WorksheetsQ2-ESP WW#4
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Nakita mo ang iyong nanay na naghahanda ng almusal. Ano ang maaari mong maitulong upang mapadali ang paghahanda ng inyong almusal?
A. Tutulong ka sa paghahanda ng mesa
B. Tutulong ka sa paghuhugas ng pinggan
C. Tutulong ka sa pagliligpit ng baso
D. Aantayn na matapso ang nanay para kumain ka nalang.
2. Habang kayo ay nagdarasal, nais kang kausapin ng kaibigan mo sa online upang mangamusta. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ko agad ang aking kaibigan
B. Sasabihin ko sa aking kaibigan na mamaya na kami mag-usap dahil nagdadasal pa kami
C. Kakausapin ko nang pabulong ang aking kaibigan upang hindi makaistorbo
D. Hayaan nalang ang kaibigan
3. Paggising mo umiiyal ang kapatid mo habang nagluluto ang iyong annay. Ano ang gagawin mo para tumigil sa kakaiyak ang kapatid mo?
A. Hahayaan ko siya para pansinin ni nanay
B. Bibigyan ko nang makakain upang tumigil na
C. Kakausapin ko nag malumanay para tumahan
D. Sasabihin ko na andiyan lang naman ang nanay kaya tumahan ka na
4. May sakit ang iyong ate. Ikaw lang ang kasama sa bahay. Ano ang gagawin mo pag hihingi siya ng pagkain?
A. Paghintayin muna si ate dahil may ginagawa pa ako
B. Gagawa ako ng paraan ayon sa abot ng aking makakaya
C. Sasabihin ko sa kanya na saglit lang po may ginagawa pa ako
D. Sasabihin ko sa kanya ng mahinahon. Ito na ang iyong pagkain
5. Nasa inyo nakatira ang lola mo na mahina na ang pandinig at medyo malabo na rin ang mata, kinakausap ka. Paano mo siya kakausapin?
A. Lalapitan ko siya at kakausapin ng mahinahon
B. Lakasan ko ang boses ko dahil hindi niya ako maririnig
C. Huwag pansinin ang tawag niya
D. Sasabihan siya na hindi ako ang tinatawag niya
6. Maagang natulog ang iyong tatay dahil pagod siya sa trabaho. May gagawin pa kayo ng ate mo na proyekto. Mababaw lang kung siya ay matulog. Ano ang gagawin niyo upang hindi magising ang tatay?
A. Maglaro malapit sa kinaroroonan ni tatay
B. Gumawa ng malayo sa kinaroroonan ni tatay para matapos agad
C. Mag-usap habang gumagawa
D. Dahan-dahang gumawa at maglaro
7. May pilay ang kuya mo. Ano ang gagawin mo ngayong may inuutos siya sayo?
A. Hindi papansinin ang tawag ni kuya at magpatuloy sa paglalaro
B. Tumigil sa paglalaro at tanungin si kuya kung ano ang kanyang kailangan
C. Susundin ko siya kung ano ang inuutos niya sa akin dahil kuya ko siya
D. Sasabihin ko sa kanya na mamaya nalang dahil naglalaro pa ako
8. Kaarawan ng iyong kuya sa isang linggo. Paano mo maipakikita sa kanya nag iyong pagbati?
A. Babatiin ko siya ng pasigaw
B. Lilinisin ko ang paborito niyang sapatos
C. Bibigyan ko siya ng kendi
D. Sosorpresahin ko siya ng magandang awitin
9. May sakit ang nanay mo kaya hindi siya nakakapaglinis. Ano ang gagawin mo?
A. Magkakalat ako
B. Liligpitin ko ang mga kalat
C. Lilinisan ko lamang ang kwarto ko
D. Hintayin nalang na gumaling si nanay para maglinis
10. May bagong dating kayong kamag-anak. Paano mo siya pakikitunguhan?
A. Kakausapin ko po siya
B. Huwag pansinin kase di mo pa sila kilala
C. Magtago sa loob ng kwarto
D. Titingin nalang sa pag-uusap nila
