Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Estruktura ng Pamilihan

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Kung iyong susuriin ang dalawang dayagram ng estruktura ng pamilihan sa

ibaba, alin sa dalawang ito ang sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang

presyo sa pamilihan?

a)

monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto

b)

monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer

c)

pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang

ito ay kabilang sa hindi ganap na kompetisyon.

d)

wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili

naman ng produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin ng konsyumer

2.

Ang pamilihang monopolyo ay masasabing isa sa pinakamapang-abusong uri ng pamilihan sapagkat ang kapangyarihang magtakda ng presyo at dami ng produkto ipagbibili ay nasa kamay lamang ng monopolista. Bakit kailangan parin ng ganitong kalseng pamilihan?

a)

Takot ang mga tao na kalabanin ang mga monopolista

b)

Masyadong magastos ang paglikha at pagpapatakbo ng produkto kaya mas makabubuting ibigay na lamang sa isang kompanya ang paglikha nito

c)

Walang gana ang karamihan sa mga prodyuser na likhain ang mga produkto

d)

Wala sa mga nabanggit

3.

Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang

prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa

pamilihan. Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?

a)

sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at

prodyuser

b)

napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto

c)

nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser

d)

hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto

4.

Paano masasabing umiiral ang oligopolyong anyo ng pamilihan?

a)

kung limitado ang suplay ng produkto sa isang industriya

b)

kung kontrolado ng isang kompanya ang suplay ng produkto

c)

kung malayang nakapamimili ang mga taong kumukunsumo ng produkto

d)

kung tatlo o higit lamang na kompanya ang gumagawa ng produkto

5.

Upang makinabang ng husto sa pamilihan ang mga kompanya ng langis

sinasabing nagsasabwatan ang mga ito upang maitaas ang presyo ng kanilang

produkto ng hindi man lamang nalulugi ang bawat isa sa kanila. Ano ang tawag

sa ganitong pagsabwatan?

a)

economic sabotage

b)

cartel

c)

embargo

d)

ceteres paribus

6.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng monopolyo sa pamilihan?

a)

Colgate-Palmolive

b)

Caltex

c)

SOCOTECO 2

d)

Uniliver

7.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapaliwanag sa diwa ng pamilihan?

a)

Lugar kung saan nagtatagpo ang mamimili at nagbebenta upang gumawa ng transaksyon.  

b)

Interaksyon ng presyo at dami ng produkto sa isang itinakdang panahon at isang takdang lugar.  

c)

Isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang mamimili at nagbebenta upang magpalitan ng iba’t ibang bagay.

d)

Ang pagkakaroon ng kasunduan ng sambahayan at bahay kalakalan ng magpalitang ng kaalaman upang mapabilis ang produksyon.

8.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng ganap na kompetisyon sa pamilihan?

a)

mayroong nag iisang tagapagtustos ng produkto o serbisyo ng buong industriya

b)

nagbebenta ito ng mga magkakatulad na produkto o serbisyo sa mamimili

c)

ito ay nagkakaloob nang malayang pagpili ng mga produkto sa mga mamimili

d)

ito ay nagbibigay ng mabuting kalidad ng produkto at serbisyo

9.

Sa anyong monopolyo, anong benepisyo ang nakakamit ng isang monopolista?

a)

Naiiwasan niya ang kompetisyon sa pamilihan

b)

Nababawasan ang suliranin sanhi ng kakulangan sa suplay sa pamilihan

c)

Nakokontrol ang presyo ng suplay o produkto na ipinagbili sa pamilihan

d)

Napipigilan ng monopolista ang pagtatakda ng presyo dahil sa price control

10.

Bakit mahalaga para sa mga konsyumer na magkaroon ng kompetisyon sa pamilihan?

a)

upang mag- away-away ang mga negosyanye at mapipilitan silang ibigay ang kanilang produkto sa mga konsyumer

b)

upang mapataas ng mga negosyante ang kalidad ng kanilang produkto

c)

upang makakuha ng ng mga konsyumer ng libreang mga produkto

d)

upang magkaroon ng kasiyahan ang mga konsyumer sa pananonood ng kompetisyon ng mga nagbebenta