WorksheetsQ2-POST TEST-ARALING PANLIPUNAN
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Alin sa sumusunod na larawan ang maaaring gawin ng isang
batang tulad mo upang makatulong sa tahanan?
Alin sa sumusunod na alituntunin ang ipinatutupad sa inyong pamilya?
Pagkain nang sabay-sabay
Paglalaro sa cellphone habang kumakain.
Pag-iwas sa pagtulong sa mga gawaing-bahay.
Panonood ng telebisyon hanggang hatinggabi.
Sa anong uri ng pamilya nabibilang sina tatay, nanay at mga anak?
Broken Family
Two-Parent Family
Extended Family
One-Parent Family
Namatay sa sakit ang tatay ni Brian kaya ang nanay niya ang mag-isang
nag-aalaga at nagtataguyod sa kanilang magkakapatid. Ano ang uri ng
pamilya nina Brian?
Broken Family
Extended Family
One-Parent Family
Two-Parent Family
Ang sumusunod ay mga mahahalagang gawain na nakaugaliang
gawin ng pamilya MALIBAN sa isa. Alin ito?
Sa panahon ngayon, anong pagbabago ang ipinatutupad sa loob ng
inyong tahanan upang makaiwas sa COVID-19?
Pamamasyal sa mall.
Pag-aaral sa paaralan.
Pananatili sa loob ng bahay.
Pakikipaglaro sa labas ng bahay.
Naglalaba ang nanay mo nang magising at umiyak ang bunso
mong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
Hahayaang mag-iyak si bunso.
Kusang aalagaan at lalaruin ang bunsong kapatid.
Pupunta sa mga kalaro at hahayaang umiyak si bunso
Sasabihan si nanay na siya ay tumigil sa ginagawa dahil umiiyak si bunso.
Ano ang kabutihang dulot ng mabuting pakikipag-ugnayan ng sariling
pamilya sa ibang pamilya?
Iiwasan ng mga kapitbahay
Makikilala sa buong pamayanan.
Maipagyayabang ang sariling pamilya.
Mapananatili ang katahimikan sa pamayanan
Tuwing Sabado, ang lahat sa kanilang pamilya ay tulong-tulong sa gawaing
bahay.Ano ang mangyayari kung lahat ay nagtutulungan?
Matatagalan itong matapos
Walang matatapos na gawain.
Hindi agad makakatapos sa gawain.
Mapapadali ang gawain at madali itong matatapos.
Tingnan at pag-aralan ang larawan ng pamilya ni Carlo sa
pagdaan ng mga araw. Ano ang napansin mo?
Walang pagbabago sa kanilang pamilya.
Nadagdagan ang bilang kasapi ng pamilya.
Hindi nagbabago ang bilang ng miyembro ng pamilya.
Ang pamilya ay ganun pa din kahit dumaan ang mga araw.
