wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa 4th quarter AP 8

Total questions: 51

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand

b)

Pagbuo ng United Nations

c)

Pagtatapos ng Cold War

d)

Pagtatayo ng Berlin Wall

2.

Ano ang alyansang binubuo ng Germany, Austria-Hungary, at Italy bago ang digmaan?

a)

Triple Alliance

b)

Triple Entente

c)

Axis Powers

d)

NATO

3.

Ano ang pangunahing kasunduang nagtapos sa Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Treaty of Versailles

b)

Kasunduan sa Paris

c)

Kasunduan sa Tordesillas

d)

Kasunduan sa Westphalia

4.

Paano nakaapekto ang militarismo sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pinatigil nito ang mga alyansang military.

b)

Pinalakas nito ang ugnayan ng mga bansa.

c)

Pinababa nito ang tensyon sa pagitan ng mga bansa.

d)

Pinabilis nito ang pagbuo ng malalaking hukbo at armas.

5.

Ano ang epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa ekonomiya ng mga bansang lumahok dito?

a)

Naging mas malaya ang kalakalan sa Europa.

b)

Umunlad ang mga industriyang pang-agrikultura.

c)

Tumaas ang sahod ng mga manggagawa sa lahat ng bansa.

d)

Bumagsak ang ekonomiya at nagkaroon ng matinding utang ang maraming bansa.

6.

Kung ikaw ay isang sundalo sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, paano ka maaapektuhan ng trench warfare?

a)

Magkakaroon ako ng higit na mobility sa labanan.

b)

Madali akong makakagalaw at makakaiwas sa kalaban.

c)

Mahihirapan akong lumusob dahil sa makikitid at maputik na trenches.

d)

Magiging mas ligtas ako dahil walang labanang nagaganap sa trenches.

7.

Bakit naging epektibo ang propaganda sa paghubog ng opinyon ng publiko sa Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Dahil ginamit ito upang palakasin ang suporta sa digmaan at hikayatin ang pagsali sa hukbo.

b)

Dahil ginamit ito upang isiwalat ang buong katotohanan tungkol sa digmaan.

c)

Dahil nagpatupad ito ng mahigpit na censorship sa lahat ng bansa.

d)

Dahil naging dahilan ito ng mabilisang pagwawakas ng labanan.

8.

Kung ikaw ay isang pinuno noong 1919, sasang-ayon ka ba sa mga parusang ipinataw sa Germany sa Treaty of Versailles? Bakit?

a)

Oo, dahil nararapat lamang silang pagbayarin sa digmaan.

b)

Hindi, dahil dapat ay pinalakas pa ang Germany upang maiwasan ang giyera.

c)

Hindi, dahil napakalupit ng parusa at maaaring humantong ito sa panibagong sigalot.

d)

Oo, dahil kailangan ng mundo ng mas maraming giyera upang matuto ang mga bansa.

9.

Ano ang pangunahing sanhi ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagtatapos ng Cold War

b)

Pagtatayo ng Berlin Wall

c)

Pag-atake ng Germany sa France

d)

Pananakop ng Germany sa Poland

10.

Anong alyansa ang binubuo ng Germany, Italy, at Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Allied Powers

b)

Axis Powers

c)

Triple Entente

d)

United Nations

11.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit sumali ang Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagtulong sa Germany

b)

Pagsakop ng Italy sa France

c)

Pagsalakay ng Japan sa Pearl Harbor

d)

Pagnanais na mapanatili ang neutralidad

12.

Bakit naging mabisang estratehiya ng Germany ang "Blitzkrieg" sa unang bahagi ng digmaan?

a)

Dahil ginamit nito ang mabilis at sabayang pag-atake gamit ang eroplano, tangke, at sundalo.

b)

Dahil mas maraming sundalo ang Germany kaysa sa ibang bansa.

c)

Dahil inuna ng Germany ang dip

13.

gmaan?

a)

Dahil ginamit nito ang mabilis at sabayang pag-atake gamit ang eroplano, tangke, at sundalo.

b)

Dahil mas maraming sundalo ang Germany kaysa sa ibang bansa.

c)

Dahil inuna ng Germany ang diplomasya bago sumalakay.

d)

Dahil tumulong ang Soviet Union sa kanilang pagsalakay.

14.

