wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7, SECOND QT PART 2

Total questions: 50

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ang pangunahing tauhan sa akdang pasalaysay na ito ay may supernatural na katangian.

a)

epiko

b)

maikling kuwento

c)

pabula

d)

kuwentong-bayan

2.

Saang lugar sa Kabisayaan nagmula ang epikong Labaw Donggon?

a)

Bicol

b)

Iloilo

c)

Samar

d)

Bohol

3.

Anong kaugalian ang ipinakita ng magkapatid nang pagtulungan nilang hanapin ang nawawala nilang ama?

a)

Pagmamahal sa magulang

b)

Paggalang sa magulang

c)

. Pagtutulungan ng magkakapatid

d)

lahat ng nabanggit

4.

Anong kapangyarihan ang taglay ni Labaw Donggon?

a)

Pambihirang lakas

b)

Nagbubuga ng apoy

c)

Nakakahinga sa tubig

d)

Nakakalipad tulad ng ibon

5.

Sino ang unang naging asawa ni Labaw Donggon?

a)

Anggoy Doroonan

b)

Nagmalitong Yawa

c)

Buyong

d)

Anggoy Ginbitinan

6.

Siya ang ina ni Labaw Donggon?

a)

Abyang Alunsina

b)

Abyang Alunsin

c)

Abyang Paubari

d)

Abyang Doroonan

7.

Ang nakalaban ni Labaw Donggon nang matagal na panahon at asawa ni Nagmalitong Yawa.

a)

Buyong Saragyan

b)

Buyong Sarang

c)

Buyong Saragnayan

d)

Boyong Saraganayan

8.

Ipinag-utos ni _______________, ang hari ng mga diyos at diyosa na ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga.

a)

Bungot Banwa

b)

Dumalapdap

c)

Kaptan

d)

Buyung Saragnayan

9.

Ang kapatid ni Alunsina na nagbigay ng babala sa kung ano ang plano ng mga nabigong mangingibig nito sa kanilang mag-asawa.

a)

Anggoy Ginbitinan

b)

Nagmalitong Yawa

c)

Anggoy Doronoon

d)

Suklang Malayon

10.

Ang pinagtaguan ng hininga ng asawa ni Nagmalitong Yawa, kailangan diumano itong paslangin para magapi ni Donggon ang kanyang kalaban.

a)

alanghiran

b)

baboy-ramo

c)

bolang kristal

d)

kamangyan

11.

Paano natalo ng magkapatid si Saragnayan?

a)

Natagpuan nila ang tandang na kitataguan ng hininga ni Saragnayan.

b)

Natagpuan nila ang baboy-ramong kinatataguan ng puso ni Saragnayan.

c)

Natagpuan nila ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga ni Saragnayan.

d)

Natagpuan nila ang tandang na kinatataguan ng puso ni Saragnayan.

12.

Ano ang ibinigay ni Abyang Alunsina kay Labaw Donggon bago siya pumunta kay Anggoy Ginbitinan?

a)

lambat na may engkanto

b)

kapa na may mahika

c)

damit na may engkanto

d)

telang may mahika

13.

Ano ang nangyari kay Paruparo at tipaklong pagdating ng tag-ulan?

a)

naging komportable sa kanyang tirahan

b)

kumanta ng kumanta at naglaro

c)

nanlamig at nagutom

d)

namatay at dinagit ng ibon

14.

Ano naman ang nangyari kay langgam sa panahon ng taglamig?

a)

nagutom

b)

naging komportable at matahimik

c)

naging komportable siya sa kanyang tahanan at hindi nagutom

d)

naging kaawa awa

15.

Ano ang aral na napulot mo sa pabulang Si Paruparo at Si Langgam?

a)

huwag mag-alala sa mga darating na panahon

b)

laging maging masaya at maglibang

c)

laging maging handa at mag-ipon

d)

WAla sa nabanggit

16.

Uri ng paghahambing na ginagamit kung ang dalawang paghahambing ay may magkaparehong katangian.

a)

magkatulad

b)

di magkatulad

c)

palamang

d)

pasahol

17.

Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian.

a)

paghahambing

b)

Paghahambing na Magkatulad

c)

Palamang

d)

Paghahambing na Di- magkatulad

18.

Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.

a)

paghahambing

b)

paghahambing na magkatulad

c)

paghahambing na di magkatulad

d)

palamang

19.

Punan ng wastong pang-uring pahambing ang pangungusap.

___ mahusay si Carlo kaysa kay Jay pagdating sa pagsayaw.

a)

Higit na

b)

Magkatulad na

20.

Punan ng wastong pang-uring pahambing ang pangungusap.

Maraming humahanga kina Jean at Rose dahil ___ sila magaganda.

a)

mas

b)

kapwa

21.

Punan ng wastong pang-uring pahambing ang pangungusap.

___ mahaba ang buhok ni Hanah kaysa kay Jessa.

a)

Mas

b)

Kapwa

22.

Punan ng wastong pang-uring pahambing ang pangungusap.

__ na sikat sa kanilang paaralan si Jake kaysa kay Manuel.

a)

Pareho

b)

Di hamak

23.

Punan ng wastong pang-uring pahambing ang pangungusap.

___ nakatatakot ang negatibong epekto ng telebisyon at internet sa kabataan ngayon.

a)

Parehong

b)

Higit

24.

Punan ng wastong pang-uring pahambing ang pangungusap.

___ na ni Jim ang kanyang ama na isang basketbolista.

a)

Mas matangkad

b)

Kasintangkad

25.

Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap.

Higit na maganda ang lugar ng Guibaysayi kaysa sa Baysay.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

26.

Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap.

Ang mga awiting-bayan mula sa Kabisayaan ay masarap pakinggan.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

27.

Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap.

Si Mildred ang pinakamabait sa magkakapatid.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

28.

Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap.

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

29.

Tukuyin kung anong kaantasan ng pang-uri ang ginamit sa pangungusap.

Di gasinong malakas ang naramdamang lindol kahapon kung ikukumpara sa nakaraang lindol.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

30.

Ito ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan at panghalip.

a)

Pandiwa

b)

Pang-uri

c)

Pang-ugnay

d)

pang-abay

31.

MAGKASING-TABA ang dalawang magkapatid. Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap?

a)

magkatulad

b)

di magkatulad

32.

Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap?

MAGKA KULAY ng damit si Piona at Piolo.

a)

magkatulad

b)

di - magkatulad

33.

Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap?

MAS TAHIMIK si Shawn kaysa kay Luis.

a)

magkatulad

b)

di magkatulad

34.

Lalong malamig ngayon kaysa noong nakaraang taon. Anong uri ng pahambing ang ginamit sa pangungusap?

a)

magkatulad

b)

di magkatulad

35.

Ang pahambing na ___________ay kulang sa katangian. Ginagamitan ito ng salitang di gasino, di gaano, mas, hamak, lalo at iba pa.

a)

pasahol

b)

palamang

36.

Ang pahambing na ___________ay nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambingan.

a)

pasahol

b)

palamang

37.

Nagulat man ang dalawang asawa sa sinabi ni Labaw Donggon na gusto niyang pakasalan ang asawa ni Saragnayan ay pumayag na din sila ____________ mahal na mahal nila ang kanilang asawa.

a)

at

b)

ngunit

c)

sapagkat

d)

dahil sa

e)

para sa

38.

Masayang-masaya si Labaw nang naibalik ang kaniyang lakas __________ sigla ng isip, ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

a)

at

b)

ngunit

c)

sapagkat

d)

dahil sa

e)

para sa

39.

Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa nawawalang ama __________ ang mga kapatid ni Labaw Donggon ay tumulong na din sa paghahanap.

a)

at

b)

ngunit

c)

sapagkat

d)

dahil sa

e)

gayundin

40.

Nagkita ang magkapatid, nagdesisyon silang magsabay na lamang ____________ paghahanap sa ama.

a)

at

b)

ngunit

c)

sapagkat

d)

dahil sa

e)

para sa

41.

Binayo ng binayo ni Labaw Donggon si Buyung Saragnayan ng matitigas na puno __________ nalasog lamang ang mga ito.

a)

at

b)

ngunit

c)

sapagkat

d)

dahil sa

e)

para sa

42.

Bagaman may banta ng pandemya, positibo nating haharapin ang bagong normal ng may kahabagan, sensibilidad, at pagiging makabayan upang ang paraan ng pag-aaral ay hindi maging isang pasanin para sa ating mga magulang, mga anak at guro ngunit isang pag-asa sa gitna ng krisis. Alin ang panandang pandiskurso sa pangungusap.

a)

bagaman

b)

positibo

c)

makabayan

d)

krisis

43.

Samantala, inihanda ang mga learning delivery option na ito na angkop sa social distancing at limitadong internet access ng mga guro at mag-aaral. Ano ang panandang pandiskursong ginamit sa pangungusap?

a)

learning delivery option

b)

limitado

c)

samantala

d)

mag-aaral

44.

Sa kabila ng mga hamon na tatahakin, sisiguraduhin natin na magkakaroon ng balanse sa pagitan ng pagbibigay ng kalidad ng edukasyon at pag-aaruga ng sa bawat isa.​ Ano ang panandang pandiskurso na ginamit sa pangungusap?

a)

hamon

b)

sa kabila ng

c)

tatahakin

d)

pag-aaruga

45.

Tukuyin kung ano ang gamit ng may salungguhit na salita.


Hindi ako sang-ayon sa nangyari. Para sa akin, hindi maganda ang naging wakas ng kwento.

a)

Paraan ng pagkakabuo

b)

Naghuhudyat ng pananaw ng may-akda

c)

Naghuhudyat ng pagkakasuno-sunod ng pangyayari

46.

Tukuyin kung ano ang gamit ng may salungguhit na salita.


Kung tutuusin, napakaganda ng kanyang sagot. Masyado lamang itong pasikot-sikot.

a)

Paraan ng pagkakabuo ng diskurso

b)

Naghuhudyat ng pananaw ng may-akda

c)

Naghuhudyat ng pagkakasuno-sunod ng pangyayari

47.

Sa tingin ko ang mga Pilipino ay may matibay na pananampalataya sa Diyos. Alin sa pangungusap ang nagtataglay ng panandang pandiskurso?

a)

Sa tingin ko

b)

Matibay na

c)

ay may

d)

sa Diyos

48.

Sa kabuoan, lubos na naghinagpis si Gilgamesh sa sinapit ng buhay ni Enkido kaya naman ipinagluksa niya ito nang husto. Anong gamit ng panandang diskurso sa salitang nakasalungguhit.

a)

Pagbibigay pokus

b)

Sa pagwawakas

c)

Paglalahat

49.

Iba’t ibang pakikipagsapalaran ang ginawa nina Gilgamesh at Enkido gaya ng pagpatag sa kagubatan, pagpaslang sa halimaw at paggapi sa toro ng diyosa. Anong gamit ng panandang diskurso sa salitag nakasalungguhit?

a)

Pagbabagong lahad

b)

Paghahalimbawa

c)

Pagbibigay Pokus

50.

Magiging maayos ang sistema ng edukasyon _______________ palaging sinasanay ang mga guro sa makabagong kaalaman.

a)

sakaling

b)

samantalang

c)

kung

d)

at saka