wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G10-FILIPINO

Total questions: 45

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang nilalaman ng General Reference Section ng aklatan?

a)

Encyclopedia, Almanac, Dictionary

b)

Talahanayan

Dictionary

c)

Ecyclopedia

Biblia

d)

Dictionary

Atlas

Sanggunian

2.

Ito ay Talaan ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko,

magasin at iba pa.

a)

Sanggunian

b)

Pamantayan

c)

Kawikaan

d)

Talahanayan

3.

Bahagi ng kuwentong nakapupukaw ng pinakamasidhing pananabik sapagkat sa bahaging ito binibigyan ng huling pasiyaang kapalaran ng mga pangunahing tauhan o bayani ng kuwento.

a)

Tagpuan

b)

Wakas

c)

kakalasan

d)

kasukdulan

4.

Samahang itinatag ni Rzal na ang mithiin ay mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng paghihimagsik.

a)

La Solidaridad

b)

La Liga Filipina

c)

KKK

d)

Diaryong Tagalog

5.

Ano ang huling katagang sinabi ni rizal bago siya binaril?

a)

adios mi querida ciudad

b)

è fatta

c)

Consumatum est

d)

ya está

6.

Ibinunyag o inilantad sa nobela ang iba't ibang aspeto ukol sa lipunan maliban sa?

a)

Kalagayang panlipunan

b)

Kanser ng lipunan

c)

Kabuktutan ng mga kastilang mananakop

d)

Maling paniniwala ng mga Pilipino

7.

Ina ni Rizal?

a)

Donya Teodora Alonzo y Realonda

b)

Donya Teodora y Rizal

c)

Donya Teodora Realonda y Rizal

8.

Sa gulang na 8, nakapagsulat na siya ng isang tula na pinamagatang_______________?

a)

Sa aking mga kapitbahay

b)

Sa aking mga Kaibigan

c)

Sa aking mga Kababata

d)

Sa aking mga kabata

9.

Bukod sa Pilosopiyang inaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, anong kurso pa ang kinuha ni Rizal para sa kalagayan ng kanyang ina?

a)

Abogasya

b)

Medisina

c)

Guro

d)

Teolohiya

e)

Sikolohiya

10.

Ano ang kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila na ipinahiwatig sa Kabanata I at II ng El Filibusterismo?

a)

A.pantay-pantay ang pagtrato sa lahat ng mga mamamayan

b)

B.napakasuwerte ng mga Pilipino sa pagtrato ng mga Kastila sa kanila

c)

C.hindi pantay-pantay ang pagtrato sa mga Kastila ng mga Pilipino

d)

D.mas kinikilala ang mga makapangyarihan kaysa pangkaraniwang tao

11.

Ano ang mungkahi ni Simoun upang mapalalim ang Ilog Pasig at bumilis ang paglalakbay?

a)

a. mag-alaga ng itik

b)

b. gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa Maynila

c)

c. gumawa ng kalsada sa ibabaw ng Ilog Pasig

d)

d. palitan na ang mga bapor

12.

Ayon kay _________, “kaya mahirap at tamad ang mga tao sa lalawigan nina Basilio at Isagani ay panay tubig ang iniinom at hindi alak”.

a)

a. Simoun

b)

b. Padre Salvi

c)

c. Padre Camorra

d)

d. Isagani

13.

Sino ang taong nakipaglaban para sa kanyang bukirin ?

a)

a. Kabesang Tales

b)

b. Simoun

c)

c. Tano

d)

d. Juli

14.

Ano ang naging pasya ni Juli upang makalikom siya ng sapat na pera nang matubos ang kanyang ama?

a)

a. mamalimos sa mga taga Sagpang

b)

b. isanla ang kanilang tirahan

c)

c. ipagbili ang kanilang bukirin

d)

d. mamasukan bilang katulong

15.

ang lahat ng ito ay kahulugan ng Indiyo maliban sa isa.

a)

Mababang uri ng mga tao

b)

hindi pantay-pantay na pagtingin ng mga dayuhan

c)

Anak dalita kung ituring ng mga mananakop

d)

pagbibigay ng sapat na serbisyo sa mga kabataan

16.

Isang akdang Pampanitikan na naglalaman ng mahabang kuwento na nahahati sa mga kabanata.

a)

Dula

b)

Tula

c)

Maikling Kuwento

d)

Nobela

17.

