WorksheetsPagbibigay ng Hinuha
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Gumising ng maaga si Vincent. Siya ay naligo, kumain, nagsipilyo at nagsuot ng uniporme. Saan pupunta si Vincent?
a. Pupunta ng palengke
b. Papasok sa eskwelahan
c. Manonood ng sine
d. Mamasyal sa plaza
Kumuha ng palanggana si Aling Lita, hiniwalay niya ang mga puti sa may kulay na damit. Nilagyan ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Aling Lita?
a. isasampay ang mga damit
d. maglalaba ng may kulay na damit
c. unang lalabhan ang puting damit
d. babanlawan ang mga damit na iba-iba ang kulay
Uminom ng mainit na kape si Bob nang madaling araw, kinuha niya ang lambat at nilabas ang bangkang de-motor.
a. maglalayag siya upang mangisda
b. maliligo sa dagat
c. mag-iigib ng tubig
d. mamasyal sa karagatan upang makalanghap ng sariwang hangin
Tuwing hapon nagwawalis ng silid-aralan si Tony. Subalit ng hapong iyon hindi siya nakapaglinis dahil tinawag siya ng kaniyang guro at pinagsabihang magdala ng pala, kalaykay at panghakot sa lupa. Ano kaya ang gagawin niya?
a. magsusunog ng mga basura
b. maglilinis ng palikuran ng paaralan
c. magrerepaso para sa paligsahan
d. gagawa ng plot para taniman
Si Justine ay naghahanda ng iluluto, ang sumunod ng mga sangkap ay itlog, asin, mantika, sibuyas at kamatis. Ano kaya ang lulutuin niya?
a. hot cake
b. nilagang itlog
c. scrambled na itlog
d. sunny side-up na itlog
May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maramimg tao ang nag-usyoso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng Mendoza?
a. Dadalhin sa ospital si Gng Mendoza.
b. Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.
c. Napahinto lamang ang ambulansiya
d. May hinatid lamang ang tsuper ng ambulansiya kay Gng Mendoza.
Maraming mag-aaral ang huminto ngayong pasukan dahil sa Covid-19. Bakit kaya sila huminto sa pag-aaral?
a. Ayaw na nilang mag-aral.
b. Walang perang pangtustos ang kanilang magulang.
c. Natatakot sa bagong guro.
d. Natatakot silang madapuan ng hindi nakikitang sakit na ito
Kaaarawan ni Steve ngayong araw subalit hindi man lamang naalala ng kaniyang mga magulang. Ano ang gagawin ni Steve?
a. Matutulog na lamang siya.
b. Ipapaalala niya ito sa kaniyang mga magulang
c. Hindi siya uuwi ng kanilang bahay.
d. Itatakwil ni Steve ang kaniyang mga magulang.
Nadulas si Alvin sa balat ng saging dahil hindi tinapon ng kaniyang kapatid sa basurahan. Ano kaya ang susunod na gagawin ni Alvin?
a. Gumanti siya sa kapatid
b. Pinagalitan niya ang bunsong kapatid
c. Pinagsabihan ang kapatid na dapat itapon sa tamang lalagyan ang mga basura.
d. Pinagalitan ng kanilang ina si Alvin
Si Biene ay nakapulot ng pera. Ano kaya ang dapat niyang gawin?
a. Ibibigay lahat sa mga pulubi.
b. Idedeposito niya ito sa bangko.
c. Gagastuhin niya lahat ang napanalunang pera sa isang araw
d. Ibabalik niya sa may-ari.
