Font size
WorksheetsQuiz: Diskurso sa Wikang Filipino
Total questions: 30
Worksheet time: 18mins
Paano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?
A. Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Isa akong abogada sa isang Law Firm sa Makati.
B. Si Jossie and sumunod sa akin. Isa siyang Accountant sa isang kumpanya sa Pasig.
C. Si Aldrin naman ang kaisa-isang lalaki sa amin. Nag-aaral siya ngayon ng Astronomiya.
D. Si Marites, ang bunso naming kapatid, ay magtatapos pa lamang ng hayskul. Pangarap niyang maging guro balang-araw.
A-B-C-D
D-C-B-A
A-C-B-D
D-B-C-A
Ano ang hulwaran ng teksto?
Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Isa akong abogada sa isang Law Firm sa Makati. Si Jossie and sumunod sa akin. Isa siyang Accountant sa isang kumpanya sa Pasig. Si Aldrin naman ang kaisa-isang lalaki sa amin. Nag-aaral siya ngayon ng Astronomiya. Si Marites, ang bunso naming kapatid, ay magtatapos pa lamang ng hayskul. Pangarap niyang maging guro balang-araw.
Depinisyon
Pag-iisa-isa
Pagsusunod-sunod
Paghahambing
Anong uri ito ng pagsusunod-sunod?
Sikwensyal
Kronolohikal
Paano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?
A. Lumingon siya at ngumiti pagkakita sa akin na papalapit sa kaniya.
B. Sa pintuan pa lamang ng restawrang usapan namin kung saan magkikita ay kumabog na ang aking dibdib.
C. Pagkaupo ko sa kaniyang harapan matapos magpakilala, naibulong ko sa aking sarili, "Napakaganda ng ka-text mate ko!"
D. Pagkapasok ko ng pinto ay nakita ko na ang babaeng nakapula at nakaupo sa mesang nasa gitna ng bulwagan.
A-B-D-C
D-B-A-C
D-A-B-C
B-D-A-C
Ano ang hulwaran ng teksto?
Sa pintuan pa lamang ng restawrang usapan namin kung saan magkikita ay kumabog na ang aking dibdib. Pagkapasok ko ng pinto ay nakita ko na ang babaeng nakapula at nakaupo sa mesang nasa gitna ng bulwagan. Lumingon siya at ngumiti pagkakita sa akin na papalapit sa kaniya. Pagkaupo ko sa kaniyang harapan matapos magpakilala, naibulong ko sa aking sarili, "Napakaganda ng ka-text mate ko!"
Depinisyon
Pag-iisa-isa
Pagsusunod-sunod
Paghahambing
Paano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?
A. Isinilang si Marcelo H. Del Pilar noong Agosto, 1850.
B. Ang kaniya namang ina ay si Blasa Gatmaitan.
C. Sa lalawigan ng Bulacan unang nasilayan ni Del Pilar ang liwanag.
D. Ang kaniyang ama ay si Juan Del Pilar na nagmula sa isang mayamang angkan.
A-B-C-D
A-B-D-C
A-D-B-C
A-D-C-B
Si James ___________ si Nadine ay nagtapos ng pag-aaral kamakailan.
katulad
gayundin
gayon pa man
Wala ni isa mang gawaing ipinasa si Justin, _______ hindi na siya umaasang papasa sa Fil 1.
kaya
kung gayon
samakatwid
Mataas ang nakuhang marka ni Selena sa pagsusulit _______ nag-aral siyang mabuti.
kung gayon
kaya
sapagkat
Kailangan ang sipag, tiyaga ______ pagsusumikap upang magtagumpay sa pag-aaral.
o
at
gayundin
Walang tamang sagot si Hailey sa pagsusulit; _________, wala siyang naunawaan sa liksyon.
subalit
bagamat
kung gayon
_________ mahirap lamang ay nagsusumikap na magtagumpay si Ariana.
Samakatwid
kaya
Bagamat
__________ sa pagkakasulat ng Noli me Tangere at El Filibusterismo, pinaratangan si Rizal ng pagiging pilibustero.
Sapagkat
Dahil
Kung gayon
Ang pagkakaroon ng wika ay isang biyaya ng Maykapal sa tao. Ang pagkakaroon ________ ng wika ay isang ekslusibong katangiang ikinaiiba ng tao sa iba pang nilalang.
bagamat
pati
kasi
Piliin ang pangungusap na may wasto at kumpletong bantas.
“Opo, Inay. Magsasaing na po ako”, sagot ni Maria.
“Opo, Inay. Magsasaing na po ako,” sagot ni Maria.
Piliin ang pangungusap na may wasto at kumpletong bantas.
