NEW
Font size
WorksheetsESP 8 - Angkop na Kilos ng Lider at Tagasunod
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Si Jose ay nahalal na pinuno sa kanilang klase kung kaya pinagsisikapan
niyang maging isang epektibong lider. Sa layuning ito, ano ang kakayahan ang
nararapat niyang maipakita upang maging ganap na mapanagutang lider?
a. kakayahang kumilos ayon sa kagustuhan
b. kakayahang tumingin sa sariling kapakanan
c. kakayahang paunlarin ang pangkat na nasasakupan
d. kakayahang makabili ng pangangailangan ng pamilya
Anong kilos ang nakatutulong upang mapaunlad ang kakayahang maging
epektibong tagasunod?
a. kumilos nang mag-isa
b. nakatuon sa mali ng iba
c. pakikinig sa opinyon ng iba
d. natututo sa ibang karanasan
Paano maipapakita ang matibay na relasyon ng lider at tagasunod?
a. sa pamamagitan nang sama-samang paggawa
b. sa pamamagitan nang bukas na pag-uusap para sa ikabubuti ng iilan
c. sa pamamagitan nang pagtanggap ng suhestiyon mula sa isang kasapi lamang
d. sa pamamagitan nang paggawa ng pasya nang hindi sumasangguni sa kasama
Alin sa mga sumusunod na kilos ang naging dahilan nang maayos na ugnayan
sa pagitan ng lider at tagasunod?
a. malawak ang pang-unawa
b. nagpapabaya sa bawat suliranin
c. walang pagkakaisa sa isang gawain
d. padalos-dalos ang paggawa ng desisyon
Bakit mahalagang maisagawa ng lider ang mga angkop na kilos?
a. mapaunlad ang pisikal at ispiritwal na pagkatao
b. upang hindi malihis sa maling daan ang mamamayan
c. upang maging epektibong tagapag-utos sa mga kasapi
d. upang magsilbing modelong tagapamahala sa isang lipunan
Anong kilos ang maaaring gawin ng isang lider upang maging matagumpay ang
layunin ng pangkat?
a. Lider ang palaging nagsasalita.
b. Suportahan ang ilang mga miyembro.
c. Pinapaubaya ng lider ang mga gawain sa kasamahan.
d. Nasusuri ang positibo at negatibong maging resulta na gagawing kilos.
Bilang isang lider, ano ang nararapat gawin upang mahikayat ang kasaping
nawalan ng determinasyong ipagpatuloy ang nasimulang gawain?
a. hayaan silang magliwaliw muna
b. pabayaan ang kasamahan sa kanilang gusto
c. magbigay ng ibang trabaho na angkop sa kanilang panlasa
d. magbigay ng pagganyak na mensahe sa mga kasamahan
Si Emilia ay isang lider ng korporasyon. Kilala siyang matulungin at epektibong pinuno kaya mahal na mahal siya ng kanyang mga kasamahan at
nasasakupan. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga ito, ang itinulong niya ay
nagmula sa kinupit na pera mula sa kanilang negosyo. Sa tingin mo napaunlad
ba ni Emilia ang kanyang kakayahan bilang lider?
a. Oo, dahil ginamit sa mabuting paraan ang pera.
b. Oo, dahil marami siyang natulungan at napasaya.
c. Hindi, dahil magagalit ang mga kasamahan.
d. Hindi, dahil ang kilos ay nagpapakita ng kawalan ng katapatan.
Ang palaisdaan ng mga taga-Sitio May-Tubig ay nakapagbenta ng Php
10,000.00 sa loob ng isang araw. Kumuha ng Php 2,000.00 si Pablo upang
ipambili ng gasolina at “maintenance” ng bangka, may natirang Php 500.00.
Ngunit hindi niya ito ibinalik sa kanyang amo sa halip, ay ibinili ng
pangangailangan nito sa sarili. Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Pablo?
a. Oo, sapagkat wala ng pagkain ang pamilya niya sa araw na iyon.
b. Hindi, dahil ang tagasunod ay dapat na maging matapat sa lahat ng gagawin.
c. Oo, dahil siya naman ang bumili ng gasolina para sa bangka at suhol
niya iyon.
d. Hindi, sapagkat pera ng kanyang amo ang ibinili ng mga
pangangailangan niya.
Bilang isang lider, ano ang pinakaunang aspeto na dapat isaalang-alang sa
paggawa ng pasya?
a. sapat na pundo
b. opinyon ng kasamahan
c. kagustuhan ng bawat isa
d. kapakanan ng nakararami
