wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Seksiyon 5 - Mga Aral sa Bibliya

Total questions: 20

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Aralin 23 (Isang Pangako kay Jehova)

Ano ang naganap sa Bundok Sinai?

a)

Nakakita ang mga Israelita ng kidlat at isang makapal na ulap sa bundok. Nakarinig din sila ng malakas na kulog at tunog ng tambuli, o trumpeta.

b)

Bumaba sa bundok si Jehova na parang apoy.

c)

Umuga nang malakas ang bundok at nabalot ito ng usok. Ang tunog ng tambuli ay palakas nang palakas

d)

Lahat ng mga nabanggit.

2.

Aralin 23 (Isang Pangako kay Jehova)

Nangako ang mga Israelita kay Jehova na gagawin nila ang _____ __ ___________ ni Jehova.

(a)  

3.

Aralin 23 (Isang Pangako kay Jehova)

Ayon sa temang teksto, dapat nating ibigin si Jehova ng…

a)

Buong puso

b)

Buong Kaluluwa

c)

Buong Pag-iisip

d)

Lahat ng nabanggit

4.

Aralin 24 (Hindi Sila Tumupad sa Pangako)

Ano ang ginawa ng mga Israelita habang wala si Moises?

a)

Sinunod nila ang utos ni Jehova na huwag sumamba sa ibang mga diyos.

b)

Sumamba at pinapurihan nila si Jehova.

c)

Sumamba sila sa gintong guya at nagdiwang.

d)

Wala silang ginawa

5.

Aralin 24 (Hindi Sila Tumupad sa Pangako)

Ano ang ginawa ni Moises nang bumalik siya?

a)

Natuwa siya sa kanilang ginagawa kaya sumama si Moises sa kanilang pagdiriwang.

b)

Dahil galít na galít si Moises, inihagis niya ang dalawang tapyas na bato at nabasag ang mga ito.

c)

Gulat na gulat si Moises at namangha sa gintong guya na ginawa ng kapatid niyang si Aaron

d)

Mali ang lahat ng nabanggit

6.

Aralin 24 (Hindi Sila Tumupad sa Pangako)

Ayon sa temang teksto, kapag nangako tayo, ano ang dapat nating gawin sa ating panata o pangako?

a)

Tuparin ang mga ito

b)

Huwag tuparin ang mga ito

c)

Ipagpaliban at huwag itong pahalagahan

7.

Aralin 24 (Hindi Sila Tumupad sa Pangako)

TAMA o MALI

Umakyat ulit si Moises sa bundok at nakiusap kay Jehova na patawarin ang bayan. At pinatawad ni Jehova ang mga gustong sumunod sa kaniya.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Aralin 25 - (___________ Para sa Pagsamba)

Ano ang iniutos ni Jehova kay Moises na itayo?

a)

Bahay

b)

Palasyo

c)

Tabernakulo

d)

Wala sa mga nabanggit

9.

Aralin 25 (Tabernakulo Para sa Pagsamba)

Pinili ni Jehova si Aaron at ang mga anak niya na maging (a)   sa tabernakulo.

10.

Aralin 25 (Tabernakulo Para sa Pagsamba)

TAMA o MALI

Ang tipan ay isang espesyal na pangako

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Aralin 25 (Tabernakulo Para sa Pagsamba)

Pinunô ni Jehova na kaluwalhatian niya ang tabernakulo at naglagay siya ng ulap sa ibabaw nito.

TAMA o MALI:

Kapag nasa ibabaw ng tabernakulo ang ulap, kailangan na nilang lumipat. Kapag tumaas ang ulap, mananatili roon ang mga Israelita.

a)

TAMA

b)

MALI

12.

Aralin 26 - (Ang Labindalawang espiya)

Nang bumalik ang 12 espiya mula sa Canaan, ano ang naging reaksiyon ng mga Israelita dahil sa ikinuwento ng mga 10 espiya tungkol sa Canaan?

a)

Excited na silang pumunta at tumira roon.

b)

Namangha sila sa ikinuwento na mga 10 espiya, lalo na sa mga dala nilang prutas na igos, granada at ubas.

c)

Natakot ang mga Israelita. Nagkomplain sila at gusto na nilang bumalik sa Ehipto.

