WorksheetsFILIPINO REVIEW
Total questions: 30
Worksheet time: 18mins
Alin sa mga sumusunod ang pagkakapareho ng haiku at tanka?
Ito ay kapwa may sukat at tugmaan.
Ang haiku ay pinaikling bersyon ng tanka.
Parehong tungkol sa karanasan ng tao.
Galing sa bansang Hapon
Alin sa mga sumusunod ang pagkakaiba naman ng haiku at tanka?
Tulang liriko ang tanka
Pinaikling bersyon ng tanka ang haiku
Tungkol sa kalikasan ang tanka habang ang haiku ay sa damdamin ng tao.
Ang haiku ay ginagamit na sining habang paraan ng pakikipag-ugnayan ang tanka.
1
Isang dukhang paslit-
Sa pagbayo ng palay
ay tumitig sa buwan.
Alin ang kasingkahulugan ng salitang dukha?
bata
inosente
mahirap
nakakaawa
1
Isang dukhang paslit-
Sa pagbayo ng palay
ay tumitig sa buwan.
Ano ang nais ipakahulugan ng haiku?
Isang bata ang nakakaranas ng kahirapan sa buhay.
Sumisimbolo sa kahirapang dinaranas ng mga tao.
Sumisimbolo sa simpleng buhay sa probinsiya.
Isang batang tumutulong sa pag-ani ng palay.
Ngayong araw ng taglagas ay nasa bukirin sila
Abala sa paggapas ng mga palay;
Naghanap ako ng silong sa ilalim nitong kubo,
Ngunit huli na ang lahat-
Manggas ko’y basa na ng ulan.
Anong transisyon ng panahon ang inilalahad sa tanka?
Tagtuyot na umulan
Tag-init na biglang bumagyo
Taglamig na biglang uminit
Taglagas na biglang umulan
Anong katangian ng mga hapones ang masasalamin sa haiku?
Kalinisan
Disiplina
Paggalang
Pagkamalikhain
Ano ang tamang sukat ng tanka?
5-5-5-5-7
5-7-7-7-7
5-7-5-7-7
7-5-7-5-5
Sina Aling Maria, Kuya Leo, at Ate Maria ay nasa sala.
Alin ang tamang pagpapakahulugan ng pangungusap batay sa antala nito?
Nasa sala sina Aling Maria. Kuya, Leo, at Ate Maria.
Nasa sala sina Aling Maria, Kuya Leo, Ate, at Maria.
Nasa sala sina Aling Maria, Kuya Leo, at Ate Maria.
Nasa sala sina Aling, Maria, Kuya, Leo, Ate, at Maria.
“Masakit man ay pinapabayaan na kita.
Ano ang posibleng tono ng pangungusap batay ginamit na bantas?
Nalulungkot
Nasasaktan
Nahihirapan
Nagpapaliwanag
Ano ang pabula?
May iisang suliranin lamang
Itinatanghal sa madla
Hayop o bagay ang pangunahing tauhan
Naglalahad ng sariling pananaw
Bakit maituturing na Kwentong Bayan ang Pabulang “Ang Apat na Dragon”?
Inilalahad nito ang kasaysayan ng bansang Tsina
Nagbabahagi ng aral sa mga mambabasa
Ito ay kwento ng isang hindi makatotohananang nilalang.
Hango ito sa kwento na nakabatay sa paniniwala ng mga matatanda.
Aling katangian ng mga tsino ang ipinakita sa kanilang panitikan?
Kalinisan
Disiplina
Paggalang sa nakatatanda
Pagkamalikhain
Paano natulungan ng apat na dragon ang suliranin?
Nagsalok ng tubig
Bumuga ng apoy
Kinausap ang Emperador ng Hade
Tumulong sa pagtatanim
Anong paniniwala ang nilalaman ng “Ang Apat na Dragon”?
Kabutihan ng mga dragon noong unang panahon
Tunay ang mga dragon
Kasaysayan ng emperador ng Hade
Pinagmulan ng apat na ilog
Ano ang naging epekto sa pamumuhay ng mga tao dahil sa tagtuyot?
Labis na kahirapan
Pagkakaroon ng iba’t ibang kakasakit
Matinding pagka-uhaw
Sobrang kagutuman
Bakit dragon ang ginamit na karakter sa pabula?
Isang antromorpikong nilalang
Nagdadala ng magandang kapalaran
Paboritong karakter ng mga tsino
Sumisimbolo sa pagiging matulungin
Aling katangian ang sumasalamin sa apat na dragon?
Makapangyarihan
Magandang kapalaran
Matalinong pag-iisip
Matulungin
Aling pangungusap ang gumamit ng pangatnig na pananhi?
Kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral, magkakaroon ka ng mas maayos na kinabukasan.
Nais kong makapunta ng ibang bansa subalit malaking balakid ngayon ang pandemya.
Maging ang guro ay nakararanas din ng paghihirap sa taong panuruan ito.
Magiging isang guro at mabuting ina ako sa hinaharap.
Alin namang pangungusap ang gumamit ng pangatnig na pamukod?
Kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral, magkakaroon ka ng mas maayos na kinabukasan.
Nais kong makapunta ng ibang bansa subalit malaking balakid ngayon ang pandemya.
Maging ang guro ay nakararanas din ng paghihirap sa taong panuruan ito.
Magiging isang guro at mabuting ina ako sa hinaharap.
Aling pangungusap ang may pang-ukol sa pangngalang pantangi?
Sa kanya lang ata umiikot ang aking mundo.
Kay ate ang bag na gamit ko.
Ayon kay Kuya Kim, mag-aral tayo nang maigi upang ang ating buhay ay bumuti.
Tungkol sa kalikasan ang kaniyang talumpati.
Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may tamang pagkiklino?
sigaw-hiyaw-palahaw
naghirap-nagdusa-nagtiis
langoy-lublob-sisid
natuyo-nanguluntoy-nalanta
Dalawang taon nang balo si Tou Ngo sa anak ni Inang Tsai.
Alin ang tamang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
Bilang o numero
Edad o gulang
Oras sa pagitan ng umuulit na pangyayari
Nakalipas na sandali
Alin ang nagpapakita ng filial piety?
Pag-ako ni Tou Ngo sa akusasyon
Pagpapakasal ni Tou Ngo
Paglason ni Donkey Chang kay Tandang Chang.
Pagkuha ng hustisya ni Donkey Chang.
Anong uri ng dula ang Inustisya ni Tou Ngo?
Trahedya, dahil ito ay naglalahad ng masalimuot na katapusan
Komedya, dahil ito ay nagtatapos nang masaya.
Trahedya, dahil nasawi si Tou Ngo
Komedya, dahil namuhay silang lahat nang mapayapa.
Ibinigay ni Tou Tien Chang ang kaniyang anak na babae kay Inang Tsa’ai bilang pambayad-utang.
Anong bahagi ito ng banghay ng dula?
Pasidhing Pangyayari
Sulyap sa Suliranin
Saglit na Kasiglahan
Tunggalian
Ito ang nagsisilbing kaluluwa ng dula.
Aktor
Direktor
Iskrip
Manonood
Paano naiiba ang dula sa ibang akdang pampanitikan?
May iisang suliranin lamang
Itinatanghal sa madla
Hayop o bagay ang pangunahing tauhan
Naglalahad ng sariling pananaw
8-7000 Jollibee Delivery!
Paano ginamit ang wika?
Personal
Instrumental
Interaksiyunal
Imahinatibo
