WorksheetsResulta ng Pananakop ng mga Amerikano
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang Katoliko ang may pinakamalaking bahagi ng populasyon sa bansa, anong relihiyon ang pumapangalawa dito?
Iglesia ni Kristo
Aglipay
Islam
Protestanismo
Sino ang nagdala ng relihiyong Protestanismo na may iba’t-ibang pangkat?
Kastila
Tsino
Amerikano
Hapones
Alin sa mga sumusunod na pangakat ng relihiyon ng mga mamamayan na tinawag na relihiyong Oryental?
Islam at Katoliko
Aglipay at Protestanismo
Iglesia ni Kristo at Budismo
Budismo at Hinduismo
Sino ang kinilalang magagaling na manunulat sa balagtasan?
Gregorio Aglipay at Florentino Collantes
Felix Manalo at Jose Corazon De Jesus
Jose Corazon De Jesus at Florentino Collantes
Felix Manalo at Gregorio Aglipay
Bakit ginaganap ang paligsahan ng kagandahan o beauty contest ng isang organisasyon?
Dahil nais nitong makahikayat ng mga turismo.
Dahil nais nitong mangalap ng pondo para sa kanilang proyekto.
Dahil nais nito na mapasaya ang nasasakupang barangay
Dahil nais nilang maging tanyag sa kalapit na barangay.
Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano anong uri ng kaisipan ang natutunan ng
mga Pilipino?
kaisipang neyo-kolonyalismo
kaisipang kolonyal
kaisipang liberal
wala sa nabanggit
Alin sa mgasumusunod ang pagkaing Amerikano ang nakahiligang kainin ng mga Pilipino?
salad at sorbetes
puto at siopao
pansit at biko
dinuguan at puto
Anong wika ang pinairal ng mga Amerikano sa pagtuturo at pakikipagtalastasan?
Espanyol
Ingles
Hapones
Tagalog
Alin sa mga sumusunod na pangkat ang hindi nabibilang sa mga pagkaing Amerikano?
dinuguan, salad, sorbetes at puto
salad, juice, sorbetes at tsokolate
sandwich, salad, juice at sorbetes
sorbetes, juice, salad at inuming karbonato
Bakit ang mga gawaing pantahanan at pangkabuhayang pangsakahan ng mga Pilipino ay unti-unting ikinahiya?
Dahil sa pananaw ng karamihan ay walang pag-asenso.
Dahil sa pananaw ng karamihan ang ganitong gawain ay walang kabuluhan
Dahil sa pananaw ng karamihan ay nakakababa ng moral.
Dahil sa pananaw ng karamihan ang ganitong gawain ay walang pag-unlad at hindi nakakaangat ng karangalan sa pamilya.