Paano ipinakilala si Telesforo Juan de Dios sa El El Filibusterismo?

a)

Ipinakita ang kaniyang kahirapan sa kamay ng mga dayuhan

b)

Naranasan ang kalupitan ng mga tao sa kanilang barangay

c)

Hindi pantay na pag bibigay ng katarungan sa mga taong may mataas na antas

d)

Ang pagiging isang alipin ay pagpapala galing sa itaas

18.

Sila ang mga taong namamahala sa bansang Pilipinas.

a)

Reverendos at Ilustrisimos

b)

Bapor tabo

c)

Kastila

d)

Mga taong may mataas na antas sa buhay

19.

Sa paanong paraan magturo ang mga guro ng panahon ng Espanyol? Bakit hindi natututo ang kanilang mga mag-aaral? ang lahat ng ito ay tama maliban sa isa.

a)

Mahirap ang mga aralin

b)

Maraming gawain ang nais ipatapos ng taga pagturo

c)

Nagpapa memorya pagkatapos ay iiwanan na ang mga mag-aaral

d)

Hindi binibigyang pansin ang mga kabataang Pilipino, hindi rin sila nakakaranas gumamit ng mga kagamitang pang agham

e)

Ayaw mag-aral ng mga mag-aaral dahil gusto nilang lumagay na lamang sa tahimik

20.

Bakit ganoon na lamang ang Paniniwala ng mga Guro batay sa kanilang pagtuturo?

a)

Ganito na ang pagtuturo noong unang panahon, hindi naman nagulo ang Pilipinas, kaya’t patuloy  pa rin ang paraang gaya ng dati.

b)

Ako ang guro nararapat na sumunod kayo sa aking itinuturo

c)

Sapat na ang maging mahirap, kaya mga kabataan mag-aral kayo

d)

Naniniwala silang ang pagtuturo kaylanman ay hindi na maaring baguhin, anong henerasyon man ang dumating

21.

Kung kailan tapos na ang pasukan, saka lamang nakita ng inyong guro na ang inyo palang klase ay puro Buena Tinta.

a)

Mahihirap turuan

b)

Madaling makaunawa ng aralin

c)

Mahuhusay sa klase

d)

Malaking hadlang sa pagtuturo ng Guro

22.

Bakit ang mga tao noong panahon ng Kastila at Pilipino ay pumupunta ng Peryahan, ano ang kanilang layunin?maliban sa isa

a)

Upang makapaglibang

b)

Upang magbigay ng mga payo sa mga nangangailangan

c)

Ang mga tao na pumupunta sa peryahan ay kilala at may mga kaya sa buhay

23.

Ang mga impormasyong makukuha rito ay kahulugan, baybay, pagpapantig at pinagmulan ng mga salita. Malalaman din kung anong bahagi ng pananalita.

a)

Atlas

b)

Almanac

c)

Diksiyonaryo

d)

Encyclopedia

24.

Alin sa mga sumusunod ang dahilan ni Simoun kung bakit hindi siya sumasang-ayon sa pagtuturo ng wikang Kastila?

a)

dahil ang bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito

b)

ang Kastila ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan

c)

ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa pagkakaunawaan.

d)

wala sa nabanggit

25.

Tuwing kailan ginagamit ang mga kagamitang pampisika?

a)

kapag may eksperimento sa klase

b)

kapag may panauhing dumadalaw

c)

kapag mayroong tagisan ng talino

d)

hindi ginagamit ang mga kagamitan

26.

Sino ang pumayag na gamitin ang kanyang bodega upang paglagyan ng mga armas ni Simoun?

a)

Ben Zayb

b)

Juanito Pelaez

c)

Quiroga

d)

Padre Camorra

27.

Kung ang pamagat ng nobela ay "Ang Paghahari ng Kasakiman", sino-sino ang mga maituturing na sakim?

a)

miyembro ng simbahan

b)

kawani ng pamahalaan

c)

iba pang tauhan na may kapangyarihan

d)

lahat ng nabanggit

28.

Siya ay nabibilang sa mataas na lipunan sa Maynila at kilala sa walang kapaguran,bantog, maingat, masipag, palaisip, matalino at iba pa.

a)

Don Custudio

b)

Simoun

c)

Kapitan Tiago

d)

Ben - Zayb

29.

Ano ang nakapaloob sa nobelang El Fili?

a)

problema sa lupain

b)

pamamahala sa gobyerno

c)

katiwalian

d)

lahat ng nabanggit

30.