Talaga? Totoo ba ang sinasabi mo?
Talaga, Totoo ba ang sinasabi mo?
Piliin ang pangungusap na may wasto at kumpletong bantas.
Ipinanganak si Bb. Maya Cruz noong ika 7 ng Agosto 1990.
Ipinanganak si Bb. Maya Cruz noong ika-7 ng Agosto 1990.
Piliin ang pangungusap na may wasto at kumpletong bantas.
Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila International Airport?
Kailan binaril si Ninoy Aquino sa Manila, International Airport?
Aling letra ang dapat tanggalin upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan?
(A) Ang dyornal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, repleksyon, iniisip at nadarama. (B) Madalas itong ipakamali sa dayari. (C) Ang totoo, ang dayari ay dyornal din. (D) Si Monica ay may dyornal.
A
B
C
D
Aling letra ang dapat tanggalin upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan?
(A) Noong ika-16 na siglo, ang pagtatago ng dyornal ay napakaraniwan kaya't tinawag itong pangkaraniwang aklat. (B) Napakahalaga ng pagsusulat ng dyornal sa maraming manunulat. (C) Madalas kasi, sa dyornal nila hinahango o binabatay ang mga akdang kanilang sinusulat. (D) sa iba namang manunulat, ang pagsusulat sa dyornal ay isang mabisang pagsasanay sa malikhaing pagsulat.
A
B
C
D
Aling letra ang dapat tanggalin upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan?
(A) Ang dyornal ay isang travelogue. (B) Magagamit ang dyornal upang maging makahulugan ang pagbibiyahe. (C) Nakapaglakbay na ako sa iba't ibang panig ng daigdig. (D) Wika nga, ang lahat sa buhay ay maaaring buhayin sa dyornal tulad ng isang paglalakbay.
A
B
C
D
Aling letra ang dapat tanggalin upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan?
(A) Ang dyornal ay isang talaan ng mga panaginip. (B) Makatutulong ito para sa mga binabagabag ng mga panaginip. (C) Sa pamamagitan ng mga tala sa dyornal, ang mga panaginip ay kanilang mahahanapan ng kahulugan. (D) Ang mga panaginip ay may mga kahulugang overt at latent.
A
B
C
D
Aling letra ang dapat tanggalin upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan?
(A) Ang diskurso ay maaaring nasa anyong pasalita o pasulat. (B) Ang pagsasalita at pagsulat ay dalawa sa mga makrong kasanayang pangwika. (C) Magkatulad man ang layunin sa diskurso, may kaniya-kaniyang pangangailangan at kalikasan ang dalawang anyo nito. (D) Ito ang dahilan ng magkahiwalay na pagbibigay-diin sa mga paaralan sa diskursong pasalita at pasulat.
A
B
C
D
Aling letra ang dapat tanggalin upang ang bawat isa ay magkaroon ng kaisahan?
(A) Ang isang mahusay na talataan ay may mabuting simula, maayos na katawan at epektibong wakas. (B) Mabuti ang simula kung ito'y makatawag-pansin. (C) Maayos ang katawan kung ang mga pangungusap ay lohikal at may pagkakaugnay-ugnay. (D) Taglay ng mabuting talataan ang isang paksang diwa. (E) Epektibo ang wakas kung ito ay nag-iiwan ng impresyon sa mga mambabasa.
A
B
C
D
E
Piliin ang lahat ng halimbawa ng pre-writing activities
Brainstorming
Imersyon
Pag-iinterbyu
Pagrerebays
Sounding-out Friends
Kinakailangang maging maganda ito upang mapagpasyahan ng mambabasa kung itutuloy o hindi ang nasimulang pagbabasa. Dito pa lamang dapat ng makuha ang interes at kawilihan ng mambabasa.
Pagbubuod
Pagsasaayos ng katawan
Pagsisimula
Pagwawakas
Dito sinusuri at winawasto ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, mekaniks at paggamit ng mga bantas.
Pagsisimula
Pagsasaayos ng katawan
Pagwawakas
Pagrerebays
Dito maaaring isa-isahin ang mga datos at iayos ang mga ito nang pasahol o pabuod.
Pagbubuod
Pagsasaayos ng katawan
Pagsisimula
Pagwawakas
Piliin ang lahat na paraan na maaaring gamitin sa pagbuo ng wakas.
ibuod ang paksa
mag-iwan ng hamon
gumamit ng pambungad na pagsasalaysay
bumuo ng konklusyon
banggitin ang kasaysayan o ang pangyayaring nasa likuran ng isang paksa
Ibuod ang iyong karanasan, mga bagay na hindi malilimutan at pinakamalaking takeaway sa ating kursong Diskurso sa Wikang Filipino.
