sa plasa.

a)

malaking screen

b)

puting tela

c)

malaking telebisyon

d)

kurtina

24.

Tangan tangan ko na ang pagkain ni Zoey at pakakainin ko sya.

a)

hawak-hawak

b)

inihanda

c)

bitbit

d)

ibinigay

25.

Ang batang sagana sa pangaral ay lalaking may disiplina sa sarili.

a)

hitik

b)

kulang

c)

marami

d)

sobra