Ano ang pangunahing layunin ni Simoun kung bakit siya bumalik sa Pilipinas matapos magpayaman sa Europa?

a)

Upang mabawi ang bansa mula sa pang-aalipin ng mga prayle.

b)

Sagipin ang kanyang iniirog na si Maria Clara na sa kasalukuyan ay may malubhang karamdaman.

c)

Upang ipamukha sa pamahalaang Kastila na wala silang naitulong sa bansang kanyang nilisan labingtatlong taon na ang nakaraan.

d)

Upang mapatunayan sa mundo na salapi ang nagpapatakbo sa buhay ng bawat mamamayan.

31.

Isang binatang nakapag-aral ng medisina dahil sa kanyang pagsisikap na tauhan sa Noli Metangere at El Filibusterismo.

a)

Simoun

b)

Basilio

c)

Isagani

d)

Rizal

32.

Siya ang katipan ni Basilio, Namasukan bilang kasambahay para mabawi ang naisanlang lupain nila.

a)

Paulita

b)

Huli

c)

Irene

d)

Maria Clara

33.

Ano ang katangian ni Juanito Pelaez bilang manonood?

a)

Matalino ngunit mayabang.

b)

Marunong siya at mapagpakumbaba.

c)

Kaunti ang kanyang kaalaman ngunit nagpapanggap siyang alam niya ang lahat.

d)

Nais niyang manalo sa lahat ng argumento.

34.

ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

a)

Crispin

b)

Maria Elena

c)

Isagani

d)

Padre Salvi

35.

Ano ang ibig sabhin ng pahayag ni G. Pasta, "Tingnan ang ninyo ang mga bata sa Madrid na nagnanais ng pagbabago, sila'y inakusahang pilibustero".

a)

Mga mapaghimasik na mag-aaral

b)

Mga mag-aaral na nais ng pagbabago sa sistema.

c)

Mga mag-aaral na pinaratangang mga kalaban ng simbahan at pamahalaan.

d)

Mga mag-aaral na napagbintangan lamang.

36.

Sila ang mga pagtatrabahuhin sa pagpapatuwid ng Ilog Pasig upang hindi mag-aksaya ng malaking halagang pera.

a)

Gwardiya Sibil

b)

Kura

c)

bilanggo

d)

Alperes

e)

Sundalo

37.

Ilang taon na ang nakalipas mula ng namatay ang katauhan ni Ibarra?

a)

13

b)

10

c)

3

d)

8

38.

Anong antas ng mga tao sa lipunan ang nakasakay sa itaas na kubyerta?

a)

Mahirap

b)

Mayaman

c)

Ilustrado

39.

Bahagi ng banghay na tumutukoy sa unti-unting pagkakaayos ng suliranin

a)

Kakalasan

b)

Wakas

c)

kasukdulan

d)

Tunggalian

40.

Bahagi ng banghay kung saan dito naganap ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento

a)

Kakalasan

b)

Saglit na kasiglahan

c)

Wakas

d)

kasukdulan

41.

Anong elemento ng kuwento na tumutukoy sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan?

a)

Kasukdulan

b)

Kakalasan

c)

Tunggalian

d)

Wakas

42.

"Naka alert level 2 na ang Metro Manila simula noong unang araw ng Pebrero, sa makatuwid ay malaya na ang mga taong lumabas ng kanilang mga tahanan, ngunit may mga tao paring ayaw sumunod sa mga alituntunin ng Gobyerno tulad ng No Vaccine no Ride"

Anong uri ng tunggalian kapag nakikipagbanggaan o sumusuway sa alituntuntin ng pamahalaan?

a)

Tao laban sa Kalikasan

b)

Tao laban sa Lipunan

c)

Tao laban sa Sarili

d)

Tao laban sa Tao

43.

Ang maikling kuwento ay may bahaging simula, gitna at katapusan

a)

Tama

b)

Mali

44.

"Nais kong aminin ang aking mga kasalanan, ngunit natatakot ako na hindi mapatwad" anong uri ito ng tunggalian?

a)

Tao laban sa sarili

b)

Tao laban sa kapwa

c)

Tao laban sa lipunan

d)

Tao laban sa kalikasan

45.

Makalipas ang ilang taon na pamamalagi sa Espanya, bumalik si Kulas upang ipaghiganti ang kaniyang nasirang asawa, ito ay tunggaliang?

a)

Tao laban sa tao

b)

Tao laban sa kapaligiran

c)

Tao laban sa kaniyang sarili

d)

Tao laban sa lipunan