WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao 9
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?
Talento, panahon at pagkakaisa.
Kayamanan, talento at bayanihan.
Pagmamahal, malasakit at talento.
Panahon, talento at kayamanan.
Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapwa nang may
pagmamahal sa kapwa at sa kaniyang lipunan.
Paglilingkod
Pakikilahok
Bolunterismo
Pananagutan
Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain
nang naayon sa kaniyang tungkulin upang makamit ang kabutihang
panlahat?
Pakikilahok
Pananagutan
Bolunterismo
Paglilingkod
Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pakikilahok?
Medical at dental outreach ng mga kilalang tao
Pagboto tuwing eleksyon
Pagpopost ng adhikain
Pagpapakain sa mga batang lansangan
Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag ay __________.
Tama, sapagkat maaari kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.
Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
Maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok sa pamamagitan ng pagtulong para ikaw ay maging sikat.
Tama
Mali
Isa sa T ng pakikilahok at bolunterismo ang treasure (kayamanan) kung saan ginagamit mo ang iyong kagalingan sa iba't ibang bagay para makatulong sa iyong kapwa.
Tama
Mali
Isa sa T ng pakikilahok at bolunterismo ang time (panahon) kung saan napakahalagang pamahalaan sapagkat hindi mona maibabalik ang kapag ito ay lumipas na.
Tama
Mali
Isa sa T ng pakikilahok at bolunterismo ang talent kung saan hindi sinusukat ang laki sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa mo itong ibinigay ng buong puso para sa mga nangagailangan.
Tama
Mali
Ang layunin ng pakikilahok at bolunterismo ay parehas na kabutihang panlahat.
Tama
Mali
