NEW
Font size
WorksheetsPakikiisa sa Gawaing Pambata
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Nais mong sumali sa patimpalak sa pagsasayaw ngunit tila mayroon kang pag-aalinlangan. Ano ang dapat mong gawin?
Mag-ensayo at lakasan ang loob.
Huwag na lámang sumali.
Pawang magagaling ang lumahok sa tagisan ng galing sa pag-awit. Nang inanunsyo ang nanalo ay hindi ninyo ito nakamit. Ano ang gagawin mo?
Magsisisigaw na hindi patas ang desisyon.
Tanggapin nang maluwag sa kalooban ang pagkatalo.
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong tanggalin sa tuwing nagtatangka kang sumali sa palaro o paligsahan?
Hiya
Galíng
Alin sa mga sumusunod ang dapat mong linangin sa iyong pakikiisa sa iba’t ibang gawain?
Tiwala sa Sarili
Pangamba
Alin sa mga sumusunod ang naidudulot ng pakikipaglaro sa kapwa batà?
Napapaunlad ang pakikipagkapwa-tao.
Nalalamangan mo ang kalaban mo.
Lagi kang umiiwas sa tuwing naghahanap ang iyong guro ng kakatawan sa mga patimpalak o paligsahan. Batid mong kaya mo naman ito.
Tama
Mali
Sa tuwing sinasabihan ka ng iyong guro na sumali sa palaro ay lagi kang nagdadahilan ng hindi totoo upang makaiwas lámang.
Tama
Mali
Sumali ka sa paligsahan sa pagtula. Nang ikaw ay nása bulwagan na, nakita mong napakaraming tao ang nanonood. Huminga ka ng malalim at nilakasan ang iyong loob.
Tama
Mali
Nagwagi ang kaibigan mo sa patimpalak sa pagpipinta. Sumamâ ang iyong loob sa kaniya at hindi mo na siya binati.
Tama
Mali
Nang ikaw ay nanalo sa tagisan ng talino. Ikaw ay nagyabang sa iyong mga kalaro.
Tama
Mali
