WorksheetsESP Quiz #4 (Q2)
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Isang palatuntunan ang ginanap sa inyong paaralan. Nakita mong hirap na hirap sa katatayo ang isang matandang babae. Ano ang dapat mong gawin?
A. Iiwasan ko ang pagtingin sa matatanda.
B. Bibigyan ko ng upuan ang matanda.
C. Pauuwiin ko na ang matanda.
Nahihirapan sa aralin ang kamag-aral ni Jona. Ano ang nararapat niyang gawin upang maipakita niya ang pagmamalasakit dito?
A. Hindi niya ito papansinin
B. Sasabihan siya na mag-aral siyang mabuti.
C. Tulungan niya sa kinahihirapang aralin ang kanyang kamag-aral.
Nasunugan ang kapitbahay nila Yuni. Paano niya maipakikita ang pagmamalasakit sa kapitbahay?
A. Balewalain ang kapitbahay.
B. Magbigay ng tulong sa abot ng makakaya.
C. Pagtaguan sila kung nanghihingi ng tulong.
Nagtatago si Florence sa loob ng silid-aralan habang naglilinis ang kaniyang mga kamag-aral sa labas. Anong pag-uugali ito?
A. Masipag
B. Matulungin
C. Walang pakialam
Darating na ang trak ng basura, nahihirapang magdala ng maraming sako ng basura ang dyanitor ng paaralan ninyo kaya______.
A. pagtatawanan ko siya.
B. tutulungan ko siyang magbuhat ng basura.
C. uutusan ko siyang kunin pa ang ibang basura.
Nakita mong idinidikit ni Rocky ang bubble gum sa bag ng kaniyang katabi. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsasabihan ko siya na huwag niyang dikitan ang bag ng katabi niya.
B. Ituturo ko siya sa taong dinikitan niya ng bubble gum.
C. Pababayaan ko siya na kunwaring hindi ko nakita.
Nasunugan ng bahay ang isa mong kamag-aral. Ano ang gagawin mo?
A. Pagtatawanan ko siya.
B. Bibigyan ko siya ng damit.
C. Magsasawalang kibo na lang ako.
Nagsusupot ng relief goods ang barangay para sa mga nabahaan. Ano ang pwede mong gawin?
A. Maglalaro ako sa labas.
B. Tutulong ako sa pamamahagi.
C. Matutulog ako sa aking kama.
Hindi pumasok ang aking kamag-aral sapagkat may sakit.
A. Dadalawin ko siya.
B. Pupuntahan ko siya pero tatakutin ko na bagsak na siya.
Hindi ko siya pupuntahan dahil wala akong dadalhin sa kanya.
Marumi ang bakuran ng aming paaralan kaya _______.
A. dito ko itatapon ang aming basura.
B. tutulungan ko maglinis ang dyanitor.
C. magsasawalang kibo na parang walang nakitang basura.
