wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 3

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Mula sa kaniyang pagsilang ay putol na ang isang binti ng iyong kaklase. Ngunit sa kabila nito ay hindi siya nagrereklamo. Isa rin siyang matalinong bata at palaging nananalo sa paligsahan dahil sa angkin niyang katalinuhan.

a)

Tulungan ang batang pipi na matawag ang pansin ng drayber upang makababa siya ng sasakyan.

b)

Suportahan ang kaklase at tulungan sa tuwing nahihirapan sa pagkilos.

c)

Hangaan ang angking talento at gawing inspirasyon.

2.

Nakasabayan mong sumakay sa traysikel ang batang pipi. Gusto na niyang bumaba sa nadaanan ninyong simbahan ngunit hindi naintindihan ng drayber ang ibig niyang sabihin.

a)

Hangaan ang kahusayan ng mga may kapansanan sa kabila ng kanilang kalagayan.

b)

Hangaan ang angking talento at gawing inspirasyon.

c)

Tulungan ang batang pipi na matawag ang pansin ng drayber upang makababa siya ng sasakyan.

3.

Nanonood ka ng isang programa sa telebisyon, may isang kalahok na nagpapakita ng kaniyang talento sa pagsasayaw kahit nakaupo siya sa wheelchair.

a)

Hangaan ang angking talento at gawing inspirasyon.

b)

Suportahan ang kaklase at tulungan sa tuwing nahihirapan sa pagkilos.

c)

Hangaan ang kahusayan ng mga may kapansanan sa kabila ng kanilang kalagayan.

4.

May ginanap na paligsahan ng mga may kapansanan sa inyong paaralan. Kahit nahihirapan ay kinaya nila.

a)

Suportahan ang kaklase at tulungan sa tuwing nahihirapan sa pagkilos.

b)

Hangaan ang kahusayan ng mga may kapansanan sa kabila ng kanilang kalagayan.

c)

Hangaan ang angking talento at gawing inspirasyon.

5.

Sa paanong paraan makatutulong sa mga may kapansanan ang pagbibigay mo ng malasakit?

a)

Makapagpapagaan ito ng kanilang mga gawain at hanapbuhay.

b)

Makapag-iipon sila ng perang panggastos nila sa kani-kanilang mga luho.

c)

Magkakaroon sila ng malaking halagang pambili ng mga ari-ariang gusto nila.

6.

Ang sumusunod ay mga mabuting katangian ng isang bata na marunong tumanggap ng katayuan/kalagayan ng pangkat etnikong kinabibilangan ng kapuwa bata, maliban sa isa.

a)

Pagbabahagi ng mga pagkain, laruan, damit at iba pa.

b)

Pang-iinsulto at pagtawanan ang ibang pangkat etniko.

c)

Pagtulong na may pagmamahal at pag-aalaga kahit iba pa siya.

d)

Pagtanggap ng ibang pangkat, tulad ng Manobo at mga Mangyan.

7.

Habang naglalakad kayo ng nanay mo sa isang kalsada, nakita mo ang isang batang katutubo na nanghihingi ng pagkain sa iyo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Hindi kikibo at pabayaan na lang.

b)

Hahayaan mo ang bata at huwag pansinin.

c)

Lalakad nang matulin na parang walang nakita.

d)

Sasabihin sa nanay na bibigyan mo ng pagkain ang batang katutubo.

8.

Sa loob ng silid-aralan ninyo ay may nakita kang bagong kaklase. Siya ay isang Manobo. Paano mo siya bibigyang pansin para makilala mo siya?

a)

Aawayin para makilala siya.

b)

Lalapitan siya at makikipagkilala.

c)

Pagtatawanan dahil kakaiba siya sa iyo.

d)

Hahayaan na lang siya at hihintayin na makipagkilala siya sa iyo.

9.

Nakita mo ang iyong kaklase na isang miyembro ng pangkat etnikong Mangyan. Siya ay umiiyak dahil tinutukso siya ng inyong kaklase. Paano mo siya matutulungan?

a)

Iiwasan siya.

b)

Hahayaan siyang umiiyak.

c)

Pagsasabihan ang mga kaklase na huwag tuksuhin ang bago ninyong kaklase na Mangyan.

d)

Patatahanin sa pag-iyak ang bagong kaklase at isusumbong agad sa guro ang mga nanunukso sa kaniya.

