WorksheetsSECOND QUARTER SUMMATIVE REVIEW
Total questions: 24
Worksheet time: 12mins
Anong salik ang nakakaapekto sa makataong kilos ng isang tao sa pagmumura at pagkagalit sa araw-araw?
Karahasan
Gawi
Kamangmangan
Takot
Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
Pagkaalimpungatan sa pagtulog
Pagsusugal
Pagpasok ng maaga
Paglilinis ng ilong
Ano ang maaaring umusbong kung ang tao ay hindi mag-iingat sa paggawa ng makataong kilos?
Isyung Ispiritwal
Isyung Personal
Isyung Moral
Isyu ng Likas na Batas Moral
Anong uri ng kilos ang ipinakikita sa pagkurap ng mata?
Makataong kilos
Kilos ng Tao
Kilos ng walang pasubali
Kamangmangan
Ano ang tawag sa mga nakasanayang ginagawa ng tao na nagdudulot ng masama?
Birtud
Bisyo
Ugali
Habit
Anong uri ng kilos ang may kaalaman at pagsang-ayon kung saan ang nagsasagawa ay may lubos na pagkaunawa
sa kalikasan at kahihinatnan nito?
Kilos-loob
Di kusang loob
Kusang-loob
Walang kusang loob
Ayon kay Immanuel Kant , alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos?
Ang mabuting bunga ng kilos
Ang layunin ng isang mabuting tao
Ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
Ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos?
Isip at kilos- loob
Intensiyon at layunin
Paghuhusga at pagpili
Sanhi at bunga
Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig na kamangmangan?
Pinakain agad ni Peter ang pinsan nyang bagong opera kaya sumakit ang tiyan nito.
Pinauwi ni Tin ang kanyang alagang tuta nang sumunod ito sa kanya subalit ito ay nawala.
Panaghahampas ng isang babeng may diperensya sa pag-iisip ang dumadaang nagtitinda ng puto.
Pinindot ng isang bagong janitor ang fire alarm na nakita nya sa pader kaya nagtakbuhan ang lahat..
Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
Ang panliligaw sa crush
Pagbatok sa barkada dahil sa pagkagulat
Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
Pagsugod sa bahay ng nakaalitan
Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit.
Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan.
Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
Masipag at matalinong mag-aaral si Meryll. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri. May pananagutan
ba siya kung bakit nasa kanya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
Oo, dahil siya lamang ang parating sumasagot sa talakayan.
Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase na makasagot.
Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral
Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman natin kung ano ang magandang plano ng Diyos sa atin.
Pananalangin
Pagninilay
Pagsisimba
Pamamanata
Ito ay proseso kung saan malinaw na nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay.
Mabuting pagpapasiya
Mabuting paghuhusga
Masusing pag-iisip
Malalim na pagninilay
Ito ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng pasiya.
Isinasaisip ang posibilidad
Magkalap ng patunay
Maghanap ng ibang kaalaman
Magtiwala sa tulong ng Diyos
Nasaktan ni Roger ag kaniyang anak na babae dahil nabalitaan niya sa kanilang kapitbahay na ito ay nakikipagrelasyon na kahit na mahigpit niya itong ipinagbabawal. Anong salik ang nakaapekto sa kilos ni Roger?
Masidhing damdamin
Karahasan
Kamangmangan
Takot
Kaarawan ni Mang Danilo, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kanilang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Anong prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
Ang sirkumstansiya ay maaring gawin ang mabuting kilos na masama.
Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
Si Dra. Galvez ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom niyo. Anong salik ang nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Dra. Galvez?
Layunin
Sirkumstansya
Kilos
Kahihinatnan
Habang naglalakad sa mall si Auring ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klase ng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Auring?
Intensiyon ng layunin
Nais ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Praktikal na paghuhusga sa pagpili
Sa tuwing dumarating sa buhay ni Aurea ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito
ba ang nais ng Diyos o naayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Aurea?
Tingnan ang kalooban
Isaisip ang posibilidad
Maghanap
ng ibang kaalaman
Umaasa at magtiwala sa Diyos
Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
Upang magsilbing gabay sa buhay.
Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
Upang mapagnilayan ng bawat panig ang ginawang pagpili
Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang araw-araw na buhay.
Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan.
Dahil ito ay nagdududlot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.
Sino ang inyong kasalukuyang guro sa EsP 10?
Aurora A. Tamio
Auroara A. Tamio
Pam Calbay
Aurora S. Tamio
Sino ang Department Head ng Esp?
LILIBETH A. ECHEVARRIA
LILYBETH S. ECHEVARRIA
LILIBETH S. ECHEVARIA
LILIBETH S. ECHEVARRIA
