WorksheetsESP Week 1 and 2
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Lunes ng umaga, mayroong palatuntunan sa bulwagan ng inyong paaralan. Nakita mo na ang iyong kaklase na pilay ay nakatayo lang sa may unahan ng bulwagan dahil wala nang bakanteng upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Titingnan ko siya at pagtatawanan dahil siya ay walang upuan.
B. Lalapitan ko siya upang ibigay sa kaniya ang aking upuan.
C. Mananatili ako sa aking upuan at hahayaan ko sya
Inutusan ka ng nanay mo na bumili sa tindahan at nakita mo doon na kinukutya ang isang batang may kapansanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihan ko ang batang may kapansanan na huwag pansinin ang mga batang nangungutya.
B. Lalapitan ko ang mga batang nangungutya upang pagsabihan.
C. Sasamahan kong umalis sa tindahan ang batang may kapansanan.
Ang iyong kaklase ay umiiyak dahil sa sobrang pananakit ng tiyan, ano ang iyong gagawin?
a. huwag pansinin ang pag-iyak ng kaklase
b. isumbong sa magulang na ang kaklase ay maingay
c. sabihin sa guro at tulungang pumunta sa klinka ng eskwelahan
May nakita kang bulag na bata at mukhang tatawid siya sa daan. Anong tulong ang iyong maibibigay?
a. sasabihin sa pulis upang siya ay hulihin
b. tutulungang tumawid sa pamamagitan ng pag-akay sa kanya
c. iiwasan na lamang upang hindi ka na maabala pa
Habang oras ng recess, nakita mo ang iyong kamag-aral na hindi kumakain at napag alaman mong ito ay walang baon. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi mo ito papansinin
B. Aalukin mo ito ng dala mong pagkain at bibigyan
C. Iinggitin mo ito
Nakasabay mo sa daan papuntang paaralan ang iyong guro. Nakita mong marami syang bitbit at hirap na hirap. Ano ang iyong gagawin?
A. Aalukin mo ito ng tulong
B. Hahayaan mo na lang ito at magkunwaring hindi napansin
C. Mauuna ka at hahayaan mo lang sya
Pupunta ka sa kaarawan ng iyong kamag-aral ngunit biglang sumama ang pakiramdam ng iyong ina. Ano ang iyong gagawin?
A. Bibilhan mo sya ng gamot, sabay alis
B. Ipagpaliban mo na lang ang iyong pag-alis at aalagaan ang iyong ina
C. Hahayaan mo lang ito at aalis pa rin
Nakasakay ka sa isang dyip at may nakita kang isang taong PWD na nais din sumakay sa inyong dyip. Ano ang gagawin mo?
Pagtatawanan ang taong PWD
Pagsabihan na madalian ang pagsakay dahil ikaw ay mahuhuli na sa klase
Hindi makialam sa ibang tao
Tulungan ang taong may kapansanan na makasakay sa inyong sinasakyan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
Pagtatawanan ang kinukutya na kaklase
Pagsigawan ang taong may kapansanan
Pahiramin muna ang kaklase ng bolpen ng makasali siya sa inyong pagsusulit
Tumulong sa kapwa at hihingi ng kapalit
Si Ana ay may nakitang isang matandang bulag na hirap tumawid sa kalasada. Kanya itong nilapitan at inalalayan. Si Ana ay__________.
masipag
matulungin
malambing
magalang