10.

Mayroon kang kaklase na mahiyain dahil bago pa lang siya sa inyong paaralan. Hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. Paano mo siya matutulungan?

a)

Lalayuan na lang.

b)

Pababayaan at hindi papansinin.

c)

Ipagsasabi sa mga kaklase na hindi siya marunong magsalita ng Tagalog.

d)

Kakausapin nang maayos at papayuhan na kung mayroon siyang sasabihin ay maaaring isulat sa papel.

11.

Ang sumusunod ay mga katangian ng pakikiisa na may kasiyahan sa kalooban, maliban sa isa:

a)

Pagsali sa mga programa sa paaralan

b)

Nasisiyahan kapag kasama ang ibang bata

c)

Nagagalit kung kasama ang ibang bata sa paglalaro

12.

Sa kabila ng iyong kapansanan, napili kang maging lider sa isang paligsahan ng inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin upang sundin ka ng iyong mga kaklase?

a)

Hindi kikibo at pababayaan na lang.

b)

Tawagin ang mga kaklase at pag-usapan ang dapat gawin upang maisakatuparan ang mga gawain.

c)

Magpunta sa guro at sasabihin na hindi mo kaya ang gawaing ipinagagawa.

13.

May sasalihan kang patimpalak sa paaralan ninyo, at isa rin sa mga kalahok ay ang matalik mong kaibigan. Ano ang gagawin mo?

a)

Makipag-usap sa kaibigan na kahit anong mangyari, manalo man o matalo, magkaibigan pa rin kayo.

b)

Takutin ang kaibigan para hindi magpatuloy.

c)

Pabayaan at magpatuloy sa patimpalak.

14.

Maipakikita mo ang pakikiisa sa iyong kapuwa bata sa pamamagitan ng __________________.

a)

Paglalaro na mag-isa.

b)

Pagpapakita ng takot sa Diyos.

c)

Pagmamalasakit sa kapuwa

15.

Isa sa programa sa paaralan ay ang Brigada Eskwela. Paano ka makatutulong upang maisakatuparan ang ganitong gawain?

a)

Magyaya ng mga kaibigan at makikiisa sa gawain ng paaralan.

b)

Mag-ipon ng lakas para makatulong sa Brigada Eskwela.

c)

Sasali na lang sa susunod.

16.

Nabalitaan mong mayroong gaganaping patimpalak sa pagkanta sa inyong paaralan. Naisip mo ang bago mong kaklase na si Josie dahil alam mong mayroon siyang talento sa pagkanta sa kabila ng kaniyang pagkamahiyain. Paano mo siya kukumbinsihing sumali?

a)

Takutin para kumanta.

b)

Kakausapin siya nang maayos na nararapat niyang ibahagi ang angking talento.

c)

Bibigyan siya ng pagkain para sumali.

17.

Sumali kayo sa patimpalak sa pagsasayaw sa inyong barangay. Isa sa mga hurado ay kakilala ng kagrupo mo. Ano ang gagawin mo?

a)

Ngingitian ang hurado.

b)

Magpalakas sa hurado.

c)

Ipakita ang kasiyahan at pakikiisa sa pagsasayaw.

18.

Naglalaro kayo ng iyong mga kaibigan. Napansin mo na may isang bata na gustong sumali sa laro ninyo. Ano ang gagawin mo?

a)

Aawayin ninyong magkakaibigan ang bata.

b)

Kakausapin ang mga kaibigan na isali ang bata sa laro.

c)

Pabayaan ang kapuwa bata at hindi siya papansinin.

19.

May programa sa inyong paaralan na tinatawag na coastal clean-up. Gusto mong sumali, ngunit alam mo na hindi ka papayagan ng iyong mga magulang. Ano ang gagawin mo?

a)

Magagalit sa magulang.

b)

Kakausapin ang mga magulang at magpapaliwanag nang maayos upang makasali sa coastal clean-up.

c)

Hindi na lang sasali.

20.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng pakikiisa at kasiyahan sa mga gawaing pambata?

a)

Masayang kasama ang ibang bata

b)

Hindi nakikipag-away kung nakikipaglaro

c)

Tumutulong sa ibang bata

d)

Lahat ng nabanggit