NEW
Font size
WorksheetsEPP4 REVIEWER (1stQ)
Total questions: 25
Worksheet time: 8mins
Maglilinis ka ng inyong silid-tulugan, ano ang gagamitin mong gamit upang maalis ang mga dumi at alikabok sa sahig?
a. Pandakot at feather duster
b. Walis tambo at pandakot
c. Walis tingting at basahan
d. Walis tingting at pandakot
Itinalaga sa iyo ang paglinis ng inyong sala. Gusto ng Mommy mo na maging makintab ang sahig na tiles nito, anong gamit ang iyong gagamitin?
a. Bunot
b. Floor mop
c. Floor polisher
d. Vacuum cleaner
Alin ang HINDI mabuting naidudulot kapag ang tahanan ay malinis at maayos?
a. Ang bahay ay kasiya-siyang tirahan.
b. Maaliwalas at magandang tingnan ang bahay.
c. Ang mga kapitbahay ay mahihiyang pumasok.
d. Makakaiwas sa sakit ang mag-anak.
Anong pangkat ng pagkain ang tagapagbuo ng katawan na mayaman sa protina?
a. Go Food
b. Grow Food
c. Glow Food
d. Lahat ng nabanggit
Anong pangkat ng pagkain ang nagbibigay lakas at init sa ating katawan?
a. Go Food
b. Grow Food
c. Glow Food
d. Lahat ng nabanggit
Anong sangkap ng pagkain mayaman ang Glow Food?
a. Protina
b. Calories
c. Carbohydrates
d. Bitamina at minerals
Alin sa mga sumusunod na pagkain ang HINDI kasama sa GO FOOD?
a. Kanin
b. Tinapay
c. Minatamis
d. Pritong Manok
Ang mga prutas na citrus mula sa mga prutas at maberdeng gulay ay sagana sa ______.
A. Bitamina D
B. Bitamina C
C. Bitamina B2
D. Bitamina A
Ang bumubuo ng mga sustansiyang tinatawag na amino acids?
A. Carbohydrates
B. Protina
C. Bitamina
D. Mineral
Ano ang tawag sa bitaminang nagmumula sa sikat ng araw?
A. Bitamina A
B. Bitamina B1
C. Bitamina C
D. Bitamina D
Ang tumutulong sa pagpapanatiling malusog ang mga ngipin at buto ay ang ____.
A. Calcium
B. Phosphorus
C. Iron
D. Iodine
Ang pagluluto ng pagkain tulad ng baboy at manok sa tuwirang init ng baga ay tinatawag na __.
A. Paghuhurno
B. Pagpiprito
C. Pag-iihaw
D. Paggigisa
Ano ang tawag sa pag-aalis ng balat ng prutas o gulay gamit lamang ang kamay?
A. Pagbabalat
B. Pagtatalop
C. Paghihiwa
D. Pagtatadtad
Anong kagamitan na dapat gamitin sa pagkuha ng katas ng niyog?
A. Kolander
B. Gadgaran
C. Almires
D. Sangkalan
Ang pagluluto na mga gulay gamit ang kaunting mantika ay tintatawag na ___.
A. Paghuhurno
B. Pagpiprito
C. Pag-iihaw
D. Paggigisa
Anong kagamitan ang dapat gamitin sa pagdidikdik ng paminta?
A. Sangkalan
B. Kolander
C. Gadgaran
D. Almires
Tukuyin ang paraan ng pagluluto ng cake/keyk.
A. Paghuhurno
B. Pagpiprito
C. Paglalaga
D. Paggigisa
Sinusunog ng iyong kapatid ang mga basura sa inyong bakuran, ano ang iyong sasabihin?
A. Sasabihin kong isusumbong ko siya sa mga pulis.
B. Sasabihin kong huwag magsunog dahil bawal ito.
C. Sasabihan kong tama lang ang kanyang ginagawa.
D. Sasabihan kong sunugin niya ito sa kapitbahay.
Ano ang maaari mong maitulong upang mabawasan ang mga basurang itinatapon?
A. Bumili ng maraming supot upang paglagyan ng basura.
B. Gumamit ng mga recycled na bagay.
C. Kumain sa mga fastfood chain na gumagamit ng styro.
D. Huwag sundin ang batas ukol sa paghihiwalay ng mga basura.
Nais ni Aling Cora na maging kaakit-akit ang kanyang inihandang pagkain sa kanyang mga anak upang ito ay gaganahang kumain. Ano ang kanyang gagawin?
A. Piliting kumain ang kanyang mga anak
B. Tabangan ang templa
C. Gawing makulay at kaaya-aya ang ihahandang pagkain
D. Gawing maanghang ang ulam
Ang inihandang pagkain ay maaring malamig o mainit. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang masarap kainin kung mainit ang panahon?
A. Tinolang manok
B. Nilagang baka
C. Mami
D. Fruit Salad
Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga sa damit maliban sa:
A. ihanger ang mga malinis na damit panlakad
B. punasan ang mga uupuang lugar bago umupo
C. pabayaan ang mantsa na dumikit sa damit
D. pahanginan ang mga damit na basa ng pawis
Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?
A. upang ikaw ay kaaya-ayang tingnan
B. upang mapanatili ang kagandahan ng kasuotan
C. upang mapakinabangan ito sa loob ng mahabang panahon
D. lahat ay tama
Ang pagkukumpuni ng damit na ginawa natin sa EPP4 ay ang ___.
A. Paglalaba
B. Pamamalantsa
C. Paggupit ng mga himulmol
D. Pagkakabit ng natanggal na butones
Bakit mahalagang mapananatili nating malinis at maayos ang ating sarili?
A. Tayo ay nakatutuwang pagmasdan.
B. Maraming tao ang humahanga sa atin
C. Nagkakaroon tayo ng kompiyansa sa sarili
D. Lahat na nabanggit
