WorksheetsIkalawang Markahang Pagsusulit sa ESP 9
Total questions: 35
Worksheet time: 35mins
Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
Ingatan ang interes ng marami.
Itaguyod ang karapatang pantao.
Pigilan ang masasamang tao.
Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?
karapatan
kilos-loob
kalayaan
dignidad
Ang mga karapatan ay:
Ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat nilalang.
Ang mga bagay na nararapat sa bawat nilalang.
Mga dapat gampanan na tungkulin.
Mga pangangailangan ng iilan.
Ang likas na batas na moral ay:
Nilikha ni Tomas de Aquino.
Nauunawaan ng tao.
Inimbento ng mga pilosopo.
Galing sa Diyos.
Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin na makapagpatuloy sa pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatang maghanapbuhay
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na, “With great power comes great responsibility”?
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral
Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin
Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan
Kung may karapatan, ipaglaban mo
Ang mabuti ay:
Paggawa ng tama.
Pagsunod sa batas.
Pagsunod sa Diyos.
Lahat ng nabanggit
Ang batas ng lipunan ay nilikha upang ___________.
Ingatan ang interes ng marami
Itaguyod ang karapatang-pantao
Pigilan ang masasamang tao
Protektahan ang may kapangyarihan
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao
Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral
Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao
Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito tinutupad
Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas batas na moral:
Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa.
Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor.
Pangungulit sa bata na maligo
Pagpilit sa mga tao na magsimba
Ang karapatan ang may kaakibat na _________________.
Tungkulin
Konsensya
Dignidad
Kilos-loob
Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang mga patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?
Oo, dahil mawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya.
Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinyon sa trabaho.
Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin sa trabaho.
Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang mga kasamahan sa
trabaho
Ang mabuti ay:
Laging tama.
Iba-iba sa tao.
Minsan tama.
Pare-pareho sa tao.
Ang lahat ng tao isinilang na ____________ at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan.
Malaya
Matalino
Matapang
Matikas
Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa gayong may karapatan
naman tayong makapunta sa ibang lugar?
Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan.
Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa.
Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka pumupunta
Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang bansa.
Paano natututunan ang likas na batas moral:
Binubulong ng magulang.
Tinuturo ng magulang.
Basta alam mo lang.
Sinisigaw ng konsensya.
Ang ______________ ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa, at sa dignidad niya bilang tao.
Batas
Karapatang pantao
Karunungan
Konsensya
Ang sumusunod ay nagpapakita na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin maliban sa:
Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto
Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay
Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maaksaya ito
Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro
Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.
Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawanggawa?
Ito ay mga bagay na pansarili lamang.
Ito ay mahalaga para sa lahat ng nilalang.
Ito ay mahalagang magkaroon ang bawat tao.
Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay.
Ano ang tinutukoy ng kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
Tungkulin
Karapatan
Karunungan
Dignidad
Ang tama ay pagsunod sa mabuti:
Sa lahat ng panahon at pagkakataon.
Ayon sa sariling tantya.
Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
Nang walang pasubali
Bakit may batas?
Upang maingatan ang karapatan ng tao
Upang matakot ang lahat ng nagkasala
Upang tumino ang tao
Upang parusahan ang nagkasala
Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?
Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral.
Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan.
Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi.
Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang mapangalagaan ang
kaniyang pagkatao.
Tama ang isang bagay kung:
Ito ay ayon sa mabuti.
Walang nasasaktan.
Makapagpapabuti sa tao.
Magdudulot ito ng kasiyahan.
Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan.
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatan sa pananampalataya
Karapatan sa buhay
Karapatang maghanapbuhay
“May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan.” Ano ang ibig sabihin nito?
Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng kapuwa
Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa kanila
Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating nararapat dahil tayo ay may karapatan at dignidad bilang tao
Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating obligasyong gawin o hindi gawin
ang isang bagay ayon sa Likas na Batas Moral
Ang pagiging makatao ay:
Ang pagsaklolo sa iba.
Ang pagiging matulungin sa kapwa.
Pagpanig sa tao.
Pagsunod sa utos ng Diyos.
Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi pagkatapos ng klase. Ano ang gagawin mo?
Sasang-ayon sa mungkahi ng iyong guro.
Magtatanong at magdadahilan sa guro.
Tatahimik lang at hindi kikibuin ang guro.
Uunahin ang paglalaro kaysa pagbabasa.
Labingwalong taong gulang na si Jade at nag-aaral pa. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang edad 18 pataas. Pero hindi pa rin siya pinahihintulutang mag-asawa. Ano ang malalim na dahilan ng mga magulang niya?
Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at nararapat na mahubog muna niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.
Hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa niya naabot ang kaniyang pangarap sa buhay.
May obligasyon pa siya na mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang kanilang bahay.
Ayaw ng kaniyang mga magulang sa mapapangasawa niya.
Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas.
Artikulo 16
Artikulo 9
Artikulo 19
Artikulo 26
Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?
Softdrinks para malaki ang kita
Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda
Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian
Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa
Sino ang nagsabi na, “Lahat ng Tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.”?
Dr. Manuel Dy
Max Scheler
Santo Tomas de Aquino
Robert Fulghum
Bakit nararapat tutulan ang mga panukala na nagpapanganib ng kabutihang panlahat?
Dahil sa Prinsipyong First Do No Harm
Dahil dapat sundin ang Universal Declaration of Human Rights
Dahil dapat alagaan at igalang ang dignidad ng tao at makamit niya ang kaganapan
Dahil sa karapatan ng Kalayaan na Makapag-isip, at Kalayaang Makapagpahayag
Alin sa sumusunod na mga batas ang naaayon sa Likas na Batas Moral?
Batas na nagpapalaya sa mga tao sa kanilang moral na obligasyon
Batas na nagpapawalang bisa sa mga kaparusahan ng mga may sala
Batas ng pagkakaroon ng TESDA para sa mga hindi makapagkolehiyo
Batas na pumuprotekta sa pag-aari ng mga naglilingkod sa pamahalaan
