wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO: Tambalang Pangungusap

Total questions: 14

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang PANGATNIG sa pangungusap?

Ang bata ay binuhat ng tatay at maingat siyang inilapag sa kama.

a)

Ang

b)

ay

c)

at

d)

sa

2.

Ano ang PANGATNIG sa pangungusap?

Magbasa ka muna riyan habang nagbibihis ako.

a)

ka

b)

muna

c)

riyan

d)

habang

3.

Anu-ano ang DALAWANG diwa o PAYAK na pangungusap sa sumusunod na tamabalang pangungusap? (2 tamang sagot)

Kumakain na ang karamihan pero ang ilan ay patuloy na nagtatrabaho.

a)

Kumakain na ang karamihan.

b)

Ang karamihan pero ang ilan

c)

Ang ilan ay patuloy na nagtatrabaho.

d)

Patuloy na nagtatrabaho, kumakain na ang karamihan

4.

Anu-ano ang DALAWANG diwa o PAYAK na pangungusap sa sumusunod na tamabalang pangungusap? (2 tamang sagot)

Gusto kitang samahan subalit may miting ako sa opisina.

a)

Samahan subalit may miting

b)

Gusto kitang samahan.

c)

Subalit may miting ako

d)

May miting ako sa opisina.

5.

Anu-ano ang mgga payak na simuno sa pangungusap? (2 tamang sagot)

Ang pangkat mo ay pwedeng magdula-dulaan o mag-ulat kayo sa mga sariwang balita.

a)

pangkat

b)

kayo

c)

magdula-dulaan

d)

mag-ulat

6.

Anu-ano ang mgga payak na panaguri sa pangungusap? (2 tamang sagot)

Tinalian niya ang aso at ito'y ipinasyal niya sa paligid.

a)

ang aso

b)

ito

c)

tinalian

d)

ipinasyal

7.

PAYAK O TAMBALAN:

Si Consuelo ay umaawit habang si Arnel ay tumutugtog ng piyano.

a)

Payak

b)

Tambalan

8.

PAYAK O TAMBALAN:

Naiwan sa paaralan ang bag at lunch box ni Marvin.

a)

Payak

b)

Tambalan

9.

PAYAK O TAMBALAN:

Maagang umuwi at nagpahinga sa silid ang aking mommy.

a)

Payak

b)

Tambalan

10.

PAYAK O TAMBALAN:

Ang mga tin-edyer ay nag-aawitan habang tumatakbo ang kanilang sasakyan.

a)

Payak

b)

Tambalan

11.

PAYAK O TAMBALAN:

Malambing na yumakap sa ina ang bunso.

a)

Payak

b)

Tambalan

12.

PAYAK O TAMBALAN:

Ang mga mag-aaral ay gumawa ng takdang-aralin at nag-aral para sa pagsusulit.

a)

Payak

b)

Tambalan

13.

Gawing tambalan ang sumusunod na mga payak na pangungusap.

Sina Mila at Rommel ay naligo sa ilog at namingwit ng isda.

4 lines
14.

Gawing PAYAK ang sumusunod na mga TAMBALANG pangungusap.

Ang ate ay humiwa ng keyk at ang kuya ay kumuha ng juice.

4 lines