wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 4 Summative Test

Total questions: 25

Worksheet time: 2hrs 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay kagandahang asal na nararamdaman o ipinapakita sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin.

a)

Paggalang

b)

Ideya

c)

Suhestiyon

d)

Kapwa

2.

Ito ay tumutukoy sa lahat ng tao sa iyong paligid.

a)

Paggalang

b)

Ideya

c)

Suhestiyon

d)

Kapwa

3.

Ito ay kilos ng pagbibigay ng halimbawa o panukala.

a)

Paggalang

b)

Ideya

c)

Suhestiyon

d)

Kapwa

4.

Ito ay mga bagay bagay na binuo o inilalarawan sa isip.

a)

Paggalang

b)

Ideya

c)

Suhestiyon

d)

Kapwa

5.

Pinuri ka ng iyong guro dahil sa mahusay mong pag-awit. Ano ang sasabihin mo?

a)

Talaga naming magaling ako.

b)

Marami pong Salamat.

c)

Wala yon.

d)

Walang makakatalo sa galling ko.

6.

Ano ang isa sa pinakamagandang kaugalian ng mga Pilipino?

a)

Pagiging madamot

b)

Pagiging Matulungin

c)

Pagiging Makasarili

d)

Pagiging Sakim

7.

Kanino mo dapat ipagbigay alam ang pangyayari tulad ng binubulas ( bullying) sa loob ng paaralan?

a)

Pulis

b)

Nars

c)

kapitan ng Barangay

d)

Guro

8.

Kanino mo dapat ipagbigay alam ang pangyayari tulad ng pagnanakaw o panghoholdap?

a)

Pulis

b)

Nars

c)

kapitan ng Barangay

d)

Guro

9.

Ano ang tawag sa mga taong nagmula sa ibang bansa?

a)

Katutubo

b)

Dayuhan

c)

Kapitbahay

d)

Kaibigan

10.

Ano ang tawag sa mga taong nagmula naman sa malalalayong bayan o lugar sa ating bansa?

a)

Katutubo

b)

Dayuhan

c)

Kapitbahay

d)

Kaibigan

11.

Nakita mong namimilipit sa sakit ng tiyan ang iyong kaklase. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi ko siya papansinin.

b)

Pagtatawanan ko siya.

c)

Sasabihin ko sa aming guro na masakit ang tiyan ng kaklase ko.

d)

Hindi ko siya papansinin dahil lagi niya akong inaaway.

12.

Nanonod ng balita ang kuya mo sa telebisyon tungkol sa lindol sa ibang bansa. Nagkataon na may report ka sa klase tungkol sa balitang napakinggan o napanood mo. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Makikinood upang may maitalakay sa klase.

b)

Manonood pero ayokong italakay sa klase.

c)

Hindi ko papansinin ang balita.

d)

Matutulog na lang ako.

13.

Ang iyong guro ay may kausap na magulang ngunit may gusto kang iparating na mahalagang bagay sa kanya. Ano ang gagawin mo?

a)

Makikinig sa usapan ng guro at magulang.

b)

Makikisali sa usapan nila.

c)

Hihintayin munang matapos ang pag-uusap ng guro at magulang.

d)

Patitigilin ko sila sa kanilang pag-uusap.

14.

May nakita kang umiiyak na bata kasi siya ay nawawala. Ano ang maaari mong maitulong sa kanya maliban sa isa?

a)

Dadalhin ko siya sa barangay para matulungan siya.

b)

Tatanungin ko siya kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira

c)

Hindi ko siya papansinin.

d)

Tutulungan ko siyang makabalik siya sa kanyang pamilya.

15.

Bakit kailangang igalang ang kapwa?

a)

Para mapanatili ang mapayapang pamayanan

b)

Para igalang ka din ng kapwa

c)

Para walang magalit sa iyo

d)

Para masaya ang lahat

16.

Ang nararapat na tumupad lamang sa kanilang mga pangako ay ang mga nakakatanda  sapagkat mas marami na silang karanasan.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Ang pagtupad sa pangako o pinagkasunduan ay tanda ng pagiging responsableng tao sapagkat ginagawa niya ang kanyang sinasabi.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Maituturing na “May isang salita” ang taong tumutupad sa kanyang ipinangako o pinagkasunduan.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Dapat na mag-iisip muna ng ilang ulit bago magbigay ng pangako sapagkat ang pagtupad sa pangako ay tanda ng pagpapanatili ng mabuting ugnayan o pakikipagkaibigan.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Taos pusong humihingi ng paumanhin kapag ang pangakong binitawan ay hindi natupad sapagkat mayroong hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit, aksidente o biglaang personal na problema sa pamilya o paaralan.

a)

Tama

b)

Mali

21.

Ang pagbibigay ng pangako sa isang tao ay may katumbas na pananagutan.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Ang mga simpleng bagay na ipinangako sa isang kaibigan ay maaaring hindi tuparin lalo na kung hindi rin naman niya tinutupad ang mga ipinangako niya sayo.

a)

Tama

b)

Mali

23.

Sikaping tuparin ang mga ipinangako o pinagkasunduan sapagkat ito ay larawan ng katapatan hindi lamang sa kapwa maging sarili.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Tanda ng pagkakaroon ng mabuting pagkatao o karakter ang pagtupad sa pangako o pinagkasunduan.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Hindi kailanman mababawasan ang tiwala ng tao sa kaniyang kapwa kahit hindi nito tuparin ang kanyang pangako.

a)

Tama

b)

Mali