Ano ang naging epekto ng Holocaust sa kasaysayan?

a)

Nagresulta ito sa pagtatatag ng League of Nations.

b)

Napalakas nito ang hukbong sandatahan ng Germany.

c)

Nagtapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil dito.

d)

Nagbunsod ito ng pandaigdigang panawagan para sa karapatang pantao.

15.

Kung ikaw ay isang mamamayan ng bansang sinakop noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ano ang maaaring naging epekto nito sa iyong pang-araw-araw na buhay?

a)

Makakaranas ka ng kakulangan sa pagkain, takot, at pang-aabuso mula sa mananakop.

b)

Magkakaroon ka ng mas maraming oportunidad sa negosyo.

c)

Tataas ang kalidad ng edukasyon sa iyong bansa.

d)

Mas madali kang makakahanap ng trabaho.

16.

Bakit naging mahalaga ang Labanan sa Stalingrad sa kinalabasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a)

Dahil dito nagsimula ang digmaan sa Pasipiko.

b)

Dahil natalo ang Allied Powers sa labanang ito.

c)

Dahil ito ang unang labanang ginamitan ng sandatang nuclear.

d)

Dahil napigilan nito ang paglawak ng Germany sa silangang Europa.

17.

Makatarungan ba ang paggamit ng sandatang nuklear sa Hiroshima at Nagasaki upang tapusin ang digmaan? Bakit?

a)

Oo, dahil ito ang nagpatigil sa digmaan at nagligtas ng maraming buhay.

b)

Hindi, dahil nagdulot ito ng matinding pinsala sa sibilyan at kapaligiran.

c)

Hindi, dahil walang ibang bansang naapektuhan ng pagbomba.

d)

Oo, dahil ito ay bahagi ng planong Blitzkrieg ng Allied Powers.

18.

Ano ang pangunahing layunin ng United Nations (UN)?

a)

Palakasin ang ekonomiya ng Europe.

b)

Palaganapin ang kultura ng Kanluranin.

c)

Panatilihin ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

d)

Gawing makapangyarihan ang mga bansang mayayaman.

19.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagkakatatag ng League of Nations noong 1919?

a)

Upang maiwasan ang muling pagsiklab ng pandaigdigang digmaan.

b)

Upang palakasin ang ugnayan ng mga bansa sa ekonomiya.

c)

Upang mapanatili ang pananakop ng malalakas na bansa.

d)

Upang tulungan ang Germany na bumangon matapos ang digmaan.

20.

Anong kasunduan ang nilagdaan upang wakasan ang Cold War?

a)

Treaty of Versailles

b)

Paris Peace Accords

c)

INF Treaty (Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty)

d)

Geneva Convention

21.

Paano nakakatulong ang International Monetary Fund (IMF) sa mga bansa?

a)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang at tulong pinansyal upang mapanatili ang katatagan ng ekonomiya.

b)

Sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusa sa mga bansang lumalabag sa batas.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng iba't ibang bansa.

d)

Sa pamamagitan ng pagtuturo ng wikang Ingles sa mga bansang mahihirap.

22.

Ano ang epekto ng Millennium Development Goals (MDGs) sa pandaigdigang kaunlaran?

a)

Naging mas mahirap ang pag-unlad ng mga bansang papaunlad.

b)

Napababa nito ang produksyon ng mga industriya sa buong mundo.

c)

Lumakas ang ugnayan ng mga bansang mayayaman at mahihirap sa digmaan.

d)

Napabuti nito ang kalidad ng edukasyon, kalusugan, at kabuhayan sa maraming bansa.

23.

Kung ikaw ay isang lider ng isang bansang papaunlad, paano mo magagamit ang tulong mula sa World Bank?

a)

Gamitin ito sa pagpapalakas ng hukbo para sa digmaan.

b)

Gamitin ito upang makakuha ng armas mula sa ibang bansa.

c)

Gamitin ito upang pabagsakin ang ekonomiya ng ibang bansa.

d)

Gamitin ito upang pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura at edukasyon.

24.

Bakit mahalaga ang mga pandaigdigang kasunduan tulad ng Paris Agreement sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran?

a)

Dahil hinihikayat nito ang mga bansa na magtulungan upang solusyunan ang pandaigdigang isyu gaya ng pagbabago ng klima.

b)

Dahil ito ay naglalayong pag-isahin ang lahat ng bansa sa iisang pamahalaan.

c)

Dahil pinapabilis nito ang pagbuo ng mga bagong hukbo sa iba't ibang bansa.

d)

Dahil pinapababa nito ang gastusin ng mga bansa sa teknolohiya.

