NEW
Font size
WorksheetsQ2 Araling Panlipunan Summative 2
Total questions: 25
Worksheet time: 26mins
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagbabago sa isang komunidad?
A. tulay
B. gusali
C. kagamitan
D. lahat ng nabanggit
2. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin sa isang gusali tulad ng aklatan na nananatili pa rin sa komunidad hanggang sa kasalukuyan?
A. ingatan ang mga kagamitan
B. gamitin nang maayos
C. panatilihin ang kalinisan nito
D. Lahat ay tama
3. Sino ang higit na makapagbibigay ng wastong impormasyon tungkol sa naganap na mga pagbabago sa komunidad?
A. nakababatang kapatid
B. kamag-aral
C. dayo
D. nakatatanda
4. Alin sa mga katangiang ito ang dapat ipakita ng mga tao kaugnay ng pananatili o hindi pagbabago ng mga bagay sa ating komunidad?
A. pagmamahal
B. pagpapahalaga
C. pagmamalaki
D. lahat nang nabanggit
5. Ano ang dapat gawin sa mga bagay na nanatili sa ating komunidad?
A. Palitan ng mas maganda.
B. Ingatan, alagaan at ipagmalaki.
C. Bigyan ng pansin tuwing may okasyon.
D. Pabayaan hanggang masira.
6. Aling sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit sa pagkakakilanlan ng komunidad?
A. sagisag o simbolo
B. kasaysayan
C. pangalan
D. tirahan
7. Saang lugar pinaka-angkop gamitin ang sagisag at simbolo?
A. sa paaralan
B. sa kapaligiran
C. sa mapa
D. sa tahanan
8. Karaniwang makikita sa komunidad ang mga sumusunod, maliban sa ______________.
A. simbahan
B. mall
C. tindahan
D. paaralan
9. Saan ka pupunta kung nais mong mag-aral?
A. simbahan
B. paaralan
C. ospital
D. bahayan
10. Kung ikaw ay may karamdaman, saang lugar ka pupunta?
A. simbahan
B. paaralan
C. ospital
D. bahayan
Suriin ang mga sumusunod na hanapbuhay.
_______11. Pagpasok sa mga opisina
Lungsod
kapatagan
tabing dagat
ilog
_______12. Pangingisda
Lungsod
kapatagan
tabing dagat
ilog
_______13. Paggawa ng lambat
Lungsod
kapatagan
tabing dagat
ilog
_______14. Pagtatanim ng palay at gulay
Lungsod
kapatagan
tabing dagat
ilog
_______15. Pagpasok sa mga pabrika
Lungsod
kapatagan
tabing dagat
ilog
TAMA O MALI
______16. Ang pamumuhay ng mga tao noong araw ay payak lamang.
TAMA
MALI
______17. Noong araw, ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao ay pagsasaka at pangingisda.
TAMA
MALI
______18. Ang mga kasuotan ng babae noong araw ay maiiksi lámang gaya ng shorts at sando.
TAMA
MALI
______19. Ang komunikasyon ng mga tao noong araw ay sa pamamagitan ng cellphone o computer.
TAMA
MALI
______20. Mayaman pa noon sa likas na yaman ang komunidad.
TAMA
MALI
Piliin ang Totoo sa patlang kung tama ang tinutukoy ng bawat pangungusap at Di- Totoo naman kung mali.
______21. Walang kaugnayan sa kasaysayan ang mga sagisag sa komunidad.
TOTOO
DI-TOTOO
______22. May ambag sa kasaysayan ang mga sagisag sa komunidad.
TOTOO
DI-TOTOO
______23. May kahulugan ang mga sagisag sa komunidad.
TOTOO
DI-TOTOO
______24. Ang mga sagisag sa komunidad ay makikita sa sentro o gitna ng komunidad.
TOTOO
DI-TOTOO
______25. Kailangang magkaroon ng sagisag ang mga komunidad.
TOTOO
DI-TOTOO