13.

Aralin 26 - (Ang Labindalawang espiya)

Kabaligtaran ng mga sampung espiya, paano ipinakita nina Josue at Caleb na nagtitiwala sila kay Jehova?

a)

Positibo ang mga sinasabi nila tungkol sa Canaan

b)

Sinabi nila sa mga Israelita na sundin nila si Jehova at na huwag sila matakot, dahil proprotektahan sila ni Jehova

c)

Parehong tama ang una at ikalawa

d)

Parehon mali ang una at ikalawa

14.

Aralin 26 - (Ang Labindalawang Espiya)

Sa temang teksto na ito, ano ang natutuhan mo?

“Bakit takot na takot kayo? Bakit ang liit ng pananampalataya ninyo?”—Mateo 8:26

4 lines
15.

Aralin 27 - (Nagrebelde sila kay Jehova)

Bakit nagrebelde kay Moises si Kora at ang mga kakampi nito?

a)

Ayaw na nilang tumira sa ilang, at gusto na nilang pumunta sa Canaan at tumira roon,

b)

Dahil masama at malupit ang pakikitungo sa kanila ni Moises at ng kapatid nitong si Aaron.

c)

Dahil pare-pareho lang naman daw ang tingin sa kanila ni Jehova, kaya kinuwestiyon niya ang pagiging lider ni Moises at ang pagiging saserdote ni Aaron.

16.

Aralin 27 - (Nagrebelde sila kay Jehova)

Paano natin nalaman na si Aaron ang pinili ni Jehova na maging mataas na saserdote?

a)

Nagsalita si Jehova mula sa langit at sinabing si Moises ang inatasan niyang lider at na si Aaron ang inatasan niyang maging mataas na saserdote.

b)

Namulaklak ang tungkod ni Aaron at nagkaroon ito ng hinog na prutas ng almendras.

c)

Hindi pala si Aaron ang pinili ni Jehova na maging mataas na saserdote.

17.

Aralin 27 - (Nagrebelde Sila kay Jehova)

Ayon sa temang teksto ng aralin, dapat tayong maging _________ sa mga inatasan ni Jehova, gaya ng mga magulang natin

a)

Mabuti

b)

Mabait

c)

Masunurin

d)

Masuwayin

18.

Aralin 28 - (Nagsalita ang Asno ni Balaam)

Bakit pumunta si Balaam sa Moab?

a)

Para sabihin ang mga ipinapasabi lang ni Jehova

b)

Para lamang hindi na matakot ang haring si Balak na baka masakop din ng mga Israelita ang lupain niya.

c)

Dahil gusto niyang marinig ang kuwento ng mga Israelita tungkol sa mga nasakop nilang lupain.

d)

Para isumpa ang mga Israelita, dahil ibibigay ng haring si Balak ang lahat ng gusto niya.

19.

Aralin 28 - (Nagsalita ang Asno ni Balaam)

Alin sa mga ito ang nangyari habang nasa daan siya nang tatlong beses magpakita ang anghel ni Jehova?

a)

Tahimik at maayos ang paglalakbay ni Balaam

b)

Nagsalita ang asno niya dahil lagi niya itong pinapalo

c)

Tumatalon ng paulit-ulit ang asno sa takot

d)

Tumakbo ng mabilis ang asno

20.

Aralin 28 - (Nagsalita ang Asno ni Balaam)

Kumpletuhin ang temang teksto:

“Magbantay laban sa bawat uri ng _________, dahil kahit sagana ang isang tao, ang mga ari-arian niya ay hindi makapagbibigay sa kaniya ng _____.”—Lucas 12:15

a)

Kasakiman at kayamanan

b)

Kasakiman at buhay

c)

Kasamaan at buhay