WorksheetsSummative Test in AP 5
Total questions: 30
Worksheet time: 2hrs 30mins
Ito ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
Nasyonalismo
Kolonyalismo
Paglalayag
Pananakop
Siya ang nakatuklas ng ruta patungong Silangan at natunton niya ang Pilipinas.
Ferdinand Magellan
Miguel Lopez de Legazpi
Haring Carlos V
Wala sa nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas MALIBAN SA ISA.
Kristiyanismo
Kayamanan
Karangalan
Kaibigan
Ano ang ibinigay na Pangalan ni Ruy Lopez de Villalobos sa Pilipinas?
De Las Alas Pilipinas
Viva Pilipinas
Las Islas Filipinas
Mabuhay Filipinas
Tinatawag na _____________ ang lugar o bansang na tuwirang kinontrol at sinakop ng Espanya.
Bayan
Isla
Bansa
Kolonya
Ito ay mula sa salitang Espanyol na reducer na nangangahulugang “paliitin ang bilang”.
Reduccion
Krus
Espada
Entrada
Ito ay ang pagpasok ng puwersang military sa mga pamayanang hindi kinikilala ang kapangyarihan ng Espanya.
Reduccion
Krus
Espada
Entrada
Sinisimbolo nito ang pagsisikap ng mga kaparian na masakop ang kaisipan at kalooban ng mga katutubo.
Reduccion
Krus
Espada
Entrada
Ito ay sumisimbolo sa lakas military ng mga conquistador.
Reduccion
Krus
Espada
Entrada
Pinagsamang salitang tagalog na pulong na nangangahulugang “pagsama-sama” at ang salitang Espanyol na servicio na nangangahulugang “paglilingkod”.
Repartimiento
Polos Y Servicios
Falla
Entrada
Ito ay isang sistema sa paglilingkod ng mga katutubo sa mga bukirin , minahan, obrajes, at mga pampublikong proyekto ng isang indibidwal o pamahalaan.
Repartimiento
Polos Y Servicios
Falla
Entrada
Salaping ibinabayad sa mga hindi makakapaglingkod sa polos y servicios.
Repartimiento
Polos Y Servicios
Falla
Entrada
Nagsisilbing sentro ng bayan at tahanan ng malaking bilang ng populasyon.
Poblacion
Sitio
Barrio
Bayan
Tawag sa taong ginawaran ng encomienda.
Cabeza de barangay
Encomiendero
Gobernador Heneral
Prayle
Tawag sa teritoryong ipinagkatiwala sa conquistador.
Tributo
Cedula
Kolonya
Encomienda
Tawag sa kapirasong papel na tinanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayd ng buwis?
Tributo
Cedula
Kolonya
Encomienda
Ano ang tawag sa sapilitang pagbili ng mga Espanyol ng mga ani ng mga katutubo sa murang halaga.
Tributo
Cedula
Bandala
Encomienda
Ano ang tawag sa kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Mexico na tumagal mula 1565 hanggang 1815
Kalakalang Pilipinas
Kalakalang Mexico
Kalakalang Espanya
Kalakalang Galyon
Siya ang kauna-unahang Gobernador Heneral sa Pilipinas.
Miguel Lopez de Legazpi
Ruy Lopez de Villalubos
Ferdinand Magellan
Domingo de Salazar
Ano ang tawag sa pagmimisyon ng mga prayle?
Nasyonalisasyon
Kristiyanisasyon
Karapatan
Krus
Ang lahat ng pakikitungo ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino ay maayos at mapagkalinga.
TAMA
MALI
Ang mga pag-aalsa ay nagpapatunay na tanggap ng mga katutubo ang pamamahala ng Espanya sa kapuluan.
TAMA
MALI
Upang mahikayat ang mga Pilipino na tanggapin ang Kristiyanismo may mga katutubong paniniwala na ipinagpatuloy at tinanggap ng mga prayle.
TAMA
MALI
Magiliw na tinanggap ng lahat ng Pilipino ang mga mananakop na Espanyol.
TAMA
MALI
Ang mga pag-aalsang naganap ay bunsod ng kahirapan at walang anumang kaugnayan sa mga relihiyon.
TAMA
MALI
Malaki ang naging epekto ng mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa mga katutubo.
TAMA
MALI
Natupad ang maraming pangako ng mga Espanyol sa ating mga ninuno kya gumanda ang kanilang mga buhay.
TAMA
MALI
naging sanhi ng talamak na korupsiyon sa gobyerno noon ang kalakalang galyon.
TAMA
MALI
Sa pag-alis at pagdating ng galyon , malaki at mahalaga ang tulong na nagawa nito sa kabuhayan ng mga tao.
TAMA
MALI
Sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas napansin nila agad na karamihan sa mga katutubo ay nakatira malapit sa ilog, sapa o dagat.
TAMA
MALI
