wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2024-Q2-AP8

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang mga kabihasnan sa Europa?

a)

Olmec, Maya, Aztec, Inca 

b)

Kush, Ghana, Mali, Songhai  

c)

Minoan, Mycenaean, Gresya, Romano

d)

Melanesia, Polynesia, Micronesia, Euroasia

2.

Ano ang pangunahing dahilan sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Minoan?

 

a)

Sagana sila sa yamang gubat.

b)

May matabang lupain ang kanilang lugar.   

c)

Magagaling sila na manlalayag

d)

Sagana ito sa yamang likas at may masiglang kalakalan.

3.

Sa sinaunang Greece nakilala ang dalawang magkaribal na lungsod-estado, ang Athens at Sparta. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa Sparta?

a)

May mga kilalang pilosopo rin ang lungsod-estado

b)

Nakadepende sa pakikipagkalakalan ang ekonomiya ng estado.

c)

Nagkaroon din ng pagawaan ng barko dahil malapit ito sa dagat.

d)

Nakasentro sa pagsasanay pangmilitar ang lungsod-estado

4.

Ano ang naging bunga ng pagbagsak ng kabihasnang Mycenaean sa Greece?

a)

Lumakas ang imperyong Greek.    

b)

Humina ang kabihasnang Greek.

c)

Nagpatuloy ang pag-unlad ng Greece.

d)

Naranasan nito ang Dark Ages o ang Panahon ng Karimlan.

5.

Ang Digmaang Peloponnesian ay labanan sa pagitan ng dalawang kilalang lungsod-estado noong panahon ng sinaunang Greece, ang Athens at Sparta. Alin sa sumusunod ang naging pangunahing dahilan ng kanilang digmaan?

a)

Sinalakay ng Athens ang Sparta na siyang ikinatalo ng huli.

b)

Nagkaroon ng pag-aagawan ang dalawang lungsod-estado sa pamumuno sa rehiyon.

c)

Nais ng dalawang estado na   makamkam ang mga kayamanan ng kalabang estado

d)

Nais ng Sparta na makontrol ang mga      nakikipagkalakalan sa buong Dagat   Mediterranean

6.

Alin sa sumusunod na kaganapan ang naging epekto ng Digmaang Peloponnesian sa Greece?

 

a)

Nasakop ng Sparta ang Thebes..

b)

Nasakop ng Macedonia ang Greece

c)

Umunlad ang astronomiya ng Greece.

d)

Naranasan ng Greece ang Ginintuang Panahon

7.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nauugnay sa Kabihasnang Gresya maliban sa

  

a)

Athens ang may pinakamalaking populasyon at naging sentro ng demokrasya

b)

May ginintuang panahon sa pangunguna ni Pericles

c)

May mga mahuhusay na mandirigmang Sparta

d)

Monarkiya ang sistema ng kanilang pamahalaan

8.

Sino sa sumusunod ang hindi kabilang sa First Triumvirate?

a)

 Julius Caesar  

b)

Pompey

c)

Octavian

d)

Crassus

9.

Ang mga sumusunod na pangungusap ay nauugnay sa Kabihasnang Romano maliban sa ____________.   

a)

Etruscan ang pinakaunang pangkat ng tao sa Italya

b)

Plebeians katawagan sa mga maharlika ng lipunang Romano

c)

   Ang kambal na nagtatag ng Rome ayon isang matandang alamat ay sina Remus at Romulus

d)

Ang Roma ang kabisera ng Italya

10.

  Ano ang katawagan sa Panahon ng Kapayapaan sa Rome?

a)

Pax Mongolica 

b)

Pax Romana  

c)

Independence Day

d)

Peace Day

11.

Alin sa sumusunod ang hindi totoo tungkol kay Julius Caesar?

a)

Itinatag niya ang Republikang Romano.

b)

Hinirang siyang diktador panghabangbuhay.

c)

Bilang kasapi ng unang Triumvirate, napalawak niya ang hangganan ng Rome.

d)

Sa pagtawid niya sa ilog ng Rubicon natanyag ang katagang “passing a point of no return".

12.

Bakit mahalaga sa Rome ang pagkapanalo sa Digmaang Punic o Carthaginian War laban sa Carthage?

a

a)

Naisakatuparan ang pananakop sa iba pang karatig-bansa

b)

Napagpasyahan nila kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.

c)

Naging sentro ng kalakalan at kabihasnan ang bansang mananalo.

d)

Nagkaroon ng kalayaan ang mga Phoenicians laban sa mga Romans.

13.

Bakit itinuring na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Romano?

   

a)

Naging malawak ang kapangyarihan ng mga Romano.

b)

Nagsilbing modelo ang mga Romano sa mga Griyego sa kanilang kabihasnan.

c)

Ang sibilisasyong Romano ang naging daan sa pagbuo ng iba pang kabihasnan.

d)

Nakapag-ambag sila sa modernong wika, teknolohiya, batas, politika, gobyerno, arkitektura, inhinyeriya, at iba pa.

14.

Aling posisyon sa sistemang pulitikal ng mga Romano ang puwedeng mag-veto o hindi tanggapin ang anumang desisyon ng consul?

a)

  Consul  

b)

Senate 

c)

Tribune

d)

Assembly of Tribe

15.

   Sinong emperador ang kinilala bilang Augustus Caesar at kauna-unahang emperador ng Kabihasnang Romano ?

a)

Nerva

b)

Octavian

c)

Tiberius

d)

Caligula

16.

Ano ang tawag sa mga karaniwang tao sa lipunang Romano?

a)

Patricians

b)

Plebeians

c)

Noble

d)

Imperial Family

17.

Sino ang dakilang heneral na Carthaginian?

a)

Homer

b)

Scipio Africanus

c)

Hannibal

d)

Marcus Porcius

18.

Alin sa sumusunod ang katawagan sa sentro ng Lungsod ng Rome?

a)

Agora

b)

Forum

c)

Polis

d)

Basilica

19.

  Bakit nabuo ang Second Triumvirate ?

a)

Dahil natapos na ang termino ni Julius Caezar

b)

Dahil nasakop ng Gresya ang Romano

c)

Dahil gusto nila ipaghiganti ang pagkamatay ni Julius Caezar

d)

Dahil gusto nila na sila naman ang mamuno sa Roma

20.

Alin sa mga sumusunod ang mga kabihasnan sa Africa?

a)

Maya, Aztec, Inca

b)

Ghana, Mali, Songhai  

c)

Minoan, Mycenaean, Gresya, Romano

d)

Melanesia, Polynesia, Micronesia, Euroasia

21.

  Alin sa mga pagpipilian ang tama ang paglalarawan?

a)

Ang Oasis ay isang malawak at madamong lupain sa Aprika.

b)

Ang paggawa ng mga barko ang pangunahing pinagmulan ng yaman ng  kaharian ng Ghana.

c)

Nilusob ng bansang Turkey ang Songhai na naging dahilan ng  pagbagsak ng kaharian nito

d)

Ang Ehipto ang kauna-unahang at pinakamaimpluwensyang  sibilisasyon na naganap sa Aprika

22.

Aling kontinente ang tinawag na Dark Continent  noon dahil kakaunti lamang ang impormasyon tungkol dito?

a)

Asya 

b)

America

c)

Africa

d)

Australya

23.

Sino ang hari ng Imperyong Mali kung saan naging bantog dahil sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan kung saan nagpatayo siya ng pook dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo?

a)

Mansa Musa     

b)

Sundiata Keita

c)

Djenne

d)

Maya.

24.

