wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Assessment 2nd Quarter

Total questions: 30

Worksheet time: 36mins

Name
Class
Date
1.

Si Jepoy ay mahilig maglaro ng mga online games. Madalas siyang mapuyat dahil dito. Kinabukasan ay may online class siya ng 7:00 ng umaga, ano ang maaaring mangyari?

a)

Maaga siyang magigising para sa online class.

b)

Makakasagot siya ng mabilis sa klase.

c)

Masigla siyang makikinig sa mga aralin ng guro.

d)

Matamlay siya sa klase dahil kulang sa tulog.

2.

Si Jenna ay paika-ikang lumalakad habang umiiyak pauwi ng kanilang bahay matapos madulas sa maputik na daan. Batay sa iyong karanasan, ano sa palagay mo ang kanyang nararamdaman?

a)

Nasasaktan

b)

Nagagalit

c)

Natutuwa

d)

Nalulungkot

3.

Anong letra nagsisimula ang nasa larawan?

a)

      B                 

b)

N

c)

W

d)

P

4.

Tukuyin ang kambal-katinig o klaster nang nasa larawan.

a)

dy

b)

tr

c)

pr

d)

pl

5.

Ito ay  anyo ng panitikan na binubuo ng saknong at taludtod at naglalayong maipahayag ang damdamin?

a)

Kuwento                  

b)

Pabula 

c)

Tula 

d)

Tugma

6.

Mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan sa kuwento, anong uri ng panitikan ito?

a)

Kuwento                  

b)

Pabula 

c)

Tula 

d)

Tugma

7.

Anong elemento ng kuwento ang tumutukoy  sa mga tauhang gumagalaw sa kuwento at ang nagbibigay ng buhay dito?

a)

Tagpuan

b)

Pamagat

c)

Tauhan

d)

Banghay

8.

Ito ay inilalarawan ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari upang malutas ang mga suliranin ng mga tauhan. Anong elemento ito ng maikling kuwento?

a)

Tagpuan

b)

Pamagat

c)

Tauhan

d)

Banghay

9.

Tukuyin sa mga sumusunod ang may tamang paraan ng pagsulat ng letra sa alpabeto.            

a)
b)
c)
d)
10.

 Suriin ang mga letra sa kaliwa, alin ang tamang paraan ng kabit-kabit na pagkakasulat ng salita?

a)

 a

b)

b

c)

c

d)

d

11.

Basahin ang isang pabula. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

                                                Si Langgam at si Tipaklong

Sa panahon ng tag-init ay ginugugol ng tipaklong ang kanyang oras sa paglalaro at pagpapakasaya habang ang langgam ay abala sa pag-iimpok ng pagkain. Hindi nya maintindhan kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng langgam. Dumating ang tag-ulan at nangangatog sa lamig at gutom ang tipakong habang ang langgam ay komportable at may sapat na pagkain. Doon naintindhan ng tipaklong kung bakit kailangan magtrabaho ng husto ng langgam sa panahon ng tag-init.

Sino-sino ang tauhan sa pabula?

a)

    Si Langgam at Kabayo

b)

Si Unggoy at Tipaklong

c)

Si Langgam at Tipaklong

d)

Si Matsing at Langgam

12.

Ano ang pinagkakaabalahan ng dalawang tauhan?(Si Langgam at Tipaklong)

a)

Pareho silang naglalaro.

b)

Si Tipaklong ay naglalaro at si Langgam ay nagtratrabaho.

c)

Pareho silang nagtatrabaho.

d)

Si Langgam ay naglalaro at si Tipaklong ay nagtratrabaho

13.

Bakit nagtatrabaho nang husto si Langgam?(Si Langgam at Tipaklong)

a)

Wala syang magawa

b)

Para handa sya pagdumating ang tag-ulan

c)

Naiinip sya.Para sa kaibigan niyang si Tipaklong.

d)

Pareho silang naglalaro.

14.

Maganda ba ang kinalabasan ng pagtatrabaho ni Langgam?Paano?

a)

Oo, dahil nagkaroon sya ng sapat na pagkain pagsapit ng ulan.

b)

Oo, dahil kailangan pa rin niyang magtrabaho

c)

Hindi, dahil marumi na ang kaniyang pagkain.

d)

Hindi, dahil tutulungan naman sya ni Tipaklong.

15.

Anong aral ang napulot mo sa pabula?

a)

Pagiging mapakumbaba.

b)

Masunurin sa kapwa.

c)

Pagiging masipag

d)

Pagmamahal sa kapwa.

16.

Alin sa mga salita ang una at mabilis mong nabasa?

a)

pangungusap

b)

ang

c)

bahag-hari

d)

umiiyak

17.

Alin sa mga salita ang ayon sa larawang nasa ibaba?

a)

galit

b)

masaya

c)

malungkot

d)

inaantok

18.

Alin sa sumusunod sa ibaba ang may wastong pagkakasulat ng liham?

a)
b)
c)
d)
19.

Piliin sa hanay ang salitang may diptonggong -ay at-iw

a)

bahay 

b)

kahoy

c)

taon

d)

tula

20.

Piliin sa hanay ang salitang may diptonggong -ay at-iw

a)

sisiw 

b)

sayaw

c)

nayon

d)

bagong

21.

Ito ang gumaganap sa kuwento.

a)

Tagpuan

b)

Tauhan

c)

Wakas

22.

Ito ang bahagi ng kuwento kung saan mababasa ang mga tauhan,tagpuan at suliranin.

a)

Simula

b)

Gitna

c)

Wakas

23.

Ito ang elementong tumutukoy sa lugar at panahn kung saan at kailan nangyari ang kuwento.

a)

Tagpuan

b)

Gitna

c)

Kasukdulan

24.

Sa bahaging ito mababasa ang pangyayari matapos harapin ng tauhan ang suliranin.

a)

Wakas

b)

Gitna

c)

Tauhan

25.

Ito ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.

a)

Kasukdulan

b)

Banghay

c)

Tagpuan

26.

Panuto:Ilan pantig mayroon ang bawat salita sa ibaba

Ka-ya-ma-nan

a)

5

b)

4

c)

3

27.

Panuto:Ilan pantig mayroon ang bawat salita sa ibaba

ka-pa-ya-pa-an

a)

5

b)

4

c)

3

28.

Panuto:Ilan pantig mayroon ang bawat salita sa ibaba

ka-lu—su-gan

a)

4

b)

3

c)

2

29.

Panuto:Ilan pantig mayroon ang bawat salita sa ibaba

Pa-a-no

a)

5

b)

4

c)

3

30.

Sumakay ako sa dyip,alin sa pangungusap ang salitang may kambal-katinig

a)

dyip

b)

sumakay

c)

ako