25.

Sa iyong pananaw, epektibo ba ang mga pagsisikap ng United Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan? Bakit?

a)

Oo, dahil naiiwasan nito ang panibagong pandaigdigang digmaan.

b)

Hindi, dahil hindi nito napipigilan ang lahat ng kaguluhan sa mundo.

c)

Oo, dahil naglalaan ito ng malaking pondo para sa mga bansang mahihirap.

d)

Hindi, dahil ginagamit lamang ito upang palakasin ang mga mayayamang bansa.

26.

Ano ang pangunahing ideolohiya na nakabatay sa pribadong pagmamay-ari ng negosyo at pamilihan?

a)

Komunismo

b)

Kapitalismo

c)

Sosyalismo

d)

Pasismo

27.

Ano ang pangunahing layunin ng komunismo bilang ideolohiyang pang-ekonomiya?

a)

Pagpapalakas ng pribadong pag-aari.

b)

Pagpapalakas ng mga monopolyo sa mercado.

c)

Pagpapalakas ng kapangyarihan ng iisang lider.

d)

Pagkakaroon ng pantay na distribusyon ng yaman at pagkontrol ng estado sa ekonomiya.

28.

Aling ideolohiya ang nagtataguyod ng mahigpit na kontrol ng estado sa lipunan, kadalasang may awtoritaryong pamamahala?

a)

Kapitalismo

b)

Demokrasya

c)

Pasismo

d)

Liberalismo

29.

Paano naiiba ang sosyalismo sa kapitalismo?

a)

Ang sosyalismo ay nagtataguyod ng pribadong pagmamay-ari, habang ang kapitalismo ay nagtataguyod ng pampublikong kontrol sa industriya.

b)

Ang sosyalismo ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay sa ekonomiya, habang ang kapitalismo ay nakatuon sa kompetisyon at pribadong pag-aari.

c)

Ang sosyalismo ay nagbibigay ng lubos na kalayaan sa negosyo, habang ang kapitalismo ay mahigpit na kinokontrol ng gobyerno.

d)

Ang sosyalismo ay hindi nangangailangan ng pamahalaan, habang ang kapitalismo ay nakabatay dito.

30.

Ano ang pangunahing dahilan ng hidwaan sa pagitan ng kapitalismo at komunismo noong Cold War?

a)

Pagkakaiba sa ideolohiya tungkol sa kontrol ng ekonomiya at gobyerno.

b)

Pagkakaiba sa sistema ng pagboto sa mga bansang kasapi ng UN.

c)

Kompitisyon sa larangan ng edukasyon at agham.

d)

Hindi pagkakasundo sa pandaigdigang kalakalan.

31.

Kung ikaw ay namumuno sa isang bansang may ekonomiyang sosyalista, paano mo ipapatupad ang patakaran sa mga industriya?

a)

Ipagkatiwala sa gobyerno ang mahahalagang industriya tulad ng transportasyon at enerhiya.

b)

Gawing tax-free ang lahat ng negosyo upang lumakas ang ekonomiya.

c)

Pabayaan ang lahat ng negosyo na mapunta sa pribadong may-ari.

d)

Ibigay ang lahat ng kita ng gobyerno sa mga korporasyon.

32.

Bakit may mga bansa na gumagamit ng pinaghalong kapitalismo at sosyalismo sa kanilang sistemang pang-ekonomiya?

a)

Upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng kompetisyon sa merkado at pangangalaga ng estado sa mga pangunahing pangangailangan.

b)

Dahil mas gusto ng mga negosyante na magkaroon ng regulasyon sa lahat ng industriya.

c)

Dahil hindi epektibo ang parehong sistema kung magkahiwalay.

d)

Upang bigyan ng buong kontrol ang gobyerno sa ekonomiya.

33.

Sa iyong pananaw, alin sa mga ideolohiyang pang-ekonomiya ang pinakaangkop sa kasalukuyang panahon?

a)

Kapitalismo, dahil ito ay nagpapalakas ng kompetisyon at inobasyon.

b)

Sosyalismo, dahil ito ay nakatuon sa pantay-pantay na distribusyon ng yaman.

c)

Pasismo, dahil nagbibigay ito ng matatag na pamumuno at kontrol sa ekonomiya.

d)

Pinaghalong sistema, dahil ito ay nagbibigay

34.