Ano ang kaugnayan ng heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-unlad ng kanilang nasasakupan?

a)

Umunlad ang pagsasaka dahil napalilibutan sila ng mga anyong tubig.

b)

Ang disyerto ng Sahara ay nakatulong upang madaling masakop ang mga kaharian.

c)

Ang disyerto ang nagsilbing tagapamagitan ng kalakalan ng ginto at iba pang produkto.

d)

Ang lokasyon ay nakatulong upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa mga banta ng mga mananakop.

25.

Ano ang mahalagang produkto ang nagpaunlad sa Africa?

a)

bigas at mais 

b)

baka at baboy

c)

ginto at asin

d)

bato at bakal

26.

Alin sa mga sumusunod ang mga kabihasnan sa America?

   

 

a)

Maya, Aztec, Inca

b)

Minoan, Mycenaean, Gresya, Romano

c)

Ghana, Mali, Songhai

d)

Melanesia, Polynesia, Micronesia, Euroasia

27.

   Alin sa sumusunod ang mga dahilan ng pagbagsak o pag-abandona ng mga Maya sa kanilang lugar noong ikawalong siglo CE?

    I.  pagkasira ng kalikasan                       II.  patuloy na digmaan

          III.  pagputok ng bulkan              IV.  pagbagsak ng produksyon ng pagkain

 

      

a)

I, II at III

b)

I, II at IV

c)

II, III at IV

d)

I, III at IV

28.

Sa pagdating ni Hernando Cortez sa Mesoamerica noong taong 1519, ano ang idinulot nito sa kabihasnang Aztec?

a)

Ito ay nagbigay-wakas sa kulturang Aztecs.

b)

Nakipagdigmaan sila sa mga katutubong Inca kung saan nanaig ang mga katutubong pinuno.

c)

Nagkaroon ng epidemya sa lupain kung saan maraming namatay

d)

Lumaki ang kanilang populasyon dahil sa pag-aasawahan ng mga Kastila at mga katutubo.

29.

Ang salitamg Inca ay nangangahulugang __________.

             

a)

Pinuno o hari  

b)

Imperyo

c)

Kaharian

d)

Pangkat-etniko

30.

Kabihasnang Aztec: Floating Garden ; Kabihasnang Maya:__________

a)

Tulay

b)

Pyramid

c)

Aqueduct

d)

Kalsadang bato

31.

Sino ang kastilang manakop sa Inca noong 1532?

a)

Francisco Pizzaro

b)

Hernando Cortes

c)

Sebastian del Cano

d)

Miguel Lopes de Legaspi

32.

Alin sa mga pamimilian ang kahulugan ng ng salitang "Mela" sa Melanesia?

a)

Maitim

b)

Mahaba

c)

Marami

d)

Maliit

33.
  1. Alin sa pamimilian ang kasingkahulugan ng salitang "Poly" sa Polynesia?

a)
  1. Marami

b)
  1. Mahaba

c)
  1. Maitim

d)
  1. Maliit

34.

Ang Micronesia ay nangangahulugan na ito ay:

a)
  1. malaking pulo

b)
  1. pulo ng maiitim na tao

c)
  1. maraming pulo

d)
  1. maliliit na pulo

35.
  1. Saang isla sa Karagatang Pasipiko tinataya na nagkaroon ng unang tao?

a)
  1. Papua New Guinea

b)
  1. New Zealand

c)
  1. Fiji

d)
  1. Australya

36.
  1. Saang isla matatagpuan ang maraming lahi ng Dolphins at Whales?

a)
  1. Papua New Guinea

b)
  1. New Zealand

c)
  1. Fiji

d)
  1. Australya

37.
  1. Anong daan ang ginawa ng mga Romano na nag-uugnay sa Rome at timog Italy?

a)
  1. Appian Way

b)
  1. Royal Road

c)
  1. Silk Road

d)
  1. Stone Way

38.
  1. Ano-ano ang mga pamana ng Klasikal naKabihasnang Romano?

a)
  1. maskarang ginto, boxing, barko

b)
  1. aqueduct, coliseum, nasusulat na mga batas

c)
  1. piramide, demokrasya , water sewerage

d)
  1. gulong, lapis, papel

39.
  1.   Sino ang tinaguriang Ama ng Kasaysayan?

a)
  1. Herodotus

b)
  1. Plato

c)
  1. Sophocles

d)
  1. Aristotle

40.
  1. Sina Solon, Pisistratus, Cleisthenes at Pericles ay nagpalaganap ng ___________________.

a)
  1. Astronomiya

b)
  1. Demokrasya

c)
  1. Medisina

d)
  1. Agrikultura

41.
  1. Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang ________.

a)
  1. Cross

b)
  1. Serf

c)
  1. Vassal

d)
  1. bell

42.
  1.   Isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ano ito?

a)
  1. Kabalyero 

b)
  1. Lambak

c)
  1. Vassal

d)
  1. Krusada

43.
  1.  Sa Panahong Medieval, isa sa mga mahahalagang pangyayari ay ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ay ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan?

a)

Papa ang kasalukuyang tawag sa Ama ng mga Kristiyano.

b)

Ang kapangyarihang politikal ng Vatican ay nasa kamay lamang ng Papa.

c)

Sinasaklaw nito ang mga tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.

d)

Ang malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval ay sinisimbolo ng Kapapahan.

44.
  1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa kalagayan ng mga serf sa panahon ng Piyudalismo sa Europe?

     

                 I. Nakatira sila sa maliliit at maruruming silid.            II. May tinatamasa silang karapatan at kalayaan.

               III. Wala silang pagkakataon na umangat sa buhay.       IV. Makakapag-asawa lamang sila sa pahintulot ng lord.

     

    a)    

a)
  1. I, III at IV

b)
  1. I, II at IV

c)
  1. I, II at III

d)
  1. I, II, III at IV

45.
  1. Sa Panahong Medieval, isa sa mga mahahalagang pangyayari ay ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Isang bahagi nito ay ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan?

a)
  1. Papa ang kasalukuyang tawag sa Ama ng mga Kristiyano.

b)
  1. Ang malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval ay sinisimbolo ng Kapapahan.

c)
  1. Ang kapangyarihang politikal ng Vatican ay nasa kamay lamang ng Papa.

d)
  1. Sinasaklaw nito ang mga tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihan ng Simbahang Katoliko.

46.
  1. Ano ang isang sistemang pamamalakad ng lupain kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ay ibinahagi sa vassal?

a)
  1. Manoryalismo

b)
  1. Pyudalismo

c)
  1. Republic

d)
  1. Democratic

47.
  1. Ano ang isang seremonya kung saan nangangako ang vassal ng kaniyang katapatan sa panginoong may lupa?

a)
  1. Fief 

b)
  1. Act of Homage

c)
  1. Pyudalismo

d)
  1. Chivalry

48.
  1. Ang guild system ay itinatag noong ika-14 hanggang ika-15 na siglo sa Europe.  Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa guild system noong Gitnang Panahon?

a)

Napaunlad nito ang agrikultura sa mga bayan.

b)

Napalawak ang sistemang piyudal sa mga bayan.

c)

Naitatag ang samahan ng mga nagtatrabaho na may magkakatulad na hanapbuhay.

d)

Naipalaganap ang samahan ng mga mangangalakal sa mga pamilihang bayan sa Europe.

49.
  1. Ano ang tawag sa pagpapalitan ng produkto o sistema ng kalakalan na hindi gumagamit ng salapi o pera?

a)
  1. Barter

b)
  1. Burgis

c)
  1. Guild

d)
  1. Manor

50.
  1. Ano ang sistemang Agrikultural na nakasentro sa nagsasariling estado na kung tawagin ay Manor?

a)
  1. Manoryalismo

b)
  1. Pyudalismo

c)
  1. Federalismo

d)
  1. Demokrasya