Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2ND SUMMATIVE TEST ESP

Total questions: 26

Worksheet time: 52mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang tatlong nilikha ng Diyos na may buhay

4 lines
2.

Bakit tinawag ang tao na “kawangis” ng Diyos?

a)

dahil tao lamang ang kanyang nilikha na may buhay

b)

dahil tao ang obra maestra ng Diyos na kanyang nilikha ayon sa taglay niyang katangian

c)

dahil tao lamang ang biniyayaan niya ng kakayahan na makapag-aral at makapaghanapbuhay

d)

dahil tao ang may kakayahang magparami at magkaroon ng damdamin

3.

Ito ang tawag sa kakayahan ng tao na umunawa ng nagaganap sa kanyang paligid at mangatwiran

a)

Kilos-loob

b)

Konsiyensiya

c)

Isip

d)

Kalayaan

4.

Ito ang tawag sa kakayahan ng tao na magpasya at gumawa ng desisyon

a)

Kilos-loob

b)

Konsiyensiya

c)

Isip

d)

Kalayaan

5.

Ano ang tunguhin ng kilos-loob?

a)

Katotohanan

b)

Kalayaan

c)

Kabutihan

d)

Dignidad

6.

Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

 

a)

Tama, dahil ang hayop at halaman ay nakakapag-isip din

b)

Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos at dumami.

c)

Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang

d)

Mali, dahil wala silang kakayahang mag-isip at makaramdam

7.

Sa pamamagitan ng isip, nahahanap ng tao ang:

a)

Kapayapaan

b)

Katarungan

c)

Katotohanan

d)

Kalayaan

8.

Ito ang bahagi ng katawan na bumabalot sa pagkatao ng isang tao. Dito natatago ang ating mga emosyon.

(i-type ang sagot gamit lamang ang MALIIT NA TITIK)

(a)  

9.

Ito ang bahagi ng katawan ng tao na ginagamit upang isakatuparan ang isang kilos

(gumamit lamang ng MALIIT na titik sa pag-type ng sagot)

(a)  

10.

Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sakanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsiyensiya ang ginamit ni Melody?

a)

Tamang Konsiyensiya

b)

Purong Konsiyensiya

c)

Maling Konsiyensiya

d)

Mabuting Konsiyensiya

11.

Ang likas na Batas-Moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na Batas-Moral ang tinutukoy sa pangungusap?

a)

obhektibo

b)

unibersal

c)

walang-hanggan

d)

di-nagbabago

12.

Ang likas na Batas-Moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugan na ang likas nabatas na moral ay:

a)

obhektibo

b)

unibersal

c)

walang-hanggan

d)

di-nagbabago

13.

Hindi nagbabago ang Likas na Batas-Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao (nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kultura, ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigkis sa lahat ng tao. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:

a)

obhektibo

b)

unibersal

c)

walang-hanggan

d)

di-nagbabago

14.

Ang Likas na Batas-Moral ay umiiral at mananatiling iiral. Ang batas naito ay walang hanggan, walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente. Ito ay nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:

a)

obhektibo

b)

unibersal

c)

walang-hanggan

d)

di-nagbabago

15.

Ang salitang konsiyensiya ay nagmula sa salitang latin na "cum" at "scientia" na nangangahulugang?

a)

without knowledge

b)

with knowledge

c)

without action

d)

with action

16.

Bakit nilikhang HINDI pantay-pantay ang mga tao?

a)

upang matuto tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya

b)

upang mabigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng kanyang talento at kakayahan.

c)

upang maturuan tayong magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.

d)

upang maunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa para mabuhay.

17.

Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?

a)

sa paningin ng Diyos at ng lipunan

b)

sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya

c)

sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito

d)

sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig

18.

Ang mga sumusunod ay pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad MALIBAN sa:

a)

igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

b)

isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

c)

maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon

d)

pakitunguhan ng maayos ang kapwa kung may kailangan ka sa kanila

19.

Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?

a)

palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw

b)

tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.

c)

Tulungan siyang humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.

d)

lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.

20.

Ang salitang dignidad ay galing sa salitang latin na dignitas na nangangahulugang:

a)

kabutihan

b)

kapayapaan

c)

karapat-dapat

d)

karapatan

21.

"Ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anumang kanyang naisin". Ang pahayag ay:

a)

Tama, dahil ang tao ay hindi tunay na malaya

b)

Tama, dahil ang ating kalayaan ay may limitasyon at may kakambal na pananagutan

c)

Mali, dahil ang tao ay ginawang malaya na maaaring makuha ang lahat ng nanaisin

d)

Mali, dahil ang tao ay ginawang perpekto ng Diyos

22.

Nakulong si Mikel dahil siya ay nahuli na nagnakaw. Anong kalayaan ang naalis mula kay Mikel?

a)

Panloob na Kalayaan

b)

Panlabas na Kalayaan

c)

Ganap na Kalayaan

d)

Karapatang Pantao

23.

Ano ang Likas na Batas Moral? Ipaliwanag.

(2 puntos)

4 lines
24.

Bakit tinatawag ang tao bilang "natatanging nilikha" sa lahat ng nilikha ng Diyos na may buhay? Ipaliwanag.

(2 puntos)

4 lines
25.

Ipaliwanag:

"Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa iyo"

(2 puntos)

4 lines
26.

Ipaliwanag:

"Ang tunay na Kalayaan ay paggawa ng mabuti"

(2 puntos)

4 lines