Ano ang pangunahing dahilan ng Cold War?

a)

Labanan para sa langis sa Gitnang Silangan.

b)

Pagkakaiba ng relihiyon sa pagitan ng US at USSR.

c)

Kompetisyon sa pagitan ng kapitalismo at komunismo.

d)

Hindi pagkakasundo sa pagbabahagi ng teritoryo sa Africa.

35.

Ano ang pangalan ng alyansang militar na binuo ng mga bansang komunista noong Cold War?

a)

NATO

b)

Warsaw Pact

c)

United Nations

d)

ASEAN

36.

Anong bansa ang nanguna sa pagpapalaganap ng kapitalismo noong Cold War?

a)

China

b)

Estados Unidos

c)

Cuba

d)

North Korea

37.

Paano nakaapekto ang Domino Theory sa patakarang panlabas ng Estados Unidos?

a)

Pinilit nitong pigilan ang paglaganap ng komunismo sa pamamagitan ng interbensyon sa iba't ibang bansa.

b)

Pinalakas nito ang ugnayan ng China at US sa larangan ng ekonomiya.

c)

Hinayaan nitong kumalat ang komunismo sa buong mundo.

d)

Nagdulot ito ng pagkakaisa sa pagitan ng US at USSR.

38.

Ano ang naging epekto ng Cold War sa mga bansang tulad ng Korea at Vietnam?

a)

Napalakas nito ang kanilang ekonomiya nang walang negatibong epekto.

b)

Naging pandaigdigang kapangyarihan ang mga bansang ito dahil sa Cold War.

c)

Ang mga bansang ito ay naging neutral sa ideolohiyang kapitalismo at komunismo.

d)

Nagdulot ito ng mga digmaan na humati sa mga bansang ito batay sa kanilang ideolohiya.

39.

Kung ikaw ay isang mamamayan ng Germany noong Cold War, paano makakaapekto sa iyong buhay ang Berlin Wall?

a)

Magiging malaya kang makapaglakbay sa anumang bahagi ng Germany.

b)

Malilimitahan ang iyong kalayaan dahil hinati nito ang silangan at kanluran.

c)

Magiging ligtas ka mula sa epekto ng Cold War dahil wala itong kinalaman sa Germany.

d)

Magkakaroon ka ng higit na oportunidad sa trabaho dahil sa pagkakabuklod ng Germany.

40.

Bakit tinatawag na "proxy wars" ang mga digmaan sa Korea, Vietnam, at Afghanistan noong Cold War?

a)

Dahil hindi ito naapektuhan ng pandaigdigang tension.

b)

Dahil ang mga bansang ito ay nanatiling neutral sa Cold War.

c)

Dahil direktang naglaban ang US at USSR sa mga bansang ito.

d)

Dahil ginamit ng US at USSR ang mga bansang ito bilang labanan ng kanilang ideolohiya nang hindi direktang nagdeklara ng digmaan sa isa't isa.

41.

Sa iyong pananaw, naging mabuti ba ang epekto ng Cold War sa daigdig? Bakit?

a)

Oo, dahil ito ay nagdulot ng pandaigdigang kapayapaan.

b)

Hindi, dahil nagdulot ito ng maraming digmaan at paghihiwalay ng mga bansa.

c)

Oo, dahil ito ay nagbigay ng maraming oportunidad sa pag-unlad ng ekonomiya.

d)

Hindi, dahil ito ay humantong sa mabilisang pagsulong ng teknolohiya at edukasyon.

42.

Ano ang pangunahing kahulugan ng neokolonyalismo?

a)

Hindi direktang pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahina at papaunlad na bansa sa pamamagitan ng ekonomiya, politika, at kultura.

b)

Pagkakaroon ng pantay na relasyon sa pagitan ng mayayamang at mahihirap na bansa.

c)

Pagtutulungan ng maliliit na bansa upang mapanatili ang Kalayaan.

d)

Direktang pananakop ng isang bansa sa iba pang teritoryo.

43.

Paano nakakaapekto ang neokolonyalismo sa ekonomiya ng mga papaunlad na bansa?

a)

Pinapalakas nito ang lokal na industriya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na oportunidad.

b)

Pinapanatili nito ang ekonomiya ng mahihirap na bansa sa pagiging dependent sa mayayamang bansa.

c)

Pinapalaya nito ang mga bansang mahihirap mula sa utang at dayuhang impluwensya.

d)

Hindi ito nagkakaroon ng anumang epekto sa ekonomiya ng mga bansa.

44.

Alin sa sumusunod ang isang halimbawa ng neokolonyalismo sa kasalukuyang panahon?

a)

Ang ganap na pagsasarili ng isang bansa mula sa anumang dayuhang pamamahala.

b)

Ang direktang pananakop ng isang bansa sa ibang teritoryo gamit ang sandatahang lakas.

c)

Ang pagiging makasarili ng mga bansang papaunlad at hindi pagtanggap ng dayuhang impluwensya.

d)

Ang patuloy na pagdepende ng isang bansa sa dayuhang tulong at pamumuhunan mula sa mayayamang bansa.

45.

Bakit itinuturing na isang anyo ng modernong pananakop ang neokolonyalismo?

a)

Dahil ginagamit nito ang ekonomiya, teknolohiya, at kultura upang mapanatili ang impluwensya ng mayayamang bansa sa mahihirap na bansa.

b)

Dahil pinapayagan nitong maging malaya ang mga bansang dating sinakop.

c)

Dahil pinipilit nitong sakupin ang mga bansa sa pamamagitan ng digmaan.

d)

Dahil wala itong epekto sa relasyong pandaigdig.

46.

Sa iyong pananaw, paano makakalaya ang isang bansa mula sa neokolonyalismo?

a)

Sa pamamagitan ng pagsuko ng soberanya sa mas makapangyarihang bansa.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit pang kontrol sa dayuhang korporasyon.

c)

Sa pamamagitan ng pagtanggi sa anumang pandaigdigang tulong pang-ekonomiya.

d)

Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng sariling industriya at pagbawas ng sobrang pagdepende sa dayuhang bansa.

47.

Ano ang pangunahing layunin ng United Nations (UN)?

a)

Pagsuporta sa mga bansang gustong makipagdigma.

b)

Pagsuporta sa mga pribadong negosyo sa iba't ibang bansa.

c)

Pagpapalawak ng teritoryo ng mga makapangyarihang bansa.

d)

Pagsulong ng pandaigdigang kapayapaan, seguridad, at kooperasyon.

48.

Paano nakakatulong ang World Health Organization (WHO) sa pandaigdigang komunidad?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapautang sa mahihirap na bansa.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng bansa.

c)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sandata sa mga bansang nasa digmaan.

d)

Sa pamamagitan ng pangangalaga sa pandaigdigang kalusugan at pagtugon sa mga pandemia.

49.

Kung ikaw ay isang pinuno ng isang papaunlad na bansa, paano mo magagamit ang tulong ng International Monetary Fund (IMF)?

a)

Hihingi ng suporta upang palakasin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pautang at payo sa pananalapi.

b)

Hihingi ng tulong upang mapasailalim ang bansa sa isang mas mayamang bansa.

c)

Hihingi ng suporta para palakasin ang hukbong sandatahan ng bansa.

d)

Hihingi ng payo sa pagpapatupad ng bagong sistema ng edukasyon.

50.

Bakit mahalaga ang papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa mga bansang kasapi nito?

a)

Dahil ito ay nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa buong mundo.

b)

Dahil ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa mga dayuhang mananakop.

c)

Dahil ito ay namamahala sa lahat ng pamahalaan sa Timog-Silangang Asya.

d)

Dahil ito ay nagpapalakas ng ugnayang pang-ekonomiya, pangkultura, at pangkapayapaan sa mga bansang kasapi.

51.

Sa iyong pananaw, paano higit na mapapalakas ng mga pandaigdigang organisasyon ang kanilang papel sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran?

a)

Sa pamamagitan ng mas mabilis na pagtugon sa mga pandaigdigang krisis at mas malawak na suporta sa mahihirap na bansa.

b)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapangyarihan sa isang bansa upang mamahala sa lahat ng bansa.

c)

Sa pamamagitan ng pagbabawas ng kanilang pakikilahok sa mga pandaigdigang usapin.

d)

Sa pamamagitan ng mas mahigpit na regulasyon sa ekonomiya ng bawat